Louise's POV
4 years ago...
"Pins, bawas bawasan mo nga ang sweets." Singit ng boses na iyon sa malinamnam kong pagkain. Umupo ang may-ari no'n sa aking harapan at mariing tinitigan ako. Umiiling na tumatawa pa ito.
"Don't disturb me. I'm busy." Tugon ko sa kakambal ko.
We call each other Pins.
"Magtatampo na ako sa iyo nyan eh. Mas mahal mo pa ang sweets kaysa sa akin minsan." May himig lungkot niyang wika. Doon ko lang siya binalingan. Napangiti ako ng mapansin kong nagpapa-cute siya habang naka-pout.
"Pins, pati ba naman itong pagkahilig ko sa sweets ay pagseselosan mo? You know I'll always love you more." Alo ko sa kanya. Kinuwit ko pa ang matangos niyang ilong bago ko muling pinagtuunan ang cheesecake na dalawang-subuan na lang ay mauubos ko na.
I'm a minute older than Carlae. Sa aming dalawa, she's the most serious type. Mas mataray at suplada pa sa akin madalas, pero mabait din naman, depende sa mood. Kaya kapag ganitong naglalambing at nagpapa-cute siya sa akin, kahit ayokong iniisturbo ako sa pagkain ng mga paborito kong sweets ay hindi ko pa rin magawang ipagtabuyan siya.
"Wala ka pa ring nahahanap na lalaki hanggang sa ngayon?" Kuwestiyon niya at humalukipkip, "Makahanap ka nawa ng lalaking kayang kunsintihin 'yang pagkahilig mo sa matatamis."
"Pins, you know how high my standards are. Ayoko rin ng tulad sa sistema ng pakikipagrelasyon mo, ano. Mas gusto kong isahan na lang. Kung sino 'yong una, siya na rin ang huli." Sabi ko at tuluyan ng inubos ang pagkain.
I was cleaning my lips and fingers with a piece of a napkin nang mapansin naming pareho ang papalapit na pigura ng aming ina.
"You're still afraid? Pins, for someone who hasn't tried loving and trusting for once, ikaw lang 'yong kilala kong pinakamatigas." Sumbat niya.
"Takot lang talaga akong masaktan." Giit ko naman.
Which is true. Simula pagkabata ay paborito ko ng tambayan ang Louirlae, ang bakeshop na negosyo ng mga magulang namin simula pa noong maipanganak kami ng kakambal ko. Halatang hindi na masyadong pinagkaabalahang pag-isipan ng mga ito ang pagpapangalan sa bakeshop at pinagdugtong na lang ang mga palayaw namin. Louirlae- Louise & Carlae.
Iyon nga. Dahil madalas akong tambay doon noon hanggang ngayon, maaga akong namulat sa mga kwentong sawi sa pag-ibig ng mga customers naming madalas din lumagi roon. Ang karamihan ay iniwan ng asawa, boyfriend, girlfriend, o mahal sa buhay. Mayroon pang umiiyak na parang wala nang bukas.
Noong una ay ipinagwalang-bahala ko lang ang mga iyon dahil patunay pa rin sina Daddy at Mommy na mayroon pang forever o relasyong hindi nauuwi sa hiwalayan.
Pero habang tumatagal ay unti-unti ko ring napagtantong may punto nga sila. Nakita ko kung paanong nabigo at nasaktan sa pag-ibig ang iilan sa mga naging kaibigan ko noong high school. Tama lang ang nasa isipan ko noon pa man... mas masarap muna ang kumain kaysa ang umibig.
Dapat ay Culinary Arts ang kukunin kong kurso noon sa kolehiyo, pero dahil gusto ng mga magulang ko na Business Ad ang kunin ko ay wala na akong nagawa at nagpahinuhod na lamang sa gusto nila.
"Girls, what's up?" Masayang bati sa amin ni Mommy at naupo rin sa isang silya sa tabi namin. Lumapit kami sa kanya at hinalikan siya nang sabay sa kanyang mga pisngi.
"Wala naman, Mom. I kind of thought na katulad ko ay baka Bisexual na rin itong si Pins dahil hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend." Pagbubukas topic ng kakambal ko.
