Chapter 10

2.4K 240 25
                                    


Sapphire's POV

Tila nagliwanag ang paligid ko nang makita ang babaeng nakaupo sa isang sulok ng Louirlae. Maaga akong pumasok sa trabaho dahil balak kong dito na lang magtext kay Louise. Mukhang pinagbibigyan naman ako ng pagkakataon dahil nandito ngayon ang babaeng palaging laman ng aking isipan pati na rin ng aking puso.

Masiglang tinungo ko ang mesang madalas niyang pinupuwestuhan.

"Louise!" Tawag ko sa kanya saka umupo sa harap niya. "Hindi ka man lang nagpasabing dadalawin mo pala ako ngayon dito. Sana ay nakapaghanda ako."

"Williams, nahihibang ka na naman. Ako ang may-ari ng Louirlae kaya natural lang na pumupunta ako rito." Sarcastic niyang sagot.

Natutuwa akong nandito na uli siya sa harapan ko. Ilang araw ko ring hindi nasilayan ang magandang mukha niya mula nang ipahayag ko sa kanyang ayokong maging magkaibigan na lang kami. Malawakang pag-iwas at pagtatago na ang ginawa niya. Kahit gusto ko siyang sundan nang sundan ay hindi ko naman pwedeng gawin 'yon dahil siguradong iisipin niya na hindi ako seryoso sa pagtatrabaho ko rito sa bakeshop. Siguradong sa halip na matuwa siya sa mga efforts na ginagawa ko para sa kanya ay hindi magiging pabor sa akin ang kalalabasan niyon.

Kaya hiningi ko na lamang kay Sir Anthony ang number niya. Dahil sa awa ni Sir sa akin ay mabilis niyang ibinigay sa akin ang number ni Louise. Ngunit mahigpit niya akong binalaan na huwag aamin na siya ang nagbigay sa akin nito. Tinawagan ko kaagad si Louise pero hindi niya sinasagot ang mga calls ko kaya pinadalhan ko na lamang siya ng mga text messages. Hindi man ako sigurado kung nababasa niya ang mga 'yon, at least alam niyang naaalala ko siya...

It's the thought that counts, ika nga.

"Magte-text pa lang sana ako sa'yo pero nandito ka na agad. You miss me, don't you?" Nakangising tanong ko sa kanya saka walang paalam na kumuha ng garlic bread na kinakain niya. Tinignan niya ako nang masama. "Pahingi lang naman ako, hindi pa kasi ako nakakapag-almusal dahil sa pagmamadali kong makapasok. Baka kasi isipin mo na papetiks-petiks lang ako sa trabaho ko. Tapos bastedin mo na naman ako. Then papalayasin mo ako rito sa Louirlae at—"

"Tigilan mo nga 'yang pagda-drama mo. Hindi bagay sa mga katulad mong mapagbiro." Putol niya sa mga hinaing ko at inilagay sa gitna ng mesa ang platito na naglalaman ng garlic bread. Hindi makapaniwala at nagdududang tiningnan ko siya.

May lason kaya itong garlic bread kaya niya ako binibigyan? Bakit parang mukhang bumait siya sa akin nang kaunti? Todo-iwas siya sa akin noon, tapos ngayon ay himalang hindi niya pa ako nilalayasan o itinaboy man lang.

Muli akong dumampot ng garlic bread at tinitigan siya. "Anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Anong, 'anong meron'?" Balik-tanong niya sa akin.

"Bakit parang bumait ka sa akin?" Patay-malisyang tanong ko sabay kagat sa garlic bread na hawak ko. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Wala naman siguro itong lason, ano?

"Wala naman, tumaas ang sales ng Louirlae. We both know na dahil 'yon sa mga bagong ideya mo sa designs ng cake and pastries. Our customers love your work." Simpleng paliwanag niya.

Napatango ako. "Ah, wala naman akong gaanong ginawa." Pa-humble kong sagot. Mabuti at hindi siya nagbulag-bulagan sa mga efforts ko sa pagtatrabaho rito. "The customers really love Louirlae, with or without me here. Magaling ang pamamalakad mo at isama mo na rin ang efforts na ibinibigay ng iba mo pang mga tauhan kaya tumaas ang sales natin." Dagdag ko pa.

Nginitian niya ako. Napatulala naman ako sa kanyang mga labi. Sa tuwing hindi ko siya nakikita ay palagi kong iniisip na nakangiti siya sa akin. Sapat na rason na iyon upang ganahan akong gawin ang mga trabaho ko. Pero ngayong totoong nakangiti na siya sa akin, parang ang hirap paniwalaan.

Hindi ko na kasi siguro alam ang pagkakaiba ng realidad at pangangarap ko. Basta ang malinaw, sa dalawang mundong 'yon, tanging si Louise ang nasa isip at puso ko...

It scares me because we don't feel the same way. Kumbaga, talo at tagilid ako. But it's okay dahil mahal ko siya.

"Gusto mong sumama sa akin mag-bake sa kusina? Wala pa naman ang ibang pastry chefs at sarado pa tayo." Yaya ko sa kanya nang maubos ko ang kanyang garlic bread.

"Okay." Pagpayag niya at tumayo.

Kahit napaawang ang labi ko sa mabilis niyang pagpayag ay napangising tumayo na rin ako. Sabay naming tinungo ang kitchen. Dalawang assistants pa lang ang naririto sa loob at naglilinis.

"Anong balak mong i-bake ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Do you have any request?"

"Hmmm, paborito ko rin ang cream puff. Kaya mo bang gawin 'yon?"

"Sisiw!" Pagyayabang ko. "Gusto mo gawin ko na ring flavor 'yong sisiw?" Biro ko.

"Eww! Sige, subukan mo."

"Haha, biro lang. Ito naman." Binalingan ko ang dalawang assistants na panay ang sulyap sa amin ni Louise. Inutusan ko silang kumuha ng mga sangkap na kakailanganin ko.

Para akong nakainom ng energy drink dahil tila naging hyper ang pangangatawan ko sa pagkilos upang magtrabaho sa mga oras na ito. Kumuha ako ng dalawang apron at chef's hat pagkatapos ay iniabot ko ang isa kay Louise.

"Thanks." Sabi niya.

Pagkatapos makuha ang ingredients na kailangan ko ay sinimulan ko na ang procedure ng paggawa ng cream puff. Pinagsama-sama ko ang gatas, tubig, at butter sa mixture bowl. Dahil nagpumilit si Louise na tulungan ako ay pinabayaan ko siyang haluin ang mga 'yon. Seryoso ako sa ginagawa namin na para bang nakasalalay dito ang kinabukasan ko.

Ito ang unang pagkakataong kinabahan ako sa kusina. Dapat kong ipakita kay Louise na hindi ako pulos biro lang, na marunong din akong magseryoso lalo na sa trabaho ko. Siguro kung makikita niya ang bahagi ng pagkatao kong ito... baka sakaling magkaroon din ako ng pag-asang magustuhan niya ako.

Nang magsidatingan na ang mga katrabaho ko ay tahimik na hinayaan lang nila kami ni Louise na magpatuloy. Wala ni isa sa kanila ang naglakas loob magtanong sa amin ni Louise kung ano nga ba ang ginagawa naming dalawa.

"Kaaway mo ba ang iba pang mga pastry chefs, Williams?" Maya-maya ay pabulong na tanong ni Louise sa akin. Nilingon ko siya mula sa paghuhulma ko ng dough sa isang piraso ng baking paper. Hindi ko napigilang mapangiti sa reaksyon niya.

"Hindi." Sagot ko.

"Kung ganoon ay bakit hindi ka nila pinapansin? Pati ako invisible rito. Ako pa rin naman ang Boss niyo, 'di ba?" Nagtatakang tanong niya. "Dinadaan-daanan na lang nila ako ngayon. Napasama yata ang hindi ko na madalas na paglagi rito." Dagdag niya.

Inilibot ko ang tingin sa kusina. Nahuli ko ang ibang mga nakatingin sa amin habang ang iba naman ay nag thumbs-up pa sa akin, kasama na si Digong. Napangising nailing na lang ako.

"Iniisip lang siguro nila na moment natin ito. Hayaan mo sila sa drama nila." Nakangiting saad ko.

Pero ang moment na sinasabi ko ay walang pakundangang naputol nang may staff na biglang pumasok sa kusina habang inilalagay ko sa oven ang tray na pinaglalagyan ng dough. Ayon pa sa naninira ng moment namin ay may gwapong lalaki raw na naghihintay at naghahanap kay Louise sa labas.

Ang isa naman ay nagmamadaling nilayasan ako. Sumunod ako sa kanya hanggang sa entrance ng kitchen at sinilip ang lalaking sinasabi ng staff. Parang may kumurot sa puso ko nang makitang nakangiting niyaya ni Louise ang bisita niya papasok sa loob ng opisina niya. Naikuyom ko aking mga kamay at saka napahalukipkip.

Kaya pala biglang bumait ka sa akin! Pinagtataksilan mo pala ako.

--

A/N: Bedtime! Kaya nga ihahabol ko na lang bukas iyong update ng ITWAM. So pagod today :(

Thanks for reading! :*

CrossroadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon