Chapter 9

2.1K 217 34
                                    


3 days later...

Louise's POV  

Nakatitig lang ako sa masasarap na mga pagkaing nasa harap ko. Gusto kong i-treat ang sarili gaya ng ginagawa ko kapag nagiging successful ang transactions ng mga negosyo ko lalo na kapag tumataas ang sales ng Louirlae. Sa katunayan ay kahapon ko pa gustong magdiwang, niyaya ko pa nga 'yong tatlo para samahan ako at para na rin makabawi sa pagwa-walk out ko sa kanila no'ng huli kaming magkita. Pero busy ang kakambal ko sa pakikipaglandian sa bestfriend kong si Phyll habang hindi ko naman malaman kung saang lupalop na ng mundong ito ngayon gumagala si Jacob.

Kaya mag-isa akong pumunta rito sa paborito kong restaurant. Na-order ko na ang mga pagkaing noon pa man ay mabilis ko ng nauubos. Pero ngayon ay tila hindi man lamang ako naaakit na tikman o kainin ang mga ito. Bumuntong-hininga ako at tinawag ang isang waiter.

"Pakibalot na lang nitong lahat." Utos ko rito.

Wala akong ganang kumain. Kailangan ko ng mag-isip kung paano maibabalik ang dating pagkahumaling ko sa mga pagkain upang hindi na ako maakit sa kung kani-kanino. Hindi ako sasaktan ng pagkain. Hindi ako iiwan nito.

Binayaran ko ang mga ipinabalot na mga pagkain at binitbit na ito palabas. Patungo ako sa kinapaparadahang sasakyan nang may matanaw akong mga batang-kalye na naglalaro sa parking lot nitong restaurant. Nilapitan ko sila at ibinigay sa kanila ang aking mga dalang pagkain.

Nakangiting nagpasalamat sila sa akin at nagsialisan din kaagad. Wala na sila sa harapan ko pero nanatiling nakatayo pa rin ako rito. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. Masasabing hindi ako mabait kapag pagkain na ang pinag-uusapan pero heto at ipinamigay ko na lang nang basta ang mga paborito kong pagkain.

At least may mga nakinabang at natuwa sa kawalan ko ng ganang kumain. Dapat ba akong magpasalamat kay Williams dahil siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?

It was no doubt that I was starting to lose. My heart appreciates every single thing she does. Kahit hindi na ako tumatambay sa main branch ng Louirlae, tinatadtad naman niya ako ng napakaraming matatamis na mga mensahe, mga love quotes, cheesy lines na hindi ko alam kung saan niya nakukuha. Alam ko ang numero niya dahil naisip kong i-save 'yon nang magpasa siya ng resume sa akin noon.

Noong una ay tinatawagan niya ako. Pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya kung kaya ay sa mga text messages na lamang niya ako idinadaan. At dahil curious ako sa kung ano ang mga ipinadadalang mga mensahe niya, binubuksan at binabasa ko ang mga iyon. Bukod sa pick-up lines, greetings, jokes, at iba pang kalokohan, mayroon din siyang mga ipinadadalang GM kuno.

Group Message na halata namang para lang sa akin. Baliw talaga!

Pero mas baliw na yata ako dahil apektado rin ako. Kinikilig at napapangiti ako sa mga simpleng hirit at mga banat niya ng panliligaw sa akin sa text. Para kaming mga bagets pa kung makapagligawan sa text.

Kaya naman heto ako at wala nang ganang kumain pa. Bwesit talaga! Ang sarap umiyak. Hindi naman ako nagkakaroon ng mga ganitong problema dati. Bakit ngayon pa? Hindi ko na namalayang may tumulo na palang mga luha sa aking mga mata.

"Here, you need this." Wika ng kung sino.

Napabaling ako sa bandang kanan ko kung saan nagmula ang tinig ng isang lalaki. Natulala ako nang makita ang hawak niyang kulay asul na panyo na siyang ipinampahid niya sa nabasa kong mga pisngi. Nang umangat ako ng tingin ay napakurap ako habang pinagmamasdan ang mukha ng estrangherong iniaabot na sa akin ang panyong iyon ngayon. Kulang ang salitang gwapo para ilarawan siya.

Gwapong-gwapo kung ganoon? Tanong ng isip ko.

"Stop it. Pumapangit ka kapag umiiyak. Wala na bang nag-aalaga sa iyo? Gusto mo, ako na lang?" Nakangiting saad niya.

Hindi ako makapaniwala! Did he just ask me if he could take care of me?

Anong mayroon sa mga panyo ngayon at nagsusulputan nang hindi ko inaasahan? May nais bang iparating sa akin ang tadhana?

"At heto, baka nagugutom ka." Dagdag pa niya. Nakaumang sa harapan ko ngayon ang isang balot ng mabangong steak kasabay no'ng panyong inaabot niya.

"Bakit mo ako binibigyan niyan?" Nagtatakang tanong ko na hindi pa rin inaabot ang mga ito. Napakamot siya sa ulo at tila nahihiyang nginitian uli ako.

"Nakita kita sa loob ng restaurant kanina na parang wala sa sarili kaya sinundan kita rito sa labas. Nakita ko ring ibinigay mo sa mga bata ang take-out mong mga pagkain. Ito nga at parang malungkot ka. Baka na rin lang kako ay magutom ka, kaya heto, tanggapin mo na. Please?" Paliwanag niya sabay iniumang muli sa akin ang pagkain at panyo na hawak niya. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit kasama niyang ibinibigay sa akin 'yong panyo niya. Pero minabuti kong huwag na.

Inabot ko na lang ang mga iyon. Kasabay no'n ay ang pagdagsa ng mga naisip ko. Dalawang tao na ang nakagawa ng sign ko. Dalawang panyo na rin ang mailalagay ko sa aking mga koleksyon. Ang isa ay nanggaling sa babae at ang isa naman ay sa lalaki.

Hindi naman siguro uso kay tadhana ang first come first serve, hindi ba? Hmmm...

Gumanti ako ng ngiti sa lalaki. "Thanks." Sabi ko.

"You're welcome. By the way, I'm JT Mendez." Pagpapakilala niya sa sarili sabay abot sa akin ng kanyang kanang kamay.

Kahit tila may hindi sumasang-ayon sa isang parte ng puso ko ay tinanggap ko ang kamay niya. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang mapansin kong maingat ang pagkakasalikop niya ng aming mga kamay.

Gentleman. Komento ko sa aking isipan.

"I'm Louise Revmont. Pleased to meet you, JT." Tugon kong hindi hinihiwalayan ng tingin ang gwapo niyang mukha.

Ngayon ay napagpasyahan kong maging fair dito sa lalaking ibinabato sa akin ni tadhana. Malay ko ba kung siya talaga ang "tunay" na para sa akin. After all ay isang lalaki naman talaga ang noon pa mang nagugunita ko ng makakasama sa buhay...

Hindi iyong katulad kong babae. Na walang katiyakan kung kaya nga bang manatili sa aking tabi.

CrossroadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon