Introduction

5.4K 187 2
                                    

Pyntterianne Rysilouise Revmont is "The woman with the great gifts", ika nga. Noon pa ma'y ipinanganak na siyang mayaman at may mabuting kalooban. Kasama niyang lumaki ang kanyang kakambal na siyang naging katuwang na niya sa buhay nitong mga nakaraang taong hindi sila magawang pagbigyan ng atensyon ng kanilang mga magulang. Naiintindihan naman nila iyon kung bakit. Mapagmanipula ang kanilang ama at istrikto ang kanilang ina; dahilan ng pagiging responsable nilang dalawa.

Sa edad na beyntesingko ay hawak na niya ang halos lahat ng pinagkakakitaan ng ina rito sa bansa. Isa ito sa pinakamayayamang Business Tycoon sa buong mundo; at hindi lamang napapanatili sa iisang lugar, kung kaya ay ipinagkatiwala nito sa kanya ang responsibilidad nito sa Pilipinas. Hindi sa pagmamayabang, ngunit tulad ng ina, ay madali lang din siyang nakilala sa larangan ng pagnenegosyo. Her mother is more interested in textile business but she is different. Lahat halos ng pagkakakitaan, even the little and simplest things, ay kanyang binibigyang pansin. She's always a hundred percent great at having perk points from all of her customers.

"Louise" is not just a pretty head with work ethic, maintenance, retail, sales, and all the management skills; she is also a very standardized woman... who happened to be so hopeless romantic in love. Ngunit ang gusto niya ay kung sino ang una, iyon na rin ang huli. That made her NBSB or NO BOYFRIEND SINCE BIRTH until now. May hinihintay siyang sign at iyon ay ang pagbibigay sa kanya ng isang lalaki ng panyo upang malaman na ito ang nakatadhana sa kanya. She's aware of that saying na "Kapag binigyan ka ng lalaki ng panyo ay paiiyakin ka lang niya", but it's not on her attitude to always look at the negative side. She wants the man to give her a hanky during one of her breakdowns where he can wipe her tears away and tell her he isn't there to make her cry but to take care of her.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nangyari nga 'yon...

"Ang mga babaeng katulad mo, hindi dapat pinapaiyak. Kung sino man 'yang lalaking may gawa nito sa'yo, bakla 'yon! Hindi ka dapat sinasaktan kundi inaalagaan." She paused and looked at me in the eyes, "You know what, Louise? I can do that. I will take care of you, and will never make you cry."

Gusto niyang mapangiti sa mga sinasabi nito. Ang layo kasi no'ng mga iniisip nito sa katotohanan. Hindi naman kasi kung sinong lalaki lang ang nagpaiyak sa kanya. Nagda-drama lang siya dahil mukhang nahanap na ng kakambal niya 'yong true love nito samantalang siya ay patuloy pa ring umaasang mahahanap niya ang "Prince Charming" niya.

Hindi nga lang niya alam kung ano ang iisipin dahil imbes na Prince ay Princess ang dumating. At dahil hindi gustong kainin ng straight o 'matuwid' niyang konsensya ang katotohanang ito ang itinadhana para sa kanya, ay abot-langit din ang ginawa niyang pag-iwas dito.

Mukhang tama naman ang ginawa niya, dahil hindi nagtagal ay may isang guwapong lalaki rin ang nakagawa ng sign na iyon. Pinagpasyahan niyang dayain ang tadhana. Babaguhin niya ang kanyang kapalaran. Hindi ang isang Sapphire Maniego—Williams ang pipiliin niyang makasama habambuhay.

CrossroadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon