Chapter 12: Confession

180 4 0
                                    

Kate's POV

Ilang araw na ang nakalipas pero wala pa rin si Brandon. 'Asan na kaya siya?'

Nagpasya akong pagkatapos ng klase ay pupunta ako kina Brandon

*After Class

"Guys! Pupunta ako kina Brandon ngayon ma una na ako byeee!" Sabi ko sa mga kaibigan ko at hindi na sila hinintay na makasagot pa

Nilakad ko papuntang parking lot at sumakay sa sasakyan ko. Ilang sandali lang ay nasa kina Brandon na ako

Ng nasa tapat na ako ng gate nila ay nag doorbell ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Nung tinulak ko yung gate ay bukas yun kaya pumasok na ako sa loob.
Linibot ko ang aking paningin sa bahay nila. 'Ang tagal ko ng hindi napunta dito ah' Nasabi ko sa aking isip

Ilang minuto na paglilibot ko ay nabangga ko yung upuan. " Shit!"

Biglang sumolput si Brandon galing sa hallway at tumingin sa akin

"Arianne? What are you doing here?" Hindi ako nakasagot agad kasi tutok na tutok ako sa abs nya na pinapawisan at kumikinang sheytt. Topless siya at naka boxers lang. Ang boxers nya pa ay yung nakikita mo na yung ano nya yung ano ahhh basta alam mo na yun.

"Ah-ah ka-si a-a-ano ilang araw ka na kasing h-hindi pumapasok" sabi ko habang nakadungaw. Pag angat ko ng ulo ko nakabihis na siya

" Oh, yeah, I've been sick these past few days kasi and I don't wanna go to the hospital kaya yun nag rest muna ako dito sa bahay"

"Ahhh ganon ba? Ba't wala kang kasama? Sinong nag aalaga sayo?"

"Pinag day off ko lang sina manang uuwi din yun mamaya."

"Ahh okay. Now that I know you're fine, I'll go ahead na bye Brandon" at lumakad na ako papuntang pinto

"Wait" Bigla nya akong hinablot dahilan para mapasandal ako sa pader. Kinulong nya ako sa kanyang mga kamay at dahan dahang inilapit nya ang kanyang mukha sa akin

"Br-randon" sinubukan kung kumawala pero nawalan ako ng lakas. Pumikit ako nung malapit nya na akong hinalikan. 

"Open your eyes"

Unti unti akong dumilat at nakatingin lang siya sakin, mabilis din akong umiwas ng tingin. Nararamdaman ko ng umiinit at pumula na ang pisngi ko. Huhuhuhuhuh ano ka ba Brandon.

"You're blushing" tinapik nya yung ilong ko at lumakad papunta sa kusina 

"Hu-huh? Hindi no!" 

"Okay, if you say so. Coffee muna tayo bago ka umalis, papasok na din ako bukas."

"Okay sige"

Habang umiinom kami ng kape " So you like me, huh?"

"Me? Like you? Never!"

"Really? Kaya pala nag confess ka sakin nung party ahahah. Never pala ah" hala shet nakalimutan ko yun. Hindi ako nakapag salita, wala akong masabi. Oh my ghad brain cells please workkk!!!! "You done with your coffee?" biglang change topic nya. Hayyyy salamat naman.

"Umm oo, I'm done. Thank you. I think I should go ahead and about what I said sa party forget about it."

"You're always welcome Arianne. and about what you said, Arianne, you're not hard to love. I love you nga eh. Pero sorry I only love you as a friend sorry talaga. I hope we can still be friends."

"I understand na hindi mo ako gusto, pero friends? Hindi ko matatanggap yan. It's my feelings and I show and do what I want, kaya Brandon sorry hindi ko matatanggap na friends lang tayo. I will make you feel my love gagawin ko ang lahat para makita mo kung gano kita kamahal. At sisiguraduhin ko na sa huli magiging akin ka. " at tuluyan ko na siyang tinalikuran

BRANDON's POV

Nagkalagnat ako this past few days. Pero okay lang naman kasi nakikita ko naman siya araw-araw dahil inaalagaan nya ako sweet talaga ng girlfriend ko. 

"Babe?" tawag nya sakin. Andito na pala siya

"Hi Babe! I missed you." at hinalikan ko siya sa noo

"Miss agad? Nagkita naman tayo kanina babe"

"Miss padin kita eh. Ikaw ba di mo ba ako miss? Di mo na ba ako mahal?"  tapos nag pout ako

"Miss syempre. Ito naman babe ko. I love you so much babe. Uminom ka na ba ng gamot mo?"

"I love you too babe. Oo uminom na ako papasok na din ako bukas." Ilang sandali pa lang ay bumalik na siya sa school kasi lunch break lang nila ngayon kaya kailangan nya ng bumalik para hindi din siya mahalata.

Oo may girlfriend na ako at tinatago namin yun kasi hindi pa kami ready ipaalam sa lahat. Lalo na ngayon na nalaman ko na may gusto pala si Arriane sa akin ayaw ko siyang saktan. Ayaw ko sayangin ang friendship namin. Kaya kung sino si girlfriend ko akin lang muna yun. 

Wala akong ibang magawa dito sa bahay kaya natulog muna ako.

*Blaggg*

Bigla akong nagising kasi may narinig akong ingay sa labas. Nagmamadali akong tumayo at lumabas. Hindi ko namalayan naka boxers lang pala ako at pinapawisan ako kasi binalakan naman ata ako ng lagnat.

"Ba-" sasabihin ko na sana pero si Arianne ang nakita ko muntik na yun ah.

"Arianne? What are you doing here?" 

"Ah-ah ka-si a-a-ano ilang araw ka na kasing h-hindi pumapasok" naiilang na sagot nya, naka boxers lang nga pala ako kaya dali dali kong sinuot yung tshirt na sinampay ko doon sa upuan

" Oh, yeah, I've been sick these past few days kasi and I don't wanna go to the hospital kaya yun nag rest muna ako dito sa bahay"

"Ahhh ganon ba? Ba't wala kang kasama? Sinong nag aalaga sayo?"

"Pinag day off ko lang sina manang uuwi din yun mamaya."

"Ahh okay. Now that I know you're fine, I'll go ahead na bye Brandon"

"Wait" Hinablot ko siya kasi gusto ko sanang pag usapan muna namin ang tungkol sa nangyari nung party. Dahil don napasandal ko siya sa pader. 

"Br-randon" Pinikit nya yung mata nya. Ano bang iniisip ng babaeng to?

"Open your eyes" 

"You're blushing" ang cute nya hahha, pero sorry Arianne may mahal na ako

"Hu-huh? Hindi no!"

"Okay, if you say so. Coffee muna tayo bago ka umalis, papasok na din ako bukas."

"Okay sige"

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya na hindi siya nasasaktan. Isa din kasi siya sa mga importanteng babae sa buhay ko

" So you like me, huh?" yun lang naisip ko para ma open up ko yung topic na yun

"Me? Like you? Never!" nagsinungaling pa siya

"Really? Kaya pala nag confess ka sakin nung party ahahah. Never pala ah" hindi siya sumagot kaya nag change topic ako. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko na ba talaga ngayon "You done with your coffee?" 

"Umm oo, I'm done. Thank you. I think I should go ahead and about what I said sa party forget about it." ito na ang tamang panahon. Sorry talaga Arianne

"You're always welcome Arianne. and about what you said, Arianne, you're not hard to love. I love you nga eh. Pero sorry I only love you as a friend sorry talaga. I hope we can still be friends."

"I understand na hindi mo ako gusto, pero friends? Hindi ko matatanggap yan. It's my feelings and I show and do what I want, kaya Brandon sorry hindi ko matatanggap na friends lang tayo. I will make you feel my love gagawin ko ang lahat para makita mo kung gano kita kamahal. At sisiguraduhin ko na sa huli magiging akin ka. "

Hindi na nya ako hinintay na makasagot pa at umalis na siya.

Sorry talaga Arianne kung wala lang siya, baka pwede din na mahalin kita. Gusto sana kita noon Arianne pero dumating siya sa buhay ko. Sorry Arianne, but you're too late.

---------------------

P.S. Papalitan ko po ng Alexander Cross yung pangalan ni Cross may naalala kasi ako sa Raven eh hehehhe thankyou guys mwah. I know na napakatagl kung mag UD pero i hope na babasin nyo padin book ko thankyou sml for you guys!

The Sudden Effect of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon