Laso

372 0 0
                                    


Maayos naman tayo dati, 

Sabi nila parang perpekto parati.

Ilang taon rin sa atin ay may ganap,

Pero bakit ngayon lahat ng iyon ay nasa ulap.


Ilang buwang hindi nagparamdam

Paliwanag mo'y pinakinggan

Ani mo'y isang bula biglang nawala sa paningin

At bumalik para maibalik ang atin.


Masasabing naging maayos nga

Buwawi ako, bumawi ka

Pero tila nag iba ang ihip sa isip mo

Biglang may laso para sakalin ako.


Nais kumawala sa higpit mo

Nais lumaya para muling sumaya

Hindi para iwan ka, pero para naman makahinga

Salamat sa lahat pero nagising na ako.


Salamat sa pag-bibigay saya,

Pero sapilitan lang pala.

Salamat sa pagkakaibigan,

Salamat sa aral, madadala ko lahat ng iyan.


Kung nababasa mo ngayon ito,

Sana maisip mo ang ginawa mo,

Mga ginawa mo noong bumalik ka.

Pagbalik na di ko naisip na magagawa mo pala. 


-2017

The Unspoken ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon