Paaralan, Unibersidad o Eskwelahan tatlong salita na alam kong magkakalapit ang kahulugan
Prebado, Pampubliko o Medyo Prebado, iba't ibang klase ng antas, pero alam kung isa-isa lang ang bina-bagtas.
Sa Pagkaka-alam ko may iba't ibang klase pag-dating sa Pag-ibig;
Una; Nagmamahalan
Ang nagmamahalan ng sobra,
Lahat ginagawa, maipakita't mapatunayan na sila ang tinadhana.
Nagmamahalan, na akala'y pang tatlong taon lang pero umabot sa matamis na sumpaan.
Pangalawa; Nasaktan
Iniwan ng kabiyak
Akala'y pang hanggang dulo't sabay ipapagaspas ang pakpak.
Iniwang mag-isa't bagsak,
Hindi alam kung saan mag uumpisa at aapak para muling makabangon at muling Makita, ang sarili niya hibang.
Pangatlo; Umasa
Ang umasa sa isang taong paasa,
Pinakilig ng mga salitang "Mahalaga ka", Paano ako kung wala"
Pero tila mapaglaro ang tadhana,
Nakita mo siyang may kasamang iba, hawak pa ang kamay ng mahal niya. Akala mo sayo niya nataggap ang saya pero sa kamay pala ng iba.
Ika-apat; Mapag-panggap
Sila yung sasabihin na mahal ka, pero hindi naman pala,
Sasabihing handa na ulit sumabak, sa kabilang banda, panakip butas ang ganap.
Seseryosohin ka sa umpisa pero paglalaruan ka lang pala, Oo nga pala, laro, laro ng tropa niya
Ika-lima; Tanga
Kahit nasasaktan at pinapamukhang di ka na niya mahal,
Patuloy ka pa rin sa pagbaon ng iyong sarili sa pusong gusto ng kumawala at sa taong hindi na magiging sayo pa.. Naging manhip ka, ayaw mo pakawalan kasi masakit na dahil nasanay ka na lagging siyang nandiyan.
Ika-anim; Torpe
Dila na naurong kusa pag nakikita ang pangalang binubulong
Tila isang makahiya sa tuwing siya'y nakikita.
Gusto mo siyang kausapin, pero ika'y natutulala.
Mga nakabisadong linya para sa kanya bakit biglang nabura?
Sa labanang pag-ibig,
Mayroong sawi at wagi, mayroong saya at sakit.
Hindi mo alam kung saang pagitan ka matatagpuan, hindi mo alam kung ano ang patutunguhan.
Kahit pagod na at humahangos, ayaw pa rin umalis sa apoy na nagpupuyos.
Sa pag-bitaw ng isa ay kay sakit, pero minsan kailangan na lang tanggapin.
Kung may aalis ay may mas better na dadating
-2017
BINABASA MO ANG
The Unspoken Things
PoetryIto'y mga tula na naglalaman ng mga kwento sa iba't ibang aspeto. Dahil sa paggawa ng tula, mas nailalabas ko ang emosyon na mayroon. Sa pag-buo nito, mas ginusto kong gamitin ang "Malayang tula" dahil sa palagay ko mas mailalagay ko yung totoong id...