Chapter 13

319 6 1
                                        

KATE's POV

Dumiretso ako sa isang bar na lagi naming pinupuntahan ng mga friends ko. Shet ang sakit pala no, yung malalaman mo na hindi ka mahal ng taong napagusto mo. Ngayon alam ko na kung gano kasakit ang pinagdaanan ng mga lalaking na rereject ko. Yung mga lalaking nagustuhan ko tapos I fell out of love dahil mahal din nila ako. Ang sakit pala, ang sakit sakit. Parang dinudurog yung puso mo pero wala kang ibang pwedeng gawin kundi tanggapin ang sakit at umiyak nalang.

Pag pasok ko sa loob ng bar. Dinig na dinig ko na ang hiyawan ng mga babae at lalake sa dance floor at ang napakalakas na music . Linapitan ako ng isang waiter at sinabihan ko siya na sa VIP area ako. Buti nalang at may isang VIP room pang available.

"Ma'am ano po sa inyo?" sabi nung waiter

"A bottle of Jose Cuervo please"

Ang daming laman ng utak ko ngayon. Ang dami dami kung iniisip, at hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang tanging alam ko lang ay gusto kong makalimot kahit sandali lang kahit sa gabing ito lang.

Agad kung isinalin sa baso ko ang inumin ko. Hindi ko nalang namalayan na malapit ko na palang ma ubos ang isang bote na parang wala lang. Tumayo ako patungong cr kasi may call of nature ako pero nung tumayo ako nagulat ako kasi parang nahihilo ako. Pa ekis ekis ako akong nagpatungo sa cr kahit nahihilo ako alam ko naman ang ginagawa ko.

Pagkatapos kung umihi tumingin muna ako sa salamin at dahan dahang pumatak ang aking mga luha mula sa aking mga mata. 'Talaga bang hanggang magkaibigan lang tayo Brandon?' Pinilit kung ngumisi at sinabi sa sarili kong okay lang ako at kaya ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman. Agad kong pinunasan ang aking mga luha at lumabas.

Nothing's more painful than staring at yourself in the mirror while holding back your tears trying to force yourself in believing that you are strong and you can do it, but you yourself knows na hindi mo na kaya. Napangiti nalang ako sa aking katangahan pero habang naglalakd na ako pabalik sa VIP room may lalaking dumidikit sakin habang nagsasayaw.

"Hi miss, sayaw muna tayo" sabi nung isang mataas na lalaki

"Ahh I'm exhausted sa room nalang ako"

"Sige na isang kanta lang"

"Ayaw nga!" pa alis na sana ako pero hinila nya ako papalapit sa kanya at nag grind siya sa akin nafeel ko yung ano nya sa gilid ko! At hindi pa siya nakontento ay inilapit niya yung kanyang mukha sa aking leeg. Sinubukan kung kumawala pero hinawakan nya ako ng mahigpit na mahigpit kaya hindi ako makawala.

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko pero hindi parin nya ako binitiwan binalewala nya lang ako at patuloy nya hinahalikan ang aking leeg. 'shit na to anong gagawin ko?!'

"Bitiwan mo ako sabe eh! Alam mo ba kung sino ako ha?! Ako lang naman si Kate Arianne Alvarez at kapag nalaman to ng mga magulang ko wala ka ng kawala kang bastos ka!"

"At sino namang may sabe na may pakialam ako kung sino ka? Kahit anak ka pa ng Presidente wala akong pakialam! Isang sayaw lang naman ang hiningi ko ah, pero dahil napaka arte mo ito ang makukuha mo." Pinatuloy nya ang paghalik sa leeg ko habang ang kamay nya pumupunta sa ibabang bahgi ko! Pumiglas ako sa kanya pero hindi parin siya na titinag. Pumikit nalang ako at unti unting umiyak kasi alam kong wala na akong kawala sa lalaking ito pero mali ako may biglang humila sa akin palayo sa kanya.

"Tangina galawin mo na lahat wag lang girlfriend ko pare!"

"Girlfriend mo? Sorry ah, pahiram lang saglit ang sarap nya eh-----" hindi na matapos magsalita ang lalaki dahil bigla na lang siyang pinag susuntok nung lalaki na tumulong sa akin. Teka sino ba to? at tinawag pa nya akong girlfriend? Habang nag kakagulo sila may dumating na bouncer at pinigilan sila

"Ipakulong nyo yan! Tangina tumawag kayo ng pulis dahil pinag samantalahan nya yung girlfriend ko!" Susuntukin pa nya sana yung lalaki pero pinigilan na siya nung bouncer

"Tama na po Sir kami ng bahala dito." yung lalaki ngayon ay puno na ng pasa at dugo yung mukha dahil sa bugbog. Hindi ko parin matigilan umiyak dahil sa nangyari. Unti unting lumapit ang lalaki na tumulong sa akin papunta kung nasaan ako. At hindi ko inexpect kung sino siya...... Si Cross.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Nag aalalang tanong nya sa akin. Hindi ko inexpect na tutulongan ako ni Cross isang badboy sa school namin ang taong tumulong sa akin.

"O-okay l-lang ako" Hindi ko mapigilan ang panginginig sa boses ko

"Wag kang mag-alala andito lang ako." at pinunasan nya yung luha ko gamit ang isang puting panyo at binigay nya yun sa akin. "Tayo na. Alis na tayo dito"

"T-teka hindi pa ako nakakapag b-bayad"

"Binayaran ko na kaya tayo na" at hinila nya ako palabas sa magulong bar na iyon.

Sinong mag aakala sa dinadami daming tao na pwedeng tumulong sa akin sa Cross pa talaga. Paglabas namin sa bar ay dumiretso kami sa sasakyan ni Cross.

"C-cross may dala akong kotse, di ko yun pwedeng iwan"

"Ako ng bahala ipapakuha ko nalang yan sa driver ko dahil nakainom ka at delikado para sa iyo ang mag drive." hindi ko na siya sinagot at pumasok nalang ako sa sasakyan. Habang bumabyahe kami ay naka idlip ako.

"Andito na tayo." sabi ni Cross. Pag dilat ko sa mga mata ko ay nagulat ako kung nasaan kami akala ko ay dinala na nya ako sa bahay pero nasa isang lugar kami ngayon kung saan makikita mo ang buong Maynila.

" Ang ganda!" yung lang ang nasabi ko at lumabas ako ng sasakyan

"Dito ako pumupunta kapag andami kung problema at iniisip." sagot ni Cross

Napaupo nalang ako sa may ilalim ng puno at tinagnan ng mabuti ang napakagandang city lights ng Manila. Ang tahimik dito at parang naririnig mo na ang sarili mong hininga

"Bakit ka pala nag lasing?" biglang tanong ni Cross

"Ah basta sakin na lang yun"

"Bakit nga? Dahil sa susunod wag ka nang pumunta ng bar at mag lasing mag isa. May mga kaibigan ka naman sina Ethan, Madison, Zoe o di kaya si Brandon. At syempre ako. Bakit ba kasi pumunta ka don mag isa?" parang na iinis na tanong nya

"Ano bang pakialam mo ha?" na inis din na sagot ko andami nya pang alam tsss

"Yan Kate yang ugali mo, ikaw na nga ang ina alala ikaw pa nagagalit ewan ko sayo!" at pumunta siya pabalik ng sasakyan

Ang gago mo Kate ikaw na nga yung tinulungan ikaw pa yung nagalit. Ang gagoooo ko talaga. Di ko namalayan ay bigla namang pumapatak yung luha ko. Napaka walang kwenta kong tao.

ANG GAGO MO KATE ANG GAGO GAGO MO.

to be continued...

The Sudden Effect of FallingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon