"J-jeyco?"
Anong ginagawa niya dito? Bakit siya bumalik? Bakit niya ako hinila kanina? Agh! Andaming tanong sa isip ko.
"Hi" sabay wave. Anong hi?! Nananaginip ba ako? Kinurot ko yung kamay ko, hindi. Totoo talaga to! Nandito siya! Bumalik siya.
"Bakit nandito ka?" curious kong tanong.
"For good?" at nagsmirk siya.
"Kailan pa?"
"*sigh* I just arrived yesterday, it's been a long time my friend" wika ni choserong englishero.
"'Wag ka ngang english english dyan, Porket sa states talaga tumira ng 7 taon, ganyan na eh noh? Btw, you look good" eh totoo naman eh, he look good, ang amo ng mukha niya.
Jeyco Kenneth Mitton, my friend since elementary, nagstay siya sa states kasama parents niya for their company. Kaya ayon, iniwan niya ako nung bata pa kami pero naintindihan ko naman yun. After nung pag alis niya, wala na kaming communication, kaya talaga gulat na gulat nalang ako nang nakita siya ngayon.
"Thanks, you too" sabi niya.
"Dito ka ba mag aaral?"
"Apparently, yes. Kasi si dad mo naman may gustong dito ako mag aral, nag usap kami nung nasa states pa ako, pero gusto ko naman para maka bonding naman tayo" wika niya. Marunong naman pala siyang magtagalog tas ano english pa siya ng english, ka stress.
"Good, how are they?" natanong ko, miss ko na kasi sila eh.
"They're fine, don't need to worry. Uuwi naman sila pag holidays" wika niya.
Nakaramdam ulit ako ng gutom. Hindi pa pala ako nakakain at baka malate ako sa klase namin. Kasi naman itong si jeyco eh.
"I know you're hungry," he chuckled. At talagang may gana pa siyang mang inis ha. Sasagot na sana ako nang hinila niya naman ulit ako papuntang cafeteria.
Nasa loob na kami nang nakita ko naman si ---- Haden. Tumingin siya sakin at kay jeyco, tiningnan niya din yung pagkahawak sakin ni jeyco at napailing siya. Problema nun? Pinagmasdan ko lang yung paglakad niya at paglabas ng cafeteria.
"Zapphyyy!!" sigaw ng pasulpot sulpot na nilalang, malamang si Seles.
"Oh?" walang gana kong sagot.
"Why iniwan mo ako kanina? Eat na tayo," wika niya at napatingin sa direksiyon ni jeyco "Who are you? Bakit hawak mo ang arm ni zaph?" nacucurious na tanong niya at binigyan niya ko ng the-hell-is-going-on look.
"He's my friend, jeyco," sabi ko kaya napabitaw naman siya sa pagkahawak niya sa braso ko "jeyco, si seles nga pala bestfriend ko"
"Hi seles, nice meeting you" at nakipaghand shake sa malandi ay este mabait kong bestfriend.
"You too" parang may spark kung makapag usap naman si seles dito kay jeyco, ang OP ko na. Kaya nagorder na ulit ako.
------
Pagkatapos naming kumain, ay pumunta na ulit kami sa room namin, luckily classmate din namin si jeyco, section 1 din. Matalino yun eh, transferee palang siya dito parang heart rob na kaagad ang dating niya, di mo naman siya masisisi, Sa kagwapuhan niyang yan. Tsss, mapapalaway kalang. Chos! Pagkain lang?
Nang matapos na yung buong klase ng araw ko ay makakapagpahinga na ako. After hell day, sa pagod, makakasama ko naman ang baby bed ko.
------
Nang naglalakad ako papuntang locker ko ay may nakita akong hinding hindi nagustuhan ng mata ko.
Si haden may kahalikang babae sa janitor's room. WTH! Parang sinabugan ako ng malalaking bomba, natulala ako, hindi makagalaw..hanggang sa makita nila ako at gulat na gulat.Naglakad ako papunta sa kanila, naiinis ako, hindi dahil may kasama siyang babae kundi paaralan ko ito at may rules, nakaka sira sila ng imahe!
Tiningnan ko si haden mata sa mata, nasaktan ako, pero di ko pinakita.
"What are you doing here?" wika niya.
"Obviously, standing infront of you" sarkastiko kong sabi.
"Mind your own business bitch!" wika ng boobitang babae. Maka salita parang di niya ko kilala ah.
"Very well said, ms. but don't you mind you were just describing yourself?" wika ko at napasama ang tingin niya sakin, " You two were making out publicly, don't you respect the people around you? I guess both right here already forgot the rules and regulations" seryoso kong sabi. Akala nila papalagpasin ko to, nakakabastos e. Nakakasakit sa mata.
"See you at the detention office tomorrow gals" lalakad na sana ako palayo nang may humila naman ng kamay ko.
"You can't" he whispered to my ear. Tumingin ako sa kabila pero wala na ang babae. Ano ba naman ito haden? Too husky naman ng voice mo.
"Get off me!" Sigaw ko nang napalakas ang pagkahawak niya sa bewang ko at papalapit ng papalapit.
"What if I won't?" Aghhh! Bakit napunta naman sa ganito ang sitwasyon namin, napapawis na ako sa kaba at ang init init dito sa janitor's room. Gusto ko siyang itulak pero di ko magawa, ang lakas niya. Duh, lalaki kaya siya.
"Can you please stop what you're doing?! You jerk!" nakakakilabot talaga ang mga tingin niya, yung dark brown niyang mata, nakatitig sakin. Parang matutunaw na ako. Lapit pa siya ng lapit. Jusko naman po lord, wag ngayon. Napapikit ako ng mata ngunit...
"Don't assume too much, you're tempting" he laugh.
Wtf is he talking about!? Me? Tempting?! Oh c'mon! Walang ganon sa bokabularyo ko! Bwisit!
Naka alis na sya pero ako nakatunga-nga, nata meme. Takte naman oh, hindi ko na napigilang magisip ng magisip ng wala ka kwenta kwentang bagay. Makauwi na nga lang. What a beautiful and tragic day! Agh!
Habang naglalakad ako sa quadrangle, iniisip ko ang nangyari kanina. Lumalakas talaga ang tibok ng puso ko, sasabog na to sa di oras. Pumunta akong parking lot at umuwi nalang ako. Sobrang pagod ko na, sobrang stress na ng utak ko. Mentally and physically.
-----
*Sa bahay*
"Ya hannah, paluto ng dinner, sa kwarto ako kakain" tugon ko.
Umakyat nako sa taas, half-bath, nagbihis at humiga. Hayyys, para na akong nasa ulap na nakatakas sa impyerno. Ang sarap sa pakiramdam, at napaisip naman ako. Potek! Bakit pati dito sinundan ako ng walang kwentang nilalang yun sa isip ko?! Sa pagka alam ko, naka move na talaga ako eh kahit walang KAMI.
*tok-tok
"Pasok,"
"Ms. Arya, ito na po ang dinner niyo" at inihanda niya na.
Kumain ako ng kumain, sobrang gutom ko talaga. Oyy, di ako SPG(super patay gutom) ha? Medyo lang.
Pagkatapos ko kumain, nag open muna ako ng facebook ko.
1 new friend request
Pinindot ko...at o______o
Haden Charles Dariome sent you a friend request
Ano ba to? Ico-confirm ko ba? Aba WAGGG! Zapphira! Wag kang tanga na this time. I delete mo! I deleteeee!
Haden Charles Dariome and Zapphira Arya are now friends.
Yung totoo zapphira!?!!! Ptagris, bakit ko ginawa yon? Ayoko na, ayoko naaaa! Shemay, anong gagawin ko nito bukas? Iu-unfriend ko nalang, TAMA! I UNFRIEND ko nalang.
At ayon, inufriend ko nga,kung pwede i block ko pa. Joke wag na. Just stable lang na parang di kami close, eh kasi di naman talaga kami close. Ano ba naman ang nangyayari?! Bakit niya pa ako napapahirapan?
Haden Charles, curse you jerk!!
Alam ko naman na sobra akong nasaktan noon sa kagagawan niya. Parang kulang nalang na magtago ako sa pinakalalim na lupa upang hindi lang siya makita.
-------
Hey guys! So, this is the 3rd chapter, I hope you liked it. Support me. Wala naman talaga akong magawa eh, kaya ito. Hehe! Just click vote and read! Thankyousomuch! Kamsa! Love love.
-kaxhiecca-
BẠN ĐANG ĐỌC
Imperfectly Lovers
Teen FictionDid you experienced falling apart into someone you didn't expect to? Did you experienced breaking someone's heart for the one that you loved? Did you experienced in just blink of an eye everything was fading because of the tragedy? How long will you...