Chapter Seven

5 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Five years later…..

            NAGMAMADALING ipinarada ni Lycola ang kanyang porche a parking lot ng condominium ng kaibigang si Georgia. They're both late! Nagtatakbong tinahak niya ang daan patungo sa elevator. Nakahinga siya ng maluwag ng makapasok sa loob. Kinuha niya mula sa L.V. bag ang kanyang cellphone. Kaagad na idi-nial niya ang numero ni Georgia na nakabisado na niya. Bahagya siyang tumalikod. Ring lang iyon ng ring at mukhang walang planong sumagot ang bruha. Lintik na babaeng yon. Tiyak na nagpuyat na naman ang isang iyon sa Malate kagabi.

            Naramdaman niya ang muling pagbukas ng elevator at pagpasok ng ilan.

            Ang ingay naman. Kailangan na niyang ma-contact si Gia dahil kung hindi, tiyak na patay sila kay Boss Lim. Kahit siya pa ang editor-and-chief ng publishing house na pinagtatrabahuan ay sumasabak parin siya sa field , kumikilos din siya tulad ng isang pangkaraniwang writer. Mukhang namimihasa na sa kabaitan niya ang kaibigan. Mesesante nga ang bruha.

Sa wakas ay nagising narin ang prinsitita niya.

“Argh! It's too early Lycola!” umuungol na reklamo nito sa kabilang linya.

Huminga muna siya bago sumagot. “Goerge! Bumagon ka na riyan. You heard me? You need to be ready in ten minutes.

Muli itong umungol sa kabilang linya. “Lycola naman. Don't do this to me.”

“Nag drama ka na naman,” napapailing na saad niya, “Be ready or get fired?” banta niya.

“Oo na 'chief.”

“Good.”

Naramdaman niya ang pagtunog ng elevator. Mukhang nasa floor na siya ni Georgia.

Mabilis pa sa alas kuwatrong lumabas siya.

“Hey!” pamilyar na tawag sa kanya ng mga nakasakay sa nilabasang elevator.

Wala akong oras, pasensiya na. Nagmamadaling tinahak niya ang pasilyo patungo sa unit ni Georgia.

“AHH! Ang lupit mo Lyc. Ang sakit pa ng ulo ko.” isinandig nito ang nananakit na ulo sa headrest ng inuupuan nito.

Naiiling na muling itinutok niya ang paningin sa daan. Papalabas na sila mula sa parking lot ng condominium backyard.

“What's the matter? Diba nagmamadali tayo? Ang bagal 'ata nang pagpapatakbo mo?” nakapikit na tanong ng katabi.

Kunot noong sumagot siya. “Ang bagal kasing umusad 'nung sasakyan sa unahan.”

Pilit na dumilat si Georgia. “Huh? Bakit naman, eh wide space capacity naman itong parking lot ng La Casa?” sambit nito sa pangalan ng building.

Nagulat sila pareho nang makarinig ng malakas na tilian. “May okupante ba kayong celebrity?” tanong niya sa katabing dalaga. Ang kakambal kasi nitong si George Evans ang may-ari sa naturang building.

“I dunno. Tawagan mo si George, if you want. Wag mo akong utusan dahil tiyak tatalakan na naman niya ako. Daig pa niya ang Mama namin.”

Umiiling na kinapa niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag.

“Here, the monster is calling.” Ini-abot nito sa kanya ang cellphone nitong nag ri-ring. “Ikaw na sumagot. May crush 'yun sayo, nahuli kong tinititigan ang larawan mo na ginawa niyang wallpaper sa laptop niya.”

Napangiti siya sa panglalaglag nito sa sariling kakambal. Georgia Estevanna is totally different to George Evans. Nine months ngang magkayap ang dalawa sa loob ng nanay nang mga ito. Pero sing tigas 'ata sa batong pinatama ni David kay Goliath ang ulo ni Georgia.

The StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon