Chapter 4

2.1K 100 4
                                    

Chapter 4


Kate should be leading the group but she lost everyone and lost herself as well. When the others luckily found their way back to the bunker, they were so frustrated that the only person who didn't make it was Katrina Maldison, and Dan gave up searching for her in the middle of the night.

Danilo leads the group back to the bunker and they were all chasing their breaths as they finally got inside and safe. Agad namang lumapit ang mga natira bunker upang tanungin ang kondisyon nila. Hindi rapat sila ginabi. Before sundown ay dapat nakabalik na silang lahat pero dahil may aberyang nangyari, nagkanda-gulo gulo ang kanilang sitwasyon.

Dan was the only one who knows that Katrina needed some help and he's afraid to tell her parents. He's not scared of the corpse, it's just difficult for him to search for her when it's too dark outside and enemies are lingering around. It's too risky and dangerous.

"Dan! Dan! Where's Kate? Bakit kayo kayo lang ang nakabalik?" nag-aalalang tanong ng ama ni Kate. Sumundo din naman ang asawa nito na nagsisimulang mapuno ng pangamba ang dibdib.

"We lost her, sir," sagot na lamang nito. 

"Saan kayo huling magkasama?" tanong muli ng ama ni Kate.

"Sa ilang alleyway malapit lang sa grocery na pinuntahan namin," muling sagot ng binata.

"At bakit hindi niyo hinanap?" tanong ng nanay ni Kate. Nangangatal ang kanyang labi ngunit pilit naman niyang ikinakalma ang sarili.

"I tried po pero nagkahiwalay kami at hindi ko alam kung saan siya nagtago, bigla na lang dumating ang mga corpse at doon kami nagkahiwa-hiwalay," paliwanag ng binata. Sa isip ni Dan, sigurado siyang ligtas si Kate sa pinagtataguan nito ngayon.

"Hay! Naku! Jusko! Sana ligtas ang anak ko," mangiyak-ngiyak na tugon ng nanay ni Kate. Niyakap na lamang ng asawa nito upang pakalmahin ang kanyang damdamin.

At sa isip ni Dan, kailangan niya rin sabihin na nakausap niya si Kate dahil sa huli, siya ang malalagot sa sitwasyong ito.

"Pero tumawag siya gamit ang radyo," anunsyo ni Dan na nagbigay liwanag sa mukha ng mga magulang ni Kate. Senyales iyon na hindi dapat sila mag-aalala sa kanilang anak. "Pero hindi niya tinukoy kung nasaan siya mismo ngayon... nasa isang bahay siya at iyon lang ang sinabi niya."

"Then we need to look for her," desididong tugon ng ama at lider ng grupong nasa bunker. Pinatong ng ama ang kanyang kamay sa balikat ng binata. "Dan, lalabas tayo ngayong gabi. Kailangan makabalik si Kate rito."

Tango na lamang ang naibigay ni Dan at hindi niya sigurado kung tama ba ang desisyong gagawin nila. Pero kung iyon ang tama, susunod na lamang siya. Hindi niya rin maatim isipin na mawawala si Kate sa piling niya.

Madaling nagpaalam ang ama ni Kate sa iba nilang kasamahan upang ipaalam ang gagawin ang kanilang paghahanap sa dalaga. Natatakot man ang ilan dahil gabi na, madilim at masyadong delikado kung itutuloy pa iyon. Pero dahil gustong maligtas nito ang kanyang anak, iyon na rin ang gusto ng karamihan kaya sa huli, hinanda na lamang nila ang sarili sa darating na hamon.

***

"'Wag kang lalapit ng masyado, kailangan mong i-maintain ang two-feet-distance," babala ko sa taong patay na 'to. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinabi ko pero wala akong pakialam, basta 'wag niya lang akong lalapain ng buhay, ayos na ako.

Nakaupo lamang ako sa isang silya habang nakatayo siya sa harapan. No, my high school crush won't do a strip dance in front of me. For fuck sake, he's dead. Totally dead. Hindi na lang din ako gumagalaw para hindi ko siya ma-trigger. Baka kasi mamaya may hinihintay lang pala siyang senyales para lapain ako ng buhay and I should be ready for that.

But even though he looked so disgusting, I still remember how gorgeous he is. Natabunan nga lang iyon ng pale skin, nagsusugat niyang balat, at kakaibang amoy—literal na amoy patay.