I just rolled my eyes. Because, yes. My twin sister is Bisexual. At kahit na hindi naman namin madalas nakakasama ang mga magulang namin dahil sa mga trabaho nila, noon pa ma'y tiniyak na naming pareho na huwag ilayo sa kanila ang pagiging open namin sa isa't isa. Ayon din kay Daddy, nakahanda nilang tanggapin ni Mommy ang mga desisyon namin sa buhay for as long as we're responsibly happy.
Masaya na raw silang lumaki kaming responsable sa buhay kahit na hindi naman nila kami araw-araw na nagagabayan nang dahil sa mga kanya-kanyang lakad nila.
Mahigpit sila sa amin noong nag-aaral pa kami, but Mommy said, kapag nakapagtapos na kami, bahala na kami sa gusto naming mangyari. But Carlae and I are their children with big dreams, too. At dahil nga lumaki kaming Professionals, we intend to keep that title till death. Pinipili pa rin namin ang sumunod sa yapak ng aming mga magulang.
"Pins, I seriously haven't thought of being with another woman. Not even for once. No offense, but it's still in my dreams to have a husband and some kids." Kumbinsi ko sa kanila ni Mommy.
"Kahit na nasanay ka ng lapitan at landiin din ng mga babaeng naghahabol sa akin noon?" Nakangising giit pa nya.
Hindi mahirap hangaan itong kakambal ko kaya hindi na nakakapagtakang mapalalake man o babae ay nagkakagusto sa kanya. At dahil magkamukhang magkamukha kami, hindi maiiwasang mapagkamalan din akong siya at siya ako. Madalas na ang mga walangyang babae ang naghahabol sa kanya noon. Sasalubungin siya ng halik sa pisngi, aakbayan basta-basta, tsatsangsingan, bibigyan ng letters, chocolates, flowers, at kung ano-ano pa para makapagpapansin sa kanya. Lahat ng iyon ay naranasan ko rin noong mga panahong napagkakamalan nila akong siya. Mabuti na lang talaga at sa kabila no'n ay nanatiling 'tuwid' pa rin ako't sa mga kalalakihan lang nagkakagusto.
Ngunit kahit noon pa mang may mga nanliligaw na sa akin, mas pinanindigan ko pa rin 'yong paniniwala kong someday... mangyayari rin iyong 'sign' na hinihintay ko and I'll be very at ease to welcome the right one.
"Yes, lalaki pa rin ang gusto ko at walang makakapagbago dyan." Matatag kong wika.
"Hmmm, 'wag magsalita nang patapos, Pins." Nakangisi na namang bilin niya. Binalingan ko nga si Mommy.
"Mom! Dinudungisan niya ang pagkatao ko oh. 'Wag mo ngang kunsintihin. Mamaya nyan hindi ko kayo mabigyan ng mga apo eh." Sumbong ko.
Ngunit ngumiti lang si Mommy. "Louise, anak, ayos lang sa amin ng Daddy nyo iyon basta masaya kayo nitong si Carlae. Huwag niyo lang talaga kaming kalilimutang imbitahan sa araw ng mga kasal niyo ha?"
Tinignan ko nga nang masama ang kakambal ko ng bumungisngis siya. "Ako ang kinampihan ni Mommy." Sabay belat pa niya.
"Whatever! Basta ako, bibigyan ko sila ni Daddy ng mga apo. Bahala ka na sa gusto mo." Mataray na turan ko.
"Okay, before everything heats up, may gusto sana akong itanong sa inyo." Singit ni Mommy.
"Ano ho 'yon?" Tanong ko.
"Sino sa inyong dalawa ang gustong pamahalaan ang Louirlae?" Sandaling nagkatinginan kami ng kakambal ko. "Mas magiging abala kami ng Daddy niyo these coming months. Kailangan naming mas mapagtuunang pansin ang mga negosyo natin sa labas ng bansa." Patuloy niya.
"Pins, ikaw na. Paboritong tambayan mo 'yon, hindi ba?" At sabay pa silang napatingin sa akin ni Mommy.
May magagawa pa ba ako kung parehong alam naman nila na hindi ako tututol doon?
"Uh, yeah. I'd be glad to run the bakeshop, Mom." Pagtanggap ko.
"Then good! It's all yours to manage then."
Ngiting-ngiti akong sumagot. "Thanks, Mom."
--
**Louise on media
BINABASA MO ANG
Crossroads
Short Story"I have not fallen in love with you 'cause I have jumped willingly. Right now I know you won't do the same thing for me. But I'm still hoping that someday, you'll come back to my arms and realize how things between us get to work out just perfectly...