Sabi nila masayang magmahal pero, mahirap masaktan. Sa tuwing magkikita at magkausap lamang, sambit nila'y kompleto na ang kanilang buong araw.
Sa paligid-ligid, ika'y nagmamasid, ito ang paborito mong gawain diba? Gawaing pasekreto upang makita sa kanila, ang tama't mali, para, kung may kaparehong sitwasyon, syempre, para alam mo na ang dapat mong gawin sa hindi.
Sa iyong pagmamasid, may tanong ako, Bakit bigla mo siyang naalala? marahil ba sa salitang"magmahal" o sa isang linya, na, "Minahal ko ang aking kaibigan pero naging mahina ako". Mahirap kung may tinatago lalo na't alam mo, pag inamin mo tila may kalayaan kang regalo.
Pero hindi! Hindi...
Hindi pwedeng sabihin dahil ayaw mo siyang wala sa iyong piling. Dumating sa panahon na ang dating pag-aalala at kaibigang turing, ay nais mo na ring seryosohin.
Pero hindi pa rin, hindi pa rin pwede,
Hindi pa rin pwede dahil alam mo sa sarili mong hindi pwede na maging kayo. Laging namamagitan, ang pagmamahal mo at ang pagkakaibigan, pero ano ba ang dapat sundin? ang tibok na mula sa puso o ang sinasabi ng isipan?
Tinago mo ng matagal na panahon ang lahat, nagmahal ka ng patago. Oo, tinago mo ang malalim na pagtingin dahil ayaw mo at alam mo na ito ang tamang desisyon mo.
Sa una'y naging masaya ka, siya, kayo, ang sitwasyon ng pagkakaibigan niyo, pero namulat ka sa katotohanan, at nasabi ang linyang ito "Oo, mahal ko pala talaga yung kaibigan ko."
Hanggang sa araw ng pag amin, naghanda ka pero parang, nag-iba ang ihip ng hangin, ngunit wala pang pag-banggit, bakit biglang naramdaman na ayaw ka niyang kausapin? Hanggang sa tumagal ang hindi masyadong pag-papansin.
Ilang buwan rin ang panlalamig at makikita ang malaking haligi sainyo na 'di mo maintindihan. Kung mag-uusap ma'y tila tuyong lupa sa panahon ng tag-init ang iyong nasisilayan, sa kabila nito'y hindi ka sumuko, at mas pinili mong kumapit sa laban na 'di mo alam ang hangganan.
Isang gabi,
Isang gabi muli mo siyang nakausap, masaya at tumagal ng ilang oras, ika'y naging sabik, natutuwa at umaasa na maibalik ang dating meron sa pagkakaibigan. Napag desisyonan mong umamin sa huling pagkakataon, sabihin ang mga salitang tinakpan ng mahabang panahon,
Ngunit tila nauunahan ng kaba, at ika'y nagulat sa iyong nabasa. Hindi mawari bakit biglang napatigil sa pag-pindot sa mga letra at naramdam ang patulo ng luha mangaling sa mata.
"May nanliligaw na sa akin..." ika niya.
May nauna.... may nauna pala
May nauna na pala para sabihin sa kanya ng salitang "Mahal kita". Nasaktan ka't napatigil, sa panahon na aawitin na ang damdamin. Hindi mo alam kung ano ang isasalita. Hanggang sa nagdesisyon ka, para hindi ka na masaktan pa, ipinaubaya mo siya sa kamay ng iba, pero tama ba at pinangako sa kanya na kaibigan ka pa rin niya.
Masakit makita na ang taong minahal mo ay maaari ng mahalin, ngunit hindi ikaw, kundi ng iba. "Wala, ganon siguro" isang simple salita pero may kirot na salita ang sinabi mo. Ganyan siguro dahil sa nagmahal ka lang naman, pero tinago para hindi siya mawala bilang kaibigan patungo sa gusto mong paglalaanan ng iyong pagmamahal.
Ngunit kahit itago mo pa rin, mawawala pa rin siya, kaya sa susunod na gusto mo na ulit mag mahal ng iba, habang may pagkakataon, sabihin mo ng mga maaga ang nararamdaman, bago pa mahuli ang lahat at bago pa siya mawala at makuha ng iba.
-2017
BINABASA MO ANG
The Unspoken Things
PoetryIto'y mga tula na naglalaman ng mga kwento sa iba't ibang aspeto. Dahil sa paggawa ng tula, mas nailalabas ko ang emosyon na mayroon. Sa pag-buo nito, mas ginusto kong gamitin ang "Malayang tula" dahil sa palagay ko mas mailalagay ko yung totoong id...