Cross' POV
Kasama ko si Kate ngayon manunuod ng sine, I did not expect na sasama siya sa akin.
Pagdating namin sa cinema ay may tatlong showing na movies. Dalawang Horror at isang Action.
Yessss galing naman tadhana!
"Oh ano na Kate? Anabelle: Creation, Conjuring 2, or Kingsman: The Golden Circle?"
Ilang saglit pa bago siya nag desisyon
"Anabelle: Creation nalang" ani nya at nag smirk ako. "Oh bakit Alexander Cross Ramirez? Takot ka ba?"
"Isang Cross, matatakot? Baka ikaw? Wag mo akong hawakan mamaya ha. Baka gusto mo lang dumikit sakin no, kaya horror pinili mo?" sagot ko at nginisihan siya
"Wow naman! kapal mo naman no? Hindi napanuod ko na yung Kingsman: The Secret Service kaya yan ang pinili ko. Baka ikaw dumikit sakin mamaya ha? Bakla" at pumila na siya para kumuha ng ticket
'Bakla pala ha' nasabi ko sa isip ko at sinundan siya
Malapit na mag simula ang movie kaya hindi na kami nag aksaya ng oras at binilisan namin ang pagbili ng popcorn at soda.
Nasa upper right corner kami pumwesto dun sa pinaka taas na wala masyadong tao. Ilang saglit lang ay nag simula na magpalabas ng trailers.
T*ngina nato, sa totoo lang takot talaga ako. Oo, isang Alexander Cross Ramirez duwag sa mga horror movies. Kaya nung nagsimula na yung movie umusog na ako ng konti papunta kay Kate.
Kate's POV
Mga 15 minutes na ang lumipas at napapansin kong pinapawisan si Cross at parang takot na takot siya.
"Huy Cross, anong nangyayari sayo? Ba't pinapawisan ka?" pabulong kong tanong sa kanya
"Ha? Wala lang to, ang init kasi" Parang nagugulat na sagot nya at natawa naman ako
"Anong mainit? Ang lamig nga eh, malapit naman tayo sa aircon ah"
"Oh? Ba't natatawa ka?"
"Wala, manuod nalang tayo"
Nakakatawa naman to si Cross, nahahalata ko na takot talaga siya kasi kapag may mga scene na nakakagulat ay humahawak siya ng mahigpit sa kamay ko at napakalamig pa nung kamay nya hahahah. Akala ko matapang siya yun pala mayabang lang.
Natapos na ang movie at hinintay namin na lumabas ang ibang tao bago kami lalabas. Napag desisyonan namin na mag Timezone muna kami bago mag dinner at umuwi.
"Sino ngayon ang dikit ng dikit. Bakla" pabulong kung sabi para hindi nya marining
"Anong sabi mo?"
"Wala. Tara na?" Natatawa kong sagot at nagtungo na kami sa timezone
Hindi ko na expect na si Cross ang makakasama ko na manuod ng sine at gumala ngayon kasi I never really thought na magkakasundo kami.
Actually, I already know him, palagi kong naririnig ang pangalan nya mula sa mga bibig ng mga babae, kasi ang gwapo daw ni Cross, ang sweet daw ni Cross and all. Gwapo nga naman siya pero mas gwapo parin si Brandon hihihi. Well known na playboy si Cross sa school namin, parang laruan lang sa kanya ang mga babae yung parang kung ayaw na nya papalitan nya agad-agad.
Pero though ganyan siya okay din naman siyang kasama. Sumama din ako sa kanya ngayon para you know I can get some informations about Brandon's type. Yeah, that's why. I wanna get close to him, to get Brandon's heart. I didn't think it would be this easy to be with him because you know dami nya kayang girls na nakapalibot. But girl, its Kate Arianne Alverez here. No boy can ever reject being a friend with someone like me.
BINABASA MO ANG
The Sudden Effect of Falling
RomanceKate Arianne Alvarez is the only daughter of a very rich, well-known family. She already has everything except true love. She only likes to chase boys and everything in between. Will she have a happy ending? or Will she continue to be non-commital?
