Chapter 7 : House Party

425 6 3
                                    

KATE's POV

Nakarating na ako sa bahay matapos kung mamili ng mga gamit para sa party. Inayos ko ang mga ito at inilagay sa mga mesa yung ibang pagkain. Umorder din ako ng pizza

Tumakbo ang dalawang oras at natapos na namin ang pagprepare. Eksaktong may isang oras pa akong natira para mag prepare kaya binilisan kung umakyat at maligo.

Hindi naman to pormal na party kaya sinuot ko yung white crop top ko, at ripped high waisted shorts, tsaka nag black converse sneaker. Ilang saglit matapos kung mag ayos ay tumunog na yung doorbell.

Pagbukas ko ay yung dj na ni-hire ko
ang nakita ko, kaya agad ko na itong pinapasok at pinaset up na ang speakers at iba pa.

Ilang minuto matapos nun ay nagsipag datingan na yung mga bisita ko at unti-unti ng umiingay ang paligid.

At sa wakas sa mahabang paghihintay ay dumating na sina Ethan, Zoe, at Madison. Agad ko silang sinalubong ng yakap at beso.

"Hi Guys!!!" Sigaw ko kasi ang lakas na ng music

"Hi Kate!" Sagot ni Madison at Zoe

"You look beauitiful" Sabi din ni Ethan

Agad na kaming pumunta sa side tables don sa may pool. Andami ng tao sa bahay at nag kalat na ang mga beer cups kung saan saan

Kumain muna kami at nag inuman ng friends ko. San na ba si Brandon napa isip ako kasi ilang oras na lumipas simula nung nagstart ang party pero wala parin siya.

"Oh Kate, san na nga ba si Brandon? Diba in-invite mo siya?" Tanong ni Zoe, na para bang nabasa kung anong laman ng utak ko.

"Ewan, baka di na pupunta yun" nakapanlulumo kung sagot, pero ano namang magagawa ko kundi mag hintay nalang

"Tawagan mo kaya" Suhestiyon ni Madison

"Natatakot ako eh, baka busy siya at may ginagawa na mas importante pa dito kaya di siya pumunta"

"Sus naman gurl, wag ka nang OA diyan, ngayon ka pa matatakot dun kay Brando?. Eh nuon nung bata pa tayo halos kada oras mo siya inaaway at sinusungitan."

'Oo nga no' sabi ko sa isip ko 'pero iba na ngayon may gusto na ako sa kanya eh kaya natatakot na ako kung anong isipin niya sa akin.'

"Iba na ngayon eh, alam mo naman may gusto ako sa kanya"

"Sige naaa, wag ka ng mag papilit alam naman naming gusto mo siyang makita eh" Sabi ni Madison

"Wag--" Pero bago paman ako sumagot ay sumingit na si Ethan

"Girls, wag niyo ng kulitin si Kate, sabi niya ng ayaw niya."

"Wag ka ngang epal dyan Ethan, bitter ka lang kasi wala kang lovelife" Maarteng sagot ni Zoe

"Tssss" Singhal ni Ethan

"Aba lumala--" sabi no Zoe, pero bago pa siya makasagot pinigilan ko na silang kasi baka mag away pa tung dalawang to lalo na't nakainom na kami kahit di pa marami rami ay alam kung natatamaan na si Zoe pero wala pa si Ethan

"Wag na nga kayong mag away dyan, di ko siya tatawagan"

"Ako na nga" Sabi ni Zoe, at ilang segundo ay nag uusap na sila ni Brandon

"Hello Brandon" ani Zoe

"Oh, Hi Zoe, ba't napatawag ka?" Sagot ni Brandon sa kabilang linya, naka loudspeaker yung phone

"May gustong kumausap sa'yo"

"Who?"

"Oh eto Kate kausapin mo na" Sabi ni Zoey sabay pag abot nung phone sa akin

The Sudden Effect of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon