Okay.. ang bagal ko talagang mag update.. -____- Wala kaseng masyadong pumapasok sa utak ko [sama mo na yung pagiging tamad ko] Ayos eh! Anywayz, eto na..
*
Andrew's POV
Ang tagal naman nila! Napaano na kaya yon?!
[ Ay teka... ANO BA YUNG PINAGSASASABE MO, ANDREW?! Concern ka na sa kanya?! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Ayos yan.. ]
Bakit ko nga ba iniisip yun? Bahala na sya sa buhay nya. Hahahahahaha!
"Sir, nandiyan na po sila.."
"Sige."
Kasama ko pala dito si Lolo. Mas pasaway siya kaysa sa akin. SOBRA.
"Sir.." tawag sakin ni Patrick.
Tinignan ko si Lia.
"E, bat ganyan muhka mo? Parang di mapinta?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw ba naman ang nasa harapan ng halimaw na katulad mo, sinong di magiging ganito muhka ko di'ba?"
AISH. Ang sama talaga ng ugali netong pangit na 'to.
"Onga pala. Saan na yung iba nating mga batchmates?" tanong niya.
"Wala." mabilis kong sagot.
"ANONG WALA?"
"Wala. As in, nothing. Stupid!"
"E, bat mo pa ako pinapunta tsaka di mo sinabi sa akin yun?!" galit na galit niyang sabi.
"Bakit ba? Hahahaha! Itsura mo. Ayusin mo nga. Namumula na muhka mo sa galit."
Papasok na sana ako sa loob..
"Hoy! Andrew, wag mo nga ako talikuran! Anak ng pating naman eh!"
EH MADALI AKO KAUSAP..
"Bakit ba?" tumingin ako sa kanya at nilapit ko yung muhka ko sa muhka niya. Mga 2 inches lang siguro yung pagitan.
"H-hoy.. l-lumayo ka nga s..akin."
"Sabi mo kasi huwag kitang talikuran eh.."
"D-di pwedeng magjoke?"
Ngumiti nalang ako tsaka umalis. HAHAHAHA wala pala yun eh ;)
*
Lia's POV
Aba, ang galing talaga netong halimaw na 'to. Idadamay pa yung ibang tao para sa walang katuturang bagay? Anak ng putapeteng pating.
Tapos nagwalk out siya?!
"Hoy! Andrew, wag mo nga ako talikuran! Anak ng pating naman eh!" sabi ko sa kanya.
Tapos...
"Bakit ba?" sabi niya naman tapos sobrang... OO SOBRA SOBRA. Amoy na amoy ko yung mint flavor niyang bubble gum. Oyy.. shet. Lia, wag ngayon..
"H-hoy.. l-lumayo ka nga s..akin." sabi ko. AT SANA HINDI NYA NAHAHALATANG NAMUMULA NA AKO SA HIYA DITO DIBA?!!!
"Sabi mo kasi huwag kitang talikuran eh.." Aba naman 'tong lalaking 'to. Pilosopo tasyo ka, pre?!
"D-di pwedeng magjoke?" yan nalang nasabi ko para matapos na ang lahat.... :(((
At ayun.. buti naman at nakawala na ako doon sa napaka ~*not so seductive*~ na paglapit sa akin ni Halimaw. Pero, bakit ganon? Bigla akong namula na ewan na bumibilis yung tibok ng puso ko..
Ay. Baka may sakit ka sa puso tapos.. hindi mo na makikita si Andrew kahit kelan kasi maoospital ka tapos doon ka na forever <3 saya non. Hihihihihi.
"Uy, Lolo Paps!" sabi ni Andrew doon sa matandang lalaki. Siguro lolo niya? Kasi, kamuhkang kamuhka niya yon.
"Andrew pogi! Hahahaha! Kamusta ka na?"
"Ayos lang, Lolo Paps. Eh, lagi naman akong pogi, Lolo Paps eh. Hahahahaha."
"Eh kanino nag mana?"
"Edi sa'yo, Lolo Paps! Hahahahaha!"
Nakatitig lang ako sa kanila. Hindi ko akalain na ganon si Halimaw sa lolo niya. Ewan, parang hindi halata sa ugali niya na ganun siya. Na mabait pala siyang bata *kahit papaano?*
"Sino naman yung kasama mo? Girlfriend mo? Naks. Andrew Pogi ka na talaga! Hahahahahaha!"
AY ang lakas maka-pbb naman neto ni Lolo. Agad agad, girlfriend?! Porque nasama lang sa trip ng apo niyo?
"Nako, Lolo Paps. Hindi noh! Pangit pangit niyan eh. Ugali pa lang!"
Ang lakas talaga ng kakapalan ng muhka netong Andrew-ng 'to!!1! Kala mo naman kagwapuhan... pero oo nga. HEH.
"Uhm.. Ma'am. Pasok na po tayo." sabi ng lalaking katiwala *ata* nila.
"Ay, sige."
Pumasok na ako sa bahay at... maganda siya. *u* Hindi siya yung tipikal bahay na bato na nakikita sa Ilocos [nasa gilid yung picture ^__^]. Ugghhhhh~ Sana pala dinala ko yung camera ko :(
Tapos, yung mga pictures ni Andrew noong bata pa siya, nandoon sa mga aparador. Hahahaha! Ang kyu-kyut ng mga pictures.
Tapos nakita ko rin yung pictures ng mga magulang ni Andrew. Yung tatay niya, ang gwapo @_@. Yung nanay niya naman, may dimples tapos... ang perfect ng buong muhka niya. Ano ba yan?! Buong pamilya niya.... nasobrahan yung pagkakaloob sa kanila ng kagandahan ng muhka :(
"Lia.." biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ay, kabayo!"
"Kumain muna tayo.." malamig niyang sabi.
Bakit kaya nagkaganon si Andrew?! @_____@ Wtf.
*
![](https://img.wattpad.com/cover/712405-288-k237943.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweet, sweeter, sweetest (Ongoing)
Teen FictionSi Lia, isang average student. Not-so-popular nga ang peg niya eh. Na maiinlove kay Andrew na tinuturing niyang HALIMAW? Isa ba itong malaking NO-NO? Or maiinlove siyang tuluyan kay Andrew at mag-go GO-GO?