Chapter Eight

6 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT

“OHAYO! Konnichi-wa!”

Napabalikwas ng bangon si Lycola sa malakas na boses na yon. Nasa Pilipinas pa ba siya?

Mariin na napapikit siya nang malamang si Georgia lang pala iyon.

“Ano na naming kabaliwan iyan Gorgia?” umuungol na tinakpan niya ng unan ang mukha niya. Umagang-umaga pa nam-bu-buwisit na ito.

Georgia jump to her comfy bed. “Balita ko kasi nag-stay ng dalawang taon si White my labs sa Japan.”

White? What?

“Who?”

“Si White oopa, ng The Stupid. Na love at first sight 'ata ako sa kanya.” tila nangangarap nitong sagot.

Bagay nga kayo. Singkulit mo siya. Sarkasmong pakiki-join ng cerebrum niya.  Nagtalukbong siya ng kumot. “'Pano ka naman ma la-love at first sight 'dun hindi pa nga kayo nagkikita. Tsaka, please give me an hour, Gia. I still want to sleep.”

Hinila nito ang kumot niya. “Uyy, wake up couch potato. We need to be early. Para may good first impression naman ako kay White. Ngayon ang first meeting natin sa kanila diba?”

Kaya nga ayaw niyang bumangon. Mas gugustuhin pa niyang humilata at mag-ala-ermitanyo maghapon sa kama niya kaysa ang i-meet ang apat na adonis na iyon.

“Ikaw nalang.”

“Anong ako nalang? Di pu-puwede, kailangang kasama ka. Humanda ka, isusumbong kita kay honcho.” tukoy nito kay Boss Lim.

Aba't pinagbantaan pa siya ng bruha!

Napilitan siyang bumangon. “Sipsip ka.”

She grin. “'Di mo alam?”

“Now I know.” sarkasmong sagot niya. Bago tila zombie na naglakad patungo sa banyo.

“DITO NABA 'yon?” tanong sa kanya ni Georgia habang pinagmamasdan ang kabuuan ng building.

Tumango siya at ginaya ang ginawa nito. “Mauna kana sa loob, ipaparada ko muna ito.” At mag-iipon ng lakas ng loob.

Kumapit ito sa kanya. “Sabay na tayo, Lyc. Natatakot akong pumasok mag-isa.”

“Hindi naman siguro nangangagat ang mga tao dyan sa loob.”

“Sabay na tayo. Pareho naman tayong maganda kaya mas magandang sabay ang entrance natin girl.”

Nailing na minaneobra niya ang sasakyan at ipinasok sa parking lot. Pinagdadamay pa siya nito sa kalokohan.  Matapos na mai-park ang sasakyan ay tila sea horse na kaagad tumalon si Georgia at mabilis na naglakad. Akala ko ba sabay?

Naabutan na niya ang dalaga sa entrada ng building.

“Akala ko ba sabay tayo?’ aniya ng maabutan ang dalaga.

Nag peace sign ito. “Oo nga noh? Sabay pala tayo.” Gia giggled of that thought.

Kapwa napahinto sila sa paglalakad nang makasalubong ang isang morenang babae na tila may hinihintay. Kamukha nito ang beauty queen na si Lara Quigaman. Ngumiti ito sa kanilang dalawa.

It's Coolin's girl for sure. She thought. Sa pagkakaalala niya si Coolin lang ang mahilig sa mga morenang babae sa apat.

She warmly welcomed them. “Hi, does the two of you need anything?”

Agad naman nilang sinabi ang pakay.

Iginiya sila nito sa pinto na nasa dulong bahagi ng second floor.

The StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon