Dumating ka na ba sa ganitong punto?
Maging pag-iisip mo'y hindi nagawang makaligtas sayo?
Maraming gumugulo, mabibigat na tanong ngunit may simpleng solusyon
Maging mga taong nasa paligid mo, hindi alam kung papaano ibaba ang mataas mong emosyon.
"Bahala na!" yan ang lagi mong sinasabi,
Ngunit kahit anong sabihin mo para humupa yan at tumabi
Aminin mo man o hindi, isipan mo rin ay hindi mapakali.
Bakit nga ba?
Bakit kahit masaya at may kasama ka, hindi pa rin magawa na problema'y maisantabi?
Hanggang sa matapos ang buong araw na sayo'y wala din gustong tumabi.
Mag-uumpisa na naman ang isang buong araw
"Ito na naman tayo, kailan ba matatapos ito" isang bulong mo sa malamig na madaling araw.
Kumain, tulala, at hindi makausap, yan ang salubong sa araw mo
"Ayaw ko na" isang megatibong salita na naman ang binitiwan mo.
Sa itaas na parte ng kwarto, isang bagay ang tiningala mo,
Isang bagay na may representasiyon sa anak ng lumikha sa mundong kinagagalawan mo,
Na nagbibigay lakas ng loob at nagsasabing, "Anak naririto pa rin ako, at handang makinig sa mga daing mo."
Ang mukhang may guhit ng mga problema ay tila naging isang ulap at hindi naiwasang umulan
at kinausao ang Poong may Kapal.
Sa loob ng isang kwarto na may apat na kanto,
Nagkulong, umiyak, nag-isip at walang kinausap na kahit sino.
Humingi ng tulong at humingi na sana'y may dumating,
at kaya kang tanggapin
Hiniling na lahat-lahat at nag-iwan ng tanong, "Bibigyan na ba o Lalaban pa rin?"
-2017
BINABASA MO ANG
The Unspoken Things
PoetryIto'y mga tula na naglalaman ng mga kwento sa iba't ibang aspeto. Dahil sa paggawa ng tula, mas nailalabas ko ang emosyon na mayroon. Sa pag-buo nito, mas ginusto kong gamitin ang "Malayang tula" dahil sa palagay ko mas mailalagay ko yung totoong id...