Louise's POV
Napasinghap ako sa sakit ng ulo ko. Paulit-ulit pa rin akong inaalog ng kakambal ko upang bumangon na. Hinayaan ko lamang siya at hindi pinansin dahil gusto ko pang magpahinga.
"Lasinggerang babae, bangon na at tulungan mo akong magluto ng agahan." Anito.
Bahala ka diyan!
"Pins!" Tawag niya uli. I turned around para mas lalong takpan ang mga tenga at makapagtalukbong pa ng kumot. "Ah, ganyanan ha!" Tumahimik ang paligid.
"I hate you, Pins." Maya-maya'y nagtatampong wika niya. Mga yabag na lamang ng papalayong mga paa niya at ang kasunod na padabog niyang pagsara sa pinto ang narinig ko pagkatapos. Napilitan tuloy akong magmulat ng mga mata.
Shit! Hangover!
Bakit nga ba ako napasobra ng inom kagabi? Kasalanan ito ni Mrs. Fontalnar. Naitanong ko sa sarili kung bakit pa kinailangan nitong mamatay. Hay! Dapat nagsasaya ako dahil nakuha ko na ang simpatya ni Mr. Ocampo, pero heto ako ngayon at namomroblema na naman ng panibagong sosolbahin.
"Ugh, Pins!" Isa pa itong kakambal ko, "Argh, that woman. Alam na alam niyang ayokong nagkakatampuhan kami and now she's using that against me?! Right! Very bright! Kakambal ko nga siya!" Sunod-sunod na bulalas ko.
"Pins!" Tawag ko uli sa kanya para bumalik siya rito sa kwarto ko at matulungan naman niya akong bumangon kahit paano. Pero mukhang wala na sa kalooban niya ang balikan pa ako.
Matampuhin din talaga! Tch.
Napag-isip isip kong tumayo na lang sa sarili kong mga paa dahil mukhang wala akong mapapala kung hihintayin ko pa siya. Umusog ako sa gilid ng kama at akmang tatayo na nang biglang may lumitaw na ulo sa harapan ko at ginulat ako. "BOOO!"
"WWWAAAAHHH!" Napahiyaw ako sa gulat kasabay no'n ang awtomatikong pagkilos ng kamay ko para sampalin 'yong ulo. *Pak*
"The fvck?!" Asik nito. May kamay na iyong nakahawak sa kaliwang pisnging nasampal ko ng mga sandaling iyon.
Napakurap-kurap ako nang mapagtanto kung sino ang may-ari ng ulo. "Pins?! Oh my—sorry!" Natatarantang hinawakan ko siya sa mukha at iniharap sa akin. Maaawa na sana ako sa pamumula ng pisngi nyang nasampal ko kung hindi ko lang sana naalalang niloloko lang pala niya ako sa pagtatampo-tampo niya kanina. Pabalang ko siyang itinulak bahagya at saka tumayo na rin kasunod niya.
"Problema mo?!" Halos magdikit na 'yong dalawang kilay niya. Hawak-hawak niya pa rin 'yong pisnging nasampal ko.
"Ikaw!" Ganti ko sabay sampal uli sa kanya. But this time ay sa kanang pisngi niya na naman.
"Ouch ha!" Angil niya. "Mapapatawad pa kita doon sa unang sampal pero itong pangalawa—"
"Manggulat ka pa!" Mataray na putol ko sa kanya.
"Tulog mantika ka kasi."
"Hangover, duh?"
"Hangover-hangover ka dyan. May painom-inom pa kasi kagabi, wala namang lovelife!" Katwiran niya.
Naningkit ang mga mata ko roon. "Oh eh bakit ba? Kailangan may lovelife muna bago uminom?"
Hindi ba maaaring problemado lang?
Nagtatakang tinignan ko siya nang hindi na siya umimik. Humalukipkip lang siya at ngumisi. She looked at me all the way up and slowly down to my toes... and now back to my eyes. Napaawang ang mga labi ko nang mapansin kong wala akong ni isang damit na suot sa hubad kong katawan.
BINABASA MO ANG
Crossroads
Short Story"I have not fallen in love with you 'cause I have jumped willingly. Right now I know you won't do the same thing for me. But I'm still hoping that someday, you'll come back to my arms and realize how things between us get to work out just perfectly...