Andrew's POV
"May plano ako ngayong Christmas Break. The whole seniors should participate." sabi ko habang nagmi-meeting kami.
"What's the plan?" tanong ni Keane.
"A Retreat."
"Great idea. Pero, saan naman 'to gaganapin? Sa isang hotel? or resort?"
"Hahahaha. Eh, lagi naman tayong nandoon di'ba? What if, kung sa.."
"Where?"
"Sa probinsya. Magtatrabaho tayo dun."
"Are you serious?!" sabat nung isang officer.
"Yeah. 3 weeks tayong nandoon. So, what do you think guys?"
"Alam kong walang sasama diyan, SIR." sabat ni Liang panget.
"Yeah. Walang sasama diyan, Andrew. Mandidiri lang sila sa.. sa mga gagawin dun!"
"Kaya nga nandoon tayo eh. Para matuto. Para masanay sa mga ganong gawain. Tatawagan ko na yung lolo ko dun sa province namin. And, Kirby. Paki-paskil 'tong activity-ng 'to sa bulletin. So, yun. Tapos na yung meeting."
"PERO ANDREW!"
"I said tapos na. Okay?"
Bigla kong hinila si Liang panget.
"Hoy, Lia. Halika nga rito."
"Baki--"
"Hoy, ikaw. 'Wag mong subukan na umayaw sa mga gusto kong mangyari sa buong campus."
"Bakit ba?! Eh, tama rin naman yung sinabi ko ah? Maraming aayaw dun. Madapuan nga lang kayo ng langaw, nandidiri na kayo eh. Doon pa kaya?! Haler?!"
"Basta. 'Wag na 'wag mo nang uulitin yun.Intiendes?"
"Whatever -____-"
Lawrence's POV
Wow ha? Bakit ang daming tao dito sa bulletin? May bago nanaman?
"Excuse meeeeeeee!!" sigaw ko.
Dami kasing nakapila eh. Nagtsi-tsismisan lang naman.
"Ano ba yan?! Retreat sa province? Yuck. Doon nalang ako sa Italy magre-retreat."
"I know right, girl. Kadiri kaya doon. Tsaka, wala ring mga boys dun. Cheap."
"Ew. Kadiri forever."
Ano ba yang nasa bulletin?! Grabe naman maka-react ung mga babae.
"RETREAT 2011:
WHEN: December 28 (3 weeks)
WHERE: Province
All seniors should participate in this event.
-Andrew Conrad, President of Student Council"
"Ano daw?!" Nabigla ako kasi Uh! Di ako sanay sa mga ganyang bagay. Shit.
Matawagan nga si Lia.
"Lia! Totoo ba 'to?!"
"Oo. Badtrip ka rin?"
"Oo. Eh, sino ba namang a--"
"Sabi ko na eh! Baliw lang talaga yung si Andrew. Teka, nasaan ka ba? Nagugutom na ako eh."
"Andito nga sa bulletin. Kaya nga ang ingay eh."
"Teka! Pupunta ako diyan. Hintayin mo ako. Okay?"
"Okay. Sige. Sige."
Hay.
"Lawrence!!"
May tumawag sa pangalan ko? O kapangalan ko lang?
"LAWRENCEEEEEEEEE ADRIANO!!"
Ay! Ako yun! Shet. Sino ba---
"Ano ba?! Kanina pa kita sinisigawan. Hindi mo ba ako naririnig? Adik 'to."
"Ay sorry, Ella."
"Ano? Tara?"
"Ha? Saan?"
"Kakain. Tara!"
"Tara! Treat ko 'to!"
"Pero.. tek---"
Shit. Baka hintayin ako dun ni Lia. -__________-
*
Cy's POV
"Ano ba yan?! Ang bagal bagal mo naman, Kuya! Hindi ka namin binabayaran para lang magbagal-bagal diyan ha?"
Nakakaasar yung driver namin! Ang bagal bagal! Male-late na kami sa school eh!
"Nasaan na si Ella?!" tanong ko kay Yaya Lordes.
"Ah.. Eh.. "
"Wala na dito si Ella. Nauna na siya sa school. And, wait. Pumapasok na pala siya sa academy niyo." mataray na sagot ni Ate Alexandra.
"WHAT?! Tama ba ang narinig ko?!"
"Oo. Doon na siya mag-aaral."
"NO! Ayoko siyang nandoon! Baka.. Baka makuha niya yung mga dapat na nasa akin!"
"Oh, well. Kung hindi mo aayusin yang galawan mo, makukuha't makukuha yan ni Ella. Hah."sabay pasok si Ate sa bahay.
"Urgh! Tara na nga manong! Bullsh*t!"
Simula palang nung bata kami, ayaw ko na diyan kay Ella. Dalawa lang talaga kami ni Ate Alexandra na magkapatid. Then, nakita nila Mommy and Dad si Ella na palaboy laboy sa daan. Yes, hindi talaga namin siya tunay na kapatid. So, ang tawag ko sa kanya, Saling kitkit.
Kung dati-rati, lagi akong binibilhan ako nila Dad at Mom ng mga laruan.. pero simula nung dumating sa buhay ko yang Ellang yan, siya nalang lagi. Siya nalang lahat ang nabibigyan ng atensyon. Ewan ko nga dito sa Ate ko eh. Kung bakit niya pa pinapakisamahan yang Ella na yan. Eh, alam naman niyang hampaslupa lang yan sa buhay ko. Sa buhay namin.
So much drama.
![](https://img.wattpad.com/cover/712405-288-k237943.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweet, sweeter, sweetest (Ongoing)
Ficção AdolescenteSi Lia, isang average student. Not-so-popular nga ang peg niya eh. Na maiinlove kay Andrew na tinuturing niyang HALIMAW? Isa ba itong malaking NO-NO? Or maiinlove siyang tuluyan kay Andrew at mag-go GO-GO?