Idinala niya ako sa isang lugar, kung susuriin ko, it looks like a dumspter for me. Para siyang squatter area pero medyo maayos, iyon nga lang ay makalat ang paligid. Hindi ko rin maatim ang masangsang na amoy kaya pagkapasok ko sa kwarto ay hindi ko maiwasang masuka.

Sa bawat segundong napapatingin ako sa kanyang mata, tila hinuhuli niya rin ang mga titig ko. So weird kaya ako ang unang umiiwas. He didn't even flinch or move from his position. He's just groaning and it's out of my vocabulary whatever he's saying.

Pero gutom na ako at kahit gusto kong galawin ang mga items na nakuha ko sa grocery, ayokong maging selfish. Siguro itutulog ko na lang ang pagkalam ng sikmura ko o kaya naman, hayaan ko na lang talaga gutomin ang sarili ko.

Magiging corpse na rin ba ako? Hopefully not.

Nang sinubukan kong ipikit ang mga mata ko at humalukipkip para takasan ang gabing ito at gumising sa panibagong umaga, hindi pa man nakakalipas ang limang minuto biglang may kumalabit sa balikat ko.

Pagkamulat ko ng mga mata ko, there he is, ilang inches na lang ang pagitan ng mukha niya sa akin. Tumutulo pa ang laway niya sa aking legs at dahil wala ako sa wisyo ng idilat ko ang mata ko, ilang segundo pa nagsink-in ang lahat sa akin.

I screamed at the top of my lungs. I literally pushed him away from me. And out of nowhere, bigla na lamang akong napa-sign of the cross at napadasal ng wala sa oras. I wasn't the type of person who does that pero dahil sa kanya, nagawa ko 'yon.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanlaki rin ang mga mata ko. Kung saan ko siya tinulak palayo sa akin, naroon lamang siy nakatayo rin at tinitingnan ako. Walang emosyon. Blangko. Kinikilabutan ang buo kong pagkatao dahil sa kanya.

At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, narinig ko siyang tumawa ng patigil-tigil. Para siyang normal na tao. Hindi ako sigurado kung tumawa nga ba siya o nagkamali lang ako ng pandinig dahil sa takot.

"Tinatawanan mo ba ako?" nanginginig kong tanong.

Pero hindi niya ako sinagot. As usual. Bakit ba ako aasa na may makukuha akong sagot sa isang coprse? Yikes.

Mayamaya lang din ay may sinipa siya na umagaw ng atensyon ko. Tumapon ang mata ko sa isang tinapay na iginilaw ng paa niya.

"E-Eat..." ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.

Dahil hindi ako sigurado at kumakalam ang sikmura ko, kinuha ko na iyon. I checked it first at malayo pa naman sa expiration date at tuluyan kong nilantakan ang tinapay. At habang kumakain ako, I noticed that he's staring at me.

"Don't look at me like that, hindi ako pagkain."

Hindi niya ako pinansin kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at ibinaling sa iba ang atensyon ko. Makalipas ang ilang segundo, paubos na ako sa kinakain ko ay nakarinig kami ng kalabog na nanggagaling sa labas ng bahay. Bigla akong nag-alala dahil baka na-attract ko silang pumunta sa kinaroroonan namin dahil sa sigaw ko.

"H-Hide..."

"Saan?" tanong ko sa kanya at iginiya na lamang niya ang kamay niya sa isang direksyon. 

Nakita kong may kumpulan doon ng mga halo-halong kagamitan kaya doon na mismo ako nagpunta para magtago. 

Mayamaya lamang ay mas lumakas ang mga kalabog at ungol kaya makalipas ang ilang minuto ay nakita ko nang nag-iikot sa loob ng munting bahay na ito ang mga corpse. Nanatili sila sa loob ng mga thirty minutes din bago sila tuluyang umalis at naiwan na lamang ang aking ex-high school crush.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinarado ko ang pinto upang wala nang makapasok sa bahay.

"Thank you," sambit ko nang lingunin ko siya. "You saved me again."

"Z-Z..." he's groaning, trying to say something but I already know what he meant.

"I know you, of course, I know you," ngisi ko pa.

"Z-Z..."

"You're Zane Mattheus Carlingford. I've had a crush on you and that's all in the past... but you're dead so... yeah, great job for being alive again," I winced.

Oh sheez. Hopefully, no high school feelings should come back on my way. Just nope. Not on a dead version of him.



My Corpse BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon