Chapter 7

2.6K 233 24
                                    

Louise's POV

Napamasahe ako sa aking sentido. Parang biglang sumakit ang ulo ko nang makita ko si Sapphire na papasok sa entrance nitong main branch ng Louirlae. Suot na niya ang puting uniporme na katulad ng sa mga pastry chefs. Matapos niya akong tanawin ay nakangiting lumapit siya sa akin.

The way she smiles reminded me of someone I used to know. Ngunit kahit anong pilit kong alalahanin kung nakasama, nakausap, o isa ba siya noon sa mga babaeng nilalandi ang kakambal ko, ay hindi ko pa rin talaga lubusang maalala. Ipinilig ko ang aking ulo sa dami ng maaaring pwedeng isipin.

Hmmm, marahil ay nakita ko lang siya sa kung saan noon kaya parang pamilyar siya sa akin. Sa klase ba naman ng pamumuhay niya na hindi pumipirmi sa iisang lugar ay maaaring nakita ko nga lang siya sa kung saan. Tama, iyon nga siguro. Pangungumbinsi ko sa sarili.

Nang dahil sa pesteng panyo na iyon ay inalam ko ang lahat ng tungkol sa kanya. Mabuti na lang at may inihanda ng report ang abogado ni Mrs. Fontalnar patungkol kay Sapphire. Hindi ko nagustuhan ang mga nalaman ko tungkol sa kanya. Sa tingin ko ay hindi siya seryoso sa buhay dahil sa napakarami niyang trabahong niliban. Nalaman ko pang ayos lang sa kanya ang hindi na magtrabaho pa dahil mayaman din naman ang pamilyang kinabibilangan niya.

Parang nagtatrabaho lang siya para masabing may nagagawa siya sa buhay.

Kahit pa nga nakasulat din sa report na nakuha ko ang kagustuhan ng nakararami na kunin ang serbisyo niya dahil sa angking galing at talento niya sa paggawa ng cakes at pastries, ay hindi ko pa rin siya makuhang magustuhan para maging bahagi ng Louirlae.

Eh ng buhay mo? Gayong siya ang pinakaunang taong nakagawa ng matagal mo ng hinihintay na sign na iyon! Singit ng isang bahagi sa isipan ko.

Aba, lalo na! Lalaki ang hinihintay ko, hindi babae. Tugon ko rito.

Tulad ng nagdaang araw, umupo uli si Sapphire sa katapat na upuan ko nang walang paalam. Ngali-ngaling pakiusapan ko ang sariling huwag mapapikit nang malanghap ko ang pabango niya.

She smelled like chocolate.

Nananadya pa ata ang tentasyon nang tila nakangising pumangalumbaba siya sa aking harapan at titigan ako nang diretso habang kumakain ako ng strawberry tarts.

Bwesit talaga 'yong panyong 'yon! Kung hindi lang ako na-flatan ng gulong at umiyak kagabi, sana ay wala siyang magiging epekto sa akin ngayon kahit na maghubad pa siya sa harap ko.

Ngunit nang matitigan ko ang kanyang panga paibaba sa mapuputing leeg niya ay tila nagbago ang isip ko. Sa likod ng unipormeng suot niya ay natitiyak kong maganda at maiyag ang pangangatawan niya. Naaamoy ko pa siya.

At sinungaling ako kung hindi ko sasabihing naaapektuhan ako, pero at least, slight lang. Hindi tulad ngayon na pawang nasasabik lahat ng ugat ko sa katawan sa ginagawa niyang pagtitig sa akin.

"Isa kang malanding babae, Williams." Prangka ko sa kanya. "Huwag mong isipin na madadaan mo ako sa mga istilo mong ganyan. Tandaan mo, babae ako at isa ka rin." Dagdag ko pa. Pero tinawanan lang niya ako... nang may kapilyahan.

Kainis!

"I know, and I know the way to your heart too, Louise." Anito na may kasamang kindat, "Sige na, dumaan lang talaga ako rito sa table mo to greet you a good morning at sana ay buong araw mo akong isipin. 'Wag mo na akong ihatid sa kusina para ipakilala sa kanila. I won't let you even if you insist." Pagbibiro niya. "I'm now taking the right road to your heart, love." Dagdag pa niya bago tumayo at naglakad papunta sa kitchen.

CrossroadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon