Sa isang paupahang bahay makikita sina Roberto at Rona na nagpasiyang magsama muna bago ayusin ang mga issue sa mga asawa nila.Bingyan niya ng pera si Rona para mamili ng gamit sa bagong tirahan habang siya naman ay papasok sa kumpangyang pinag tra-trabahuan.Tuwang tuwa si Rona sa hawak nitong pera at agad namili ng mga gamit pampersonal at sa bagong bahay nila.
‘’Hmmm ang sarap talaga ng buhay na may pera,pasencia na Luisa pero d ko na pakakawalan ang iyong asawa.’’wika sa sarili ni Rona habang namimili at ginagasta ang perang dapat sana ay binibgay ni Roberto sa asawa.
Samantala d magkanda ugaga si Henry at Luis sa pag aalaga ng mga anak na naiwan ni Rona at Roberto na walang kamalay malay sa pagkakaospital ng bunso nila.Hind man niya mga tunay na anak ay pilit na inaasikaso ni Henry ang dalawang anak nila Rona at Henry na papasok sa eskwela habang ang panganay nila ni Rona at katulong nito sa pag aalaga sa mga kapatid niya.
‘’Tay kamusta na si Jr?’’tanong ng panganay at anak ni Henry sa kanyang Tatay.
‘’Ok lang siya anak,ikaw na bahala sa mga kapatid mo sa school ah.Eto baon niyo at sabay kayong kumain ng tanghalian,pasencia na to muna ang ulam niyo.’’wika ni Henry sabay bigay ng baong isda at kanin sa mga bata.
‘’’Anak pala ni Tito Roberto ang mga kapatid ko,tapos iniwan lang sa inyo.Napakasama ni Nanay, Tay!hindi niya dapat kayo ginaganito.’’wika ng anak ni Henry sa tatay nito.
‘’Anakwag kang magsalita ng ganyan Nanay mo pa rin un,ano mang nagawa niya sa akin wala kayong kinalaman dun.’’wika n Henry na agad ihahatid sa labas ng bahay habang hinihintay ang school bus ng mga bata.
Nang makaalis ay lalapitan si Henry ng kapitbahay nilang si Mely na mapapa iling habang nakatingin sa umabsent na si Henry na mas pinili ang mga anak kesa sa trabaho upang alagaan ang mga ito.
‘’Grabe si Mareng Rona,naaawa ako sayo pare.Ikaw na d ama ng mga batang iyan ang nagpapasan ng responsibilidad na dapat sina Robert at Rona ang gumawa.Bakit hindi mo nalang ibigay sa dalawang iyon ang mga bata tutal nagsasama nap ala ang dalawa dahil pinalayas na ni Luisa ang asawa niya.’’wika ni Mely sa kapitbahay at kumpare niya.
‘’Napamahal na sa akin ang mga bata Mare,kawawa naman sila kung magugulo ang mga isip nila sa mga nangyayari samn na mga magulang nila.Teka nasabi mo na magkasama na sina Robert at Rona kamo?’’tanong ni Henry sa kapitbahay na si Mely.
‘’Ay oo dun sa kabilang kanto pa nga sila kumuha ng paupahang bahay dun sa asawa ng kapatid ko.Mga walang hiya din kasi mas pinili nilang manirahan dito pa na malapit sa inyo.’’wika ni Mely sa tila maiinis na si Henry na pipiliting dedmahin na lang ang mga nangyari.
‘’Hayaan mo na sila mare naniniwala naman ako sa karma.’’wika ni Henry na tatapikin sa balikat ang kumara at agad papasok ng bahay upang magbihis.
Sa loob ng ospital ay makikita si Luisa na nagbabantay sa anak ng asawa ntong si Roberto at kumareng si Rona na si Jr. Na sumama ang tiyan ng painumin ni Henry ng panis na gatas na d naman nito sinasadya.Tinext niya si Henry tungkol sa mga gamit at mga gamot na kailangan ng bata.Nakaramdam ng awa si Luisa habang nakatingin sa nahihirapang sanggol na walang kamalay malay sa kaguluhan ng kaniyang mga magulang.
‘’Hello?’’wika ni Luisa ng marinig nito na si Roberto ang nasa kabilang linya.
‘’Luisa kamusta ka na?kumain ka nab a?sana bigyan mo ako ng pagkakataon na kausapin ka.’’wika ni Roberto sa namimiss niyang asawa.
‘’Nagawa mo akong kamustahin eh ung mga anak niyo ni Rona na iniwan niyo sa amin nagawa mo bang pansinin?Si Jr. Nandito sa ospital pakisabi dyan sa kabit mo kung may natitira pang pagiging Ina dyn sa puso niya eh dalawin niya dito ang bata.Alam ko magkasama kayo dahil nagtext sa akin si Mely at nalaman ko na kumuha pa talaga kayo ng bahay malapit sa bahay ko!’’wika ng galit na si Luisa sa asawang si Roberto.
‘’Ano?naospital si Jr!bakit anong nangyari?kumuha ako ng bahay oo malapit sa atin dahil ayaw mo naman ako dyan dba?’’pagrarason ni Roberto sa kanyang asawa.
‘’At kasama mo pa talaga si Rona?nananadya ka ba?bye na wala kang kwentang kausap!’’wika ni Luisa sabay patay ng cellphone niya.Kahit nasa trabaho ay magpapaalam na aabsent muna si Roberto sabay tawag kay Rona na nooy nalilibang sa pag sho-shopping .
‘’Asan ka!magkita tayo si Jr, nasa ospital!’’wika ni Roberto na ikagugulat ni Rona.
‘’Ano!bakit nasa ospital ang anak natin ha Roberto.’’wika ng tila nagulat na si Rona.
‘’Ewan ko magkita nalang tayo dun sige bye!’’wika ni Roberto habang si Rona naman ay agad iuuwi ang mga gamit at susunod sa ospital kung nasan si Jr,Nagkita ang apat sa ospital at isang suntok ang matitikman ni Henry mula kay Roberto ng malaman nitong dahl sa pagpapainom ng panis na gatas kaya naospital ang anak na si Jr,
‘’Kung gusto mo akong gantihan huwag ang bata tang ina mo Henry ako na lang,ako nalang!’’wika ng galit nag alit na si Roberto ng biglang sampalin sa mukha ni Luisa.
‘’Wala kang karapatan na saktan si Henry,ikaw!at ikaw!(sabay dur okay Rona)kayo na puros pasarap sa katawan ang iniisip.Nagpapakasarap kayo sa buhay habang si Henry ang nagpapagod na mag alaga sa mga bata.Kung intension ni Henry na gantihan kayo sa pamamagitan ng anak niyo eh d sana d na niya dinala sa ospital ito.Mga inutil na mga magulang!’’wika ni Luisa ng biglang manakit ang puson nito at sabay tulo ng dugo sa kanyang palda.
‘’Oh My God!Luisa!’’sigaw ni Roberto na agad bubuhatin at dadalhin sa Emergency room ang asawa.
Matiyagang naghihintay si Roberto sa nangyari sa kanyang asawa habang nasa labas ng emergency room.Makikitang lalapitan siya ni Rona at Henry na nag aalala sa kalagayan ni Luisa ng lumabas ang doctor na may magandang balita.
‘’Sino sa inyo ang asawa ng pasyente?’’tanong ng doctor sabay lapit ni Roberto dito.
‘’Congratulations ur wife is pregnant pero muntik ng makunan dahil sa stress,kaya doble ingat para kay misis ok?’’wika ng doctor sa d makapaniwalang si Roberto na labis ang tuwa ng malamang buntis na ang asawa nito.Habang si Henry naman ay nagulantang dahil alam nito na siya ang ama at hindi si Roberto na inaangkin ang pagbubuntis ni Luisa.At si Rona naman ay makikitang dismaya at nangangambang maputol ang pansamantalang ginhawang natatamasa niya.
Itutuloy..