Chapter Five

8 0 0
                                    

CHAPTER FIVE

“ANOTHER boquet of flowers?” inilapag ni Casey sa harapan niya ang isang boquet ng white and pink and white roses—her fave flower.

Habang papasok siya ng gate ay sinalubong siya ni Acer ng isang pumpon nang pulang rosas.

“Kanino galing?” tanong niya rito.

Nagkibit balikat ito. “Ma at pa.” ininguso nito ang maliit na card na kaagad naman niyang binuksan.

Hey,

 I don't know how to write a love note. But I hope you like the flowers.

                                                                                    Gust

            Ani ng binata sa sulat, naglagay pa ito ng smiley at isang nota sa dulo.

            Kanino daw galing?” utag ni Casey at ilang nakiusyuso na kaklase.

            “Kay Gust.”

            “Oh my gee! Kay Swayze Gust Stallone?!” react ni Juday, na siyang pinaka-adik at hibang na hibang sa The Stupid. Pero hindi ito katulad ng mga nakilala niyang pom-pom girls na nang away sa kanya.

            Kinalabit siya ni Casey. “Uuy, pahingi naman ako ng bulaklak.”

            Ngumiti siya. “'Sa iyo nalang 'to. Mas paborito ko kasi itong pink and white roses.” Iniabot niya rito ang bigay ni Acer.

            Casey grin. “Ang sabihin mo, mas gusto mo 'yung nagbigay.”

            Ngumiti nalang siya sa kapilyahan nito at nang mga kaklase niya.

“LYCOLA!” napahinto siya sa paglalakad sa tawag na iyon ni Acer.

            “Acer,” alanganing ngiti ang ibinigay niya rito.

            Patakbong lumapit ito sa kanya. “Nagustuhan mo ba 'yung bulaklak?” tanong nito.

            “Yes, ofcourse.” napangiwi siya ng maalala ang ginawa niyang pagbigay sa bulaklak na bigay nito kay Casey.

            Ngumiti ito. “May free time ka ba mamaya?”

            Nakagat niya ang pang ibabang labi. Ano kaya ang idadahilan niya?

            “Ahm, kasi, hindi ako puwede eh.”

            “C'mon, it's just an hour. Siguradong magugustuhan mo.”

            “Pero—”

            Nagulat siya nang akbayan siya bigla ng kung sino.

            “She said, may gagawin siya pare. Huwag mo nang pilitin.” si Gust iyon.

            Naningkit ang mga mata ni Acerbiz. “At ano naman ang pakialam mo pare? Ha?”

            “Eh, ayaw ngang sumama ni Lycola sayo. Bakit ba ipinapilit mo?”

“Bakit kakasa ka?!”

Nagsukatan ng tingin ang dalawa.

Bago pa mauwi sa suntukan na hindi malabong mangyari ay agad na pumagitna siya sa dalawa.

“Huwag kayong mag-away please.” hinarap niya si Acer, “Acer, pasensiya na talaga. Pero kailangan ko kasing samahan sila Gust dahil may isinusulat akong article tungkol sa kanila. Next time nalang please.”

Agad na hinila niya si Gust at tila ayaw pang putulin ang pakikipagsukatan kay Acer.

“Tara na.”

Nakahinga siya maluwang dahil hindi na ito nagmatigas pa.

“ANONG nangyari 'dun?” ininguso ni White ang nananahimik na si Gust. Napansin din pala ng mga ito ang pagmumukmok ng binata.

“Muntik na kasi silang mag-away ni Acer.” sagot niya.

Nagulat ang mga ito. “You mean, the player Cristobal?” tanong ni Coolin.

Tumango siya sa tatlo.

Pumalatak si White, “Aba'y talaga namang magagalit iyang si Gust. Lalo na at sangkot ang Cristobal na iyon.”

Napakunot ang noo niya. “Bakit?” aniya, “May personal bang away ang dalawa?”

Si Maru ang sumagot. “Pasensiya na Lyc, pero wala kami sa posisyon na pangunahan sa ngayon si Gust kaya hindi ka namin masasagot.”

Mas lalong lumalim ang curiosity na nararamdaman ni Lycola sa pinagsasabi ng mga ito.

Hindi na siya nagpumilit pa na pag pasalitain ang tatlo. Alam niyang inere-respeto lang ng mga ito ang privacy ni Gust.

“Kausapin mo muna 'yun, may bibilhin muna kami sa cafeteria.” pagpapa-alam ni Maru.

“What? May bibilhin na naman?” nanlalatang tutol no White.

Nanguyapit si White sa braso ni Maru at Coolin. “'Di ba puwedeng magpaiwan nalang ako? Ang ganda ng telenovela 'oh.” tukoy nito sa kanila ni Gust.

“Hindi!” sabay na sasad ni Maru at Coolin.

Hinil ng dalawa sa magkabilang bisig ang nagpupumiglas na si White.

“Let go off me! Mapapatay ko talaga kayo.”

“Tumigil ka nga Puti!”

Nakangiting sinundan niya ang tatlo ng tingin na nakalabas na nang pintuan.

Nilapitan niya si Gust na nasa gilid ng bintana. Tila hindi man lang nito napansin ang komusyong nangyari kani-kanina lang.

“Gust.”

Liningon siya nito at ngumiti ng bahagya. “You need something Pitch?” nitong mga nakararaang araw ay nasasanay na siyang marinig ang pagtawag nito ng ‘Pitch’ sa kanya mula sa ikatlong pangalan niya na Pitcher.

Ngumiti siya ng tipid. “Are you okay?”

“Ofcourse, okay lang ako Pitch. No need to worry.” sagot nito.

“Pero 'yung kanina—”

“Wag mo nang intindihin 'yon. Nagkasagutan lang kami ni Cristobal.”

Napabuntong hininga siya. “Okay, but whenever your ready to open-up. I'm just a call away.”

Ngumiti ang binata. “I know.” Ibinuka nito ang dalawang braso. “Come here.”

Malawak ang pagkakangiting pumaloob siya sa yakap nito. “Ikaw ha? Ang hilig mo palang mag-emote.”

“What?”

“Wala, ang sabi ko ang guwapo mo.”

Kumunot ang noo nito. “Sinong mas guwapo sa amin ni Cristobal?”

Natawa siya. “Para kang bata Gusting.”

Sumimangot ito. “You didn't answer my question Pitchy.”

Kinurot niya ang matangos nitong ilong. “Sige na nga, you're more handsome than Acerbiz.”

“Mukhang napipilitan kalang ata eh.” pagmamaktol nito.

“Hindi ah!” kaila niya, “Oo na—”

“Sinasagot mo na ako?” ani ng binata.

Naiinis na tinampal niya ang noo ng binata. “Loko ka talaga Stallone. Wala akong sinasabing ganoon ah! Masakal kita riyan eh.”

“'To naman, di na mabiro.” inakbayan siya nito. “Okey na sakin 'yung gwapo.”

“Umayos ka ha?”

Sumaludo ito. “Yes batch!”

“Ikaw talaga.” Napapailing na saad niya. Masaya siya sa nakikitang sigla sa mukha ng binata. Tama na muna sa kanya ang tawa at ngiti nito. Alam niyang di-tatagal ay mag o-open-up rin ito sa kanya.

The StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon