*
Lia's POV
Jusko. Monday nanaman. -________- Hassle sa akin kapag Monday eh. Pero masaya ang iba kong mga classmates. Tsk! Buhay nga naman parang life.
"Uhm.. Excuse me.. Are you Miss De Vega?" tanong ng lalaki.
"Ako nga.. Bakit?"
"Pinapatawag ka daw ni Mr. President."
"Mr. Preside--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla niya akong hinila.
Ewan ko kung saan ako dadalhin netong lalaking 'to.
Mga 5 minutes kaming tumakbo dahil sa laki netong school neto... Nakapunta na rin kami sa kailangan naming puntahan..
"Nandito... na... tayo." hinihingal na sabi niya.
"Sa Student Council Office?! Anong? Bakit?"
"Tara!"
Nakita ko si Andrew kasama yung ibang student council officers.
"Oh.. Andito na pala siya, guys."
"Ha?! Bakit? Anong meron?"
"Guys, Meet Ms. Lia De Vega."
Anong gagawin nila sa akin?! O______________________O
"She's our new Secretary."
"ANO DAW?! SECRETARY?!"
"By the way, Salamat Kirby sa pag-punta mo sa kanya dito."
Ngumiti nalang yung Kirby na yun kay Andrew. HAAAAAAAAAAAY~
"Eh, Andrew... Di 'ba yan yung girlfriend mo?" tanong ng isa niyang kasama.
"Yup! And I do believe na magagawa niya yung mga gawain ng isang secretary. ^_^"
"Parang ang duga naman kasi hindi man lang siya nagpa-interview sa atin?"
"Yeah. Pero, tiwala ako sa kanya na kaya niya yon. :)"
"So, paano Ms. De Vega? Simulan mo na ang pagiging Secretary."
"Ha? Anong... gagawin ko?"
"Ano bang ginagawa ng isang secretary? Kape..kape.. at pagsunod ng mga utos ko. Okay?"
"JUSKO! Edi dapat kumuha nalang kayo ng katulong niyo rito!"
Nakakaasar. Ginagagawa lang nilang katulong yung dati nilang secretary kaya nagresign. -____-
"Kaya nga, ikaw ang kinuha namin eh."
"@#$*@#&$%*(@#&$*&@#$*&#@$!, ANDREW!! ANG YABANG MO TALAGA!!"
Lumapit siya sa akin sabay bulong ng..
"Look, kaya kitang patalsikin dito sa Academy. Kung ayaw mong umalis, sumunod ka sa utos ko."
Ayan nanaman yung block mail niya!!!!!! ASLKDJALSKFJAWPOF:LASKDJG:DLLAS:LDKAS:DLKASD!! Nakakaasar na 'tong mayabang na 'to.
*
Lawrence's POV
Nasan na ba yung si Lia? May itatanong pa naman ako dun..
"Ay, nako. Sorry mi---"
"Oh, Lawrence! Ikaw pala." habang pinupulot yung mga papel niya.
"Ehh.. Sorry. Di'ba ikaw si Cy?"
"Yup. Ako nga. :) Teka, bakit parang pagod na pagod ka?"
"Hinahanap ko kasi si Lia eh. Nakita mo ba?"
"Ay! Hinahanap ko nga rin siya eh."
"Saan na kaya yung babaeng yon? ~_~"
"Hmm.. Tara. Hanapin natin siya dito sa Academy. For sure, nag-aaral nanaman yun."
"Yeah. Muhka nga."
And, hell yeah. Kinikilig akong ewan dito. Kasi, magkasama kami ni Cy. ~_~
*
Alexandra's POV
It's our 2 anniversary sana namin ni Andrew. Pero, eto ako. Nagkamali't nasaktan dahil sa katangahang ginawa ko.
*bzzt*
*Justin is calling*
"Bakit ba?!"
"Hi Alex."
"Anong kailangan mo?!"
"Tayo! Tayo, Alex! Tayo ang kailangan ko!"
"Anong tayo?! Walang TAYO! Nag-iilusyon ka lang, Jus!"
"Tapos ano?! Di'ba wala na naman kayo ni Andrew?!"
"Hindi mo ba alam?! Ikaw ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni Andrew!
"Hah! At ako pa ang may kasalanan. Ikaw nga 'tong dapat sisihin eh. Because of your playgirl attitude, nawala yung pagmamahal sa'yo ni Andrew! Pinapaasa mo lang kaming lahat! LAHAT NG MGA NAGIGING LALAKI MO!"
Binaba ko na yung phone ko. Hindi ko kinaya lahat ng mga pinagsasabi ni Justin. Ganon ba ako kasamang tao?! Ang gusto ko lang naman ay mapansin at mahalin ng ibang tao eh!
"Ate?"
"Uh.. Ikaw pala, Ella."
Aside from Cy. May kapatid pa kaming babae. She's Ella. Siya yung pinaka-matinong kapatid namin. A 16-year old girl na medyo nerdy nerd at weird. Pero, may pagka-girly.
"Umiiyak ka nanaman, Ate?"
"Ah. Hindi. May pumasok lang na dumi sa mata ko."
"May luha tapos pumasok na dumi sa mata? Niloloko mo ako?"
"Hahahaha! Halika nga dito, Ella. Gusto ko ng hug eh."
Yumakap ako ng sobrang higpit sa kanya.
"Ella.. 'wag kang gagaya sa akin ha? Na, hindi pinapahalagahan yung bagay na nasa kanya. At papahalagahan nalang niya kung kailan na niya nawala."
"Si Kuya Andrew?"
"Paano naman siya napasok sa usapan natin?"
"Eh, diba? Nawala na siya sa'yo. Pero, nung nawala na siya, dun mo lang siya pinahalagahan. Tama di'ba?"
"Hahahahahaha!! Halika ngaaaaaaaa! May kiss ka sa akin! Babyyyyyy!!"
"Ate! Hindi na kaya ako Baby!! In fact, may suitor na ako eh."
"Sino naman 'tong lucky guy na 'to? Papuntahin mo dito para mapagdesisyunan na! Hahahahahaha!!"
"Ate naman eh!"
At, napasaya nanaman ako ng kapatid ko. :)
____________________________________________________
Sorry kung ganito yung chapter na 'to! T_T Hindi ko masyadong pinagisipan. Huhuhu~

BINABASA MO ANG
Sweet, sweeter, sweetest (Ongoing)
Teen FictionSi Lia, isang average student. Not-so-popular nga ang peg niya eh. Na maiinlove kay Andrew na tinuturing niyang HALIMAW? Isa ba itong malaking NO-NO? Or maiinlove siyang tuluyan kay Andrew at mag-go GO-GO?