Chapter 9 Finale

8.9K 95 9
                                    

‘’Nakakatawa tayong apat,ikaw ako si Roberto at Rona.’’wika ni Luisa kay Henry na andun upang bantayan siya sa ospital.

‘’Bakit mo naman nasabi yan Luisa?’’tanong ni Henry sa kumareng si Luisa.

‘’Tayo tayo lang ang nag gagamitan.Ginamit kita para magkaanak kami ni Roberto pero ginamit ni Roberto ang asawa mo para magpadami ng lahi niya na hindi niya magawa sa asawang tulad ko.Nakakatawa…nakakatawa kasi galit na galit ako sa ginawa ni Roberto sakin eh kung tutuusin wala rin akong pinag iba sa kanya.Ano nalang ang sasabihin ng anak ko paglabas niya sa mundong to?Napaka gulong buhay, ayoko ng ganito Henry pagod na pagod na ako.’’wika ni Luisa sa maaawang si Henry.

‘’Huwag kang masyadong mag isip Luisa,ang anak natin ang pagtuunan mo ng pansin.Hindi ka pwedeng maging mahina dahil nalalagay sa alanganin ang pagbubuntis mo.Kung ano mang pagkakamali nating apat sa isat isa sooner or later maayos din ito.Magpahinga ka na wag ka ng mag isip ako na bahalang aayos sa gulong to.’’wika Henry kay Luisa na unti unting makakatulog dahil sa pang hihina at pagod.

Sa labas ng kwarto makikita si Roberto ang asawa ni Luisa na nag aalala sa kalagayan niya.Hindi siya pinahintulutan ng guard na pumasok sa loob dahil na rin s autos ni Luisa.Umaasa siya na pagkatapos mag usap si Henry ng kanyang kumpare at asawa ay magagawa din niyang makausap ang minamahal na asawa.

‘’Ano na namang nangyari sa nag iinarte mong asawa? ‘’tanong ni Rona ang asawa ni Henry at ngaun ay kinakasama na ni Roberto.

‘’Tumigil tigil ka Rona ah asawa ko yang iniinsulto mo.’’wika ni Roberto sa maiinis na si Rona.

‘’Bakit mo ba pinagsisiksikan yang sarili mo kay Luisa eh nagsama na sila ng asawa ko.Magkakaanak na nga diba?Umuwi ka na sa bahay hinahanap ka na ng mga anak natin.’’wika ni Rona na hindi papayag na magkabalikan si Robert at kaibigang si Luisa sa takot na bumalik ang buhay mahirap nito sa piling ng asawang si Henry.

‘’Hindi ako papayag na maging sila ni Henry,asawa ko si Luisa! Akin lang siya!’’wika ni Roberto ng biglang lumabas si Henry at magtatama ng tingin ang dalawang dating mag kumpare.

‘’Ayoko ng gulo Roberto,gusto ko mag usap tayo ng matino kung pwede lang sana.’’wika ni Henry na agad sasang ayunan ni Roberto.

‘’Hindi ata maganda to ah!’’wika ni Rona sa sarili ng makitang uupo ang dalawang lalake at mag uusap sa tungkol sa kalagayan ng kanilang mga relationship.

‘’Naaawa na ako kay Luisa,sobra na siyang naapektuhan sa gulo nating apat.Roberto itigil na natin ang pag aaway para sa kapakanan ni Luisa.’’wika ni Henry na ikatataas ng kilay ni Rona.

‘’Wow Luisa talaga? Eh pano ang kapakanan ko Henry? Ano bang meron sa babaeng yan na kailangan niyong pag agawan!’’wika ng galit na galit na si Rona na titingnan ni Roberto at ni Henry ng masama.

‘’Gusto mo ba malaman ha Rona? Kasi simple lang si Luisa,isang babaeng gagawin ang lahat para lang sa pag ibig.Isang babaeng kahit sinong lalake madali niyang mapapamahal dahil mabait siya at hindi siya ambisyosa.’’wika ni Henry ng nagpahiya sa natahimik na si Rona.

‘’Tama ka sa sinabi mo Henry,kahit nagtaksil ako kay Luisa ay hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya.Mahal na mahal ko si Luisa at ayokong mag hirap pa siya.’’wika ni Roberto na ikaiinis ni Rona dahil nasisira ang kanyang plano.

‘’Kung sambahin niyo naman si Luisa parang SANTA ah! Nakakalimutan niyo ata na nagtaksil siya at ikaw Henry kayong dalawa ni Luisa nagkasala kayo sa amin ni Roberto.Hindi ba ang pinagbubuntis niya ay sayo kaya Roberto papano mo nagagawang patawarin ang taksil mong asawa eh parehas lang naman kami Makati ang puke sa lalake.’’wika ni Rona ng biglang makatikim ng malakas na sampal kay Henry na dapat si Roberto sana ang gagawa naunahan nga lang ng kumpare.

GamitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon