Chapter One

24 0 0
                                    

CHAPTER ONE

“HOY bata!” naririndi ang dalawang tenga ni Lycola sa pagtawag na iyon ni Gust–ang alaskador niyang kapitbahay slash schoolmate. Naiinis siya sa tuwing naririnig ang salitang “Bata” mula rito, magkaedad lang naman sila nito kung tutuusin.

            “Ano bang kailangan mo Gusting?” pag-ganti niya rito. Palagi niyang pinapangit ang tunog mayaman nitong pangalan para makaganti sa pang-aalipusta nito sa kanya.

            “Ouch! Ganoon na ba ako kapangit kaya pati pangalan ko eh, pumapangit sa tuwing binabanggit mo?” nagkunwari pa itong nahihirapang huminga.

            “Pangit ka naman talaga.” nakaingos niyang saad. “Baka nga ipaglihi ka ni Tita Breenah sa tae ng kalabaw.” tukoy niya sa dating ballerinang nanay nito.

            “Oy!” pinitik nito ang noo niya. “Ang gwapo ko naman 'atang tae.” pagyayabang nito.

            “Oo na!” pinaningkitan niya ito ng mata. “Ano bang kailangan mo’t inistorbo mo na naman ang pananahimik ko?” nasa bakuran siya ngayon ng bahay nila rito sa Maynila. May bahay rin sila sa Tagum City—hometown nila na tinaguriang ‘City of Palms’. Sakop iyon sa probinsiya ng Davao del Norte na nasa katimugang bahagi ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang nag-aaral ngayon sa Maynila dahil narin sa kagustuhan niya. She was a typical city hotbabe but she also love to spend time to the countryside. Bipolar nga 'ata talaga siya, pero natanggap na niya sa sarili na ganoon na siya. Nagising siya sa pagbabalik tanaw ng marinig ang muling pagsalita ng asungot na binata.

            “Nanliligaw ba sayo si Cristobal?” tanong nito.

            Napakunot ang noo niya.  “Sinong—ah  si Acer  Cristobal?” nang tumango ito ay napangiti siya. “Hindi naman 'ata.” sagot  niya. Bumalik sa pagiging blanko ang ekspresyon nito ng bumaling ulit ang paningin nito sa  mukha niya.

            “Nakita ko kayo nung Lunes.” wala sa sariling saad nito.

            “So?” pagtataray niya.

            “Wala.” seryosong saad nito.

Napansin niya ang bahagyang pagdilim ng mukha nito. Ngunit dagli rin naman iyong nawala. Namamalikmata lang ba siya?

            “Ano bang pakialam mo?” mahinang tanong ni Lycola sa binata. Ano ka ba naman Xy Lycola Pitcher Montereal! Iniisip mo bang nagseselos ang uhuging Gusting na iyan? Pangaral niya sa sarili. C’mon wala namang masama kung aasa ka. Susug ng  kabilang bahagi ng utak niya.

            “Diba obvious?,” anito. Na nagseselos ka? Hindi niya alam kung 'san galing ang boses na iyon. Darn, tumigil ka nga Lycola! Nagpatuloy ito, “Di kayo bagay nuno ka kapre naman siya.” Aray! Ano bang ini-expect mo babae ka?

            She cross her arms. “Ang lakas naman ng loob mong laitin ang height ko. Itong tangkad kong to? Five feet and six inches, nila-lang mo lang to? Tsaka araw-araw akong umiinom ng gatas kaya sigurado akong tatangkad pa ako 'no!”.

            “Ganyan nga bata,” anito “Walang masama sa pagkakaroon ng pangarap” ginulo nito ang nakalugay na buhok niya.

            Naiinis na tinampal niya ang kamay nito. “Anong pangarap?” inirapan niya ito. “You! You're- your are...” dinuro niya ito. “Argh!” nagngingitngit na iniwanan ang ngingiti-ngiting binata.

“HEY! LYCOLA.” bati sa kanya ni Acer. Nginitian niya ito.

            “Mukhang nahihirapan ka sa mga dala mo. Let me help you.” he flashed a mesmerizing smile. Kung si Gust ang hari pagdating sa stage si Acer naman ang star pagdating sa hard court.

The StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon