Syco's POV
"Syco Nichollas"
Iiwanan ko na sana siya ngunit nagtataka ako kung paano niya nalaman yung pangalan ko.
Humarap ako at niluhod yung isang tuhod ko upang pumantay kami."What did you just say?" tanong ko sabay titig sa kanya.
"You're syco? As in syco nichollas horde? The cousin of haden?" takang taka na tanong niya. Eh? Paano niya nalaman? Hindi nga kami nagpapansinan nun ni haden.
"It's none of your business" Wala akong oras makipag usap sa kanya, at hindi ko gustong pag usapan tungkol samin ni haden.
Tumayo nako at sinimulang maglakad without looking back at her. Bahala siya sa buhay niya, ang lampa lampa na nga ang tanga tanga pa.
Di ko alam kung anong ekspresyon yung sa mukha niya kanina pero parang feeling ko natulala siya. Hahaha, di porket pagmamay ari niya itong school na to eh magbait baitan na ko sa kanya? Asa. Mas binibigyan niya ako ng rason upang asarin pa siya.
Nasa parking lot na ako at ready na sana akong umalis ngunit nahagilap ko si haden kasama si dianne. Lumapit ako upang marinig yung pinag uusapan nung dalawa kasi parang nag aaway sila.
"Why did you do that to her dianne?!" Sigaw ni haden sa kanya at parang iiyak na si dianne sa di oras.
"Because she deserves it!"
Anong deserve yung sinasabi niya? Deserve pa talaga ni zaphirra yun? Kaya ko nga siya hinila palabas dun kasi alam ko kung ano ang nararamdaman niya.
"Are you out of your mind? Mahal ko siya, at dahil nagkaganon si zap ng dahil sa ginawang paghalik mo sakin! Baka nakita niya tayo!"
"Eh ano ngayon? Mas kailangan mo ako. Kailangan kita, wala ng magagawa pa kasi wala na kayo!"
"Wala nakong pakialam! Makikipagbalikan ako sa kanya bukas na bukas, paguusapan namin to!"
Hindi ko alam ang buong detalye kung ano tinutukoy ni dianne, pero alam kong nasisiguro ko talaga na gawin ni haden yung sinabi niya.
Umalis nako at umuwi samin, hindi dapat makipag usap si zap kay haden. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy kung ano ang balak nilang gawin, kasi pakiramdam ko may pinaplano silang di alam ni zapphira.
_______________
Author's POV
Hanggang naka alis si syco sa harapan ni zap ay nakatunga-nga parin ito hanggang nilapitan siya ng bestfriend niyang si selestine.
"Zap, what happened to you?" Nag alalang tanong sa kanya ni seles.
"Zap? Talk to me. Please." Tulala parin siya at may naiisip na malalim.
"S-seles? Kanina kapa ba diyan?
"Hindi naman, anong nangyari sayo?
" W-wala, uwi na tayo" wika ni zap.
Nagsimula na silang umalis don sa kinaruruonan nila kaya lang walang gana si zap makipag usap kahit kanino. Ang lamya lamya niya at parang may namatay kung titignan mo ang mukha niya.
Ipinag drive nalang ni seles si zap sa sasakyan niya kasi baka mapahamak lang si zap kaya inutusan nalang ni seles ang isa sa bodyguard ni zap na ipadala nalang yung sasakyan ni zaphirra sa kanilang bahay.
"Zap, nandito na tayo sa bahay mo. Pasok na tayo."
"Sige" sabay labas niya sa pintuan ng sasakyan. Mahahalata mo talaga na ang bigat ng kaniyang problema.
Dinala ni seles si zaphirra sa kaniyang kwarto at humiga silang dalawa.
"Bes, if you have a problem.. You can tell me" Habang tumitingin sa ceiling ng kwarto ni zap.
"Karapat dapat ba akong saktan? Akala ko nagbago na lahat? Kapag ba nagmahal ng sobra, may kapalit na sakit? Ewan ko ba, pero parang gusto ko sa isang iglap mawala na dito sa mundong to? Napaka unfair, nagmamahal lang naman ako pero ang pagmamahal na yun ay parang wala lang" mahabang litanya ni zap.
"Zap, hindi ka karapat dapat na saktan kasi ikaw yung pinaka special na kaibigan ko sa buong mundo, kung ano man ang ipinagdadaraanan mo ngayon..lilipas din yan minsan kailangan mo lang magpanggap na okay ka lang kahit hindi naman kasi dito mo lang mararanasan maging matapang" advice ni seles sa kanya ngunit nung humarap si seles, umiiyak na pala si zaphirra.
Yinakap nalang niya ito at pinat yung ulo. Kilalang kilala niya yung bestfriend niya kaya ginawa niya ito hanggang sa makatulog si zap.Bago umuwi ni seles may habilin siya kay zap habang natutulog.
"Huwag kang mag alala, darating ang panahon na sasaya ka, yung totoo at wala ni anong peke. Mararanasan mo lang yan kapag hindi ka magbago. Goodnight zapphy"
At tuluyan na siyang umalis.
------------
Magbabago kaya si zapphira dahil sa mga nangyayari sa kanya o hindi? Dadating ba ang panahon na magiging pusong bato siya o hindi?Sorry very late update guys. Busy ako sobraaaa. Hahahaha pero thank you parin. Lavya.
YOU ARE READING
Imperfectly Lovers
Teen FictionDid you experienced falling apart into someone you didn't expect to? Did you experienced breaking someone's heart for the one that you loved? Did you experienced in just blink of an eye everything was fading because of the tragedy? How long will you...