Chapter Nine

11 0 0
                                    

CHAPTER NINE

“BRO! I miss you!” nakangiwing iniiwas ni Gust ang mukha sa tangkang paghalik sa kanya ni White.Mahigit limang taon rin ang inilagi niya sa Amerika. Matagal-tagal narin simula noong magkaayos sila ng ama, habang nasa U.S. ay ibinigay na sa kanya ng ama ang kapangyarihang pamahalaan ang mga negosyo nila roon mula nang magkasakit ito. Naliwanagan na siya sa katotohanang nabulag siya ng galit na naging dahilan upang masaktan niya ang isa sa pinaka-espesyal na babae nang buhay niya. Kaya habang nasa labas nang bansa ay patuloy parin niyang inaalam ang mga nangyayari sa buhay ng dalaga. Matapos nitong gumaduate ay bumalik ito sa hometown nito at doon nagsimula ang karera nito bilang manunulat. Naging head writer ang dalaga sa isang local TV station sa loob ng isang taon at bumalik muli ng Maynila upang mag apply sa isang malaking publishing house. He was proud of her, making her own name nang hindi gumagamit ng backer. And he love the lady much.                 

Itinulak niya ito. “Stop it, you gross!”

Hindi talaga nagbago.

“Hey, brother.” nakipag high five sa kanya si Coolin.

Pabagsak na umupo siya sa sofa. There's no place like home.

Napansin niya ang pananahimik ni Maru sa sulok.

“What happened?” tanong niya sa dalawa.

Kibit balikat naman ang sagot ng dalawa sa kanya.

“Bonjour!” bati ng kung sino.

“Mione!” masiglang bati ni Coolin. Nilapitan nito ang kadarating na dalaga.

Dumikit sa kanya si Puti, “That's Coolins girl.”

Tumango siya. “She's pretty, but not my type.” isang imahe ang agad na lumitaw sa kanyang hippocampus.

“I think I know her.” panunukso nito.

Napapangiting umiling-iling siya. “Kung sino man 'yang iniisip mo hindi ko 'yan type.”

“Not you’re type huh? Matawagan nga.”

Kunot noong pinigilan niya ito. “Hey, hey! What are you doing?”

Wala siyang tiwala sa hilatsa ng pagmumukha nang pating na ito.

“I'm calling your girl.”

“My girl?”

“Lycola?” patanong na sagot nito.

Lycola. How could he forget her? “You met her?”

“We met her actually.” sagot ni Coolin na nakalapit na pala sa kanila. “And man, you don't want to hear this news from me. She's dating to a friend of mine. The owner of the condominium building where I stay.”

Napalingon sila kay Maru na tumira sa dart board na nakadikit sa dingding. “She don't want to see you 'pall.” ani nito.

Nang umalis siya patungong America ay si Maru ang kauna-unahang sumunod sa kanya, at upang suntukin lang siya. Gago raw siya. Tama ito, gago nga siya. Hindi siya dapat sumuko nang ganoon lang. He shouldn't give up his feelings gor her. Hindi niya dapat ito iniwanan sa ere. Naalala niya ang tagpong pinuntahan siya ni Acer sa hospital suite niya na naging dahilan nang pagbitiw niya sa kamay ng babaeng pinakamamahal niya.

“I’m here for Lycola.”

Lumipad ang paningin ni Gust sa sinabing iyon ni Acer. “What about her? If your planning something, you better stop,” banta niya.

Tumawa naman ng pagak ang binata. “You know what? Masyado kang nabubulag ng galit mo pare,” walang anumang ani nito.

“Anong pinagsasasabi mo?” tiningnan niya ito ng masama.

The StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon