Chapter Three

7 0 0
                                    

CHAPTER THREE

NAPAMURA  ng wala sa oras si Lycola nang mabangga at matapunan ang bestida niyang suot nang kung sino mang malaking mama na iyon.

“Pasensiya na Bata.” napaagat mula sa pagpupunas sa sarili si Lycola nang makilala ang boses na iyon.

“Ano bang kasalanan ang nagawa ko at pinaparusahan ako nang Diyos?” naiusal niya. “Kahit kailan talaga Gusting, salot ka.”

Ngumiti ito. “Guwapo naman.”

Nanggigigil na sinagot niya ito. “Bakit ba ang laki ng tiwala mo sa sarili?”

“Bakit?” anito, “Masama nabang maging honest ngayon?”

Ipinaikot niya ang kanyang mga mata bago muling nagsalita. “Honest ha? Hanep. Ang sabihin mo mayabang kalang talaga.”

“You can judge by yourself.” pangahahamon nito. Oo na! Guwapo ka nga.

“Mataas ang taste ko.” At pumasa ka. Nagkunwaring pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. “Did I pass?”

“Hmm… let me see. Pananamit, check. Kulay, check. Mukha, maybe. Ugali, super duper, duper, super ekis. E-K-I-S.” nanghihilakbot na mukha ang ibinigay niya rito.

Sumimangot ito. “Tara.” hinila siya nito.

“Sa—saan mo ako dadalhin?” nabibiglang tanong niya.

“Basta.” hindi lumilingong sagot nito.

“Kapag ako napahamak, hindi kana talaga sisikatan ng araw Stallone!” banta niya.

Nakangiting sumagot ito at bahagyang binagalan ang paglalakad. “Don't worry sweetheart. Wala akong gagawing ikakapahamak mo.” nanindig ang balahibo niya sa endearment na ginamit nito.

“Nandito na tayo.” Doon lang nag angat ng tingin si Lycola. Sa isang women's botique pala siya nito dinala.

“May I help you Sir, Maa'm?” salubong sa kanila ng saleslady.

“Change her clothes, as you can see natapunan siya.” parang haring sagot ng binata.

Ngumiti ang sales lady, “Wag po kayong mag-alala Sir, kami na po ang bahala sa kanya.”

Tumango ang binata at umupo sa waiting area. Inilabas nito ang cellphone nito at iyon ang pinagkaabalahan.

“Ma'am?” baling sa kanya ng saleslady. Ngumiti siya at naglakad patungo sa rack kung saan naka-display ang ilang magagandang bestida. Pinagmasdan niya ang mga iyon at humingi suggestion sa dalawang saleslady na nakatalaga sa kanya.

“'Yun pong red Ma'am bagay sa skintone mo.”

Napangiwi siya, “Masyado naman atang seductive ang damit na iyan.” nahagip ng paningin niya ang isang black dress. Simple lang ang pagkakayari 'nun pero eleganteng tingnan.

Itinuro niya ang nasabing damit at agad sumang-ayon ang mga ito.

“Naku Ma'am bagay na bagay po 'yan sa iyo.” ani ng isa sa mga ito.

Ngumiti siya.

“Siguradong mas lalong ma i-inlove sa iyo ang boypren mo Ma'am.” tudyo pa ng isa.

“Hindi ko boyfriend ang lalaking 'yon.” agad tanggi niya.

Bumakas ang panghihinayang sa mukha ng dalawa. “Sayang naman Ma'am, bagay pa naman sana kayo ni Sir Pogi.”

The StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon