August 21, 2017
Second day ng Foundation day, gaganapin rin ang kauna-unahang pageant na kinabibilangan ng mga representative sa iba't ibang paaralan, kabilang sa contestant ay si Denise na representative naman ng E.H.U, si Jasmine na siyang representative ng F.U.
Abala ang lahat para sa gaganaping pageant, hindi rin mahagilap ang Dace dahil may kanya-kanya silang pageensayo para sa concert nila mamaya. Si Ayu at Jeremy naman ay kasalukuyang tumutulong sa pag didisenyo ng stage, sila kasi ang nakatoka doon.
"Jeremy may balloons pa ba diyan?" tanong niya habang pinapalobohan ang kukay puting lobo.
"Wala na, sandali lang kukuha lang ako"
"Ako nalang, tapusin mo nalang ito" itinali nalang ni Ayu ang lobo at tumayo na.
Iniwan nalang niya doon si Jeremy dahil mas mabilis gumalaw ito kumpara sa kanya, patakbo siyang nag lalakad dahil sa pangalawang building pa niya makukuha ang mga kakailanganing gamit sa pag didisenyo.
Medyo masikip rin kasi ang hallway dahil kaliwa't kanan ang mga booth na nandoon at saka marami rin kasing dayuhan.
"Excuse me"
Nakahinga siya ng maluwag ng marating na niya ang College building, tinungo niya ang third floor at sobrang pagod na pagod na siya, napahawak siya sa dibdib niya at napaupo sa hagdanan, huminga siya ng malalalim at ginamit ang inhaler niya, mahirap na baka atakihin na naman siya.
'Isang hakbang nalang, kaya ko 'to'
Nang marating niya ang third floor ay tinungo naman niya ang storage room, madilim at sira pa ang bulb kaya napilitan siyang ilabas ang phone niya. Nilapitan na niya agad ang Boxes at nang buhatin na niya ito ay bigla nalang nag sara ang pintuan, napatakbo siya doon at pilit na binubuksan, it seems like they lock it from the outside.
"Help!!" patuloy parin siya sa kakapalo sa pintuan ngunit tila walang nakakarinig sa kanya, malakas ang kanyang pag hinga, pinagpapawisan narin siya, she has a nyctophobia, hindi niya kaya ang mag tagal sa dilim dahil feeling niya ay bumabalik lang ang lahat"Help!! M-e! Please..."
***
Nag lalakad si Ace habang nakapamulsa ito at nakasaksak sa tenga niya ang earphone niya, wala ang Dace kaya siya lang ang mag-isa, paakyat na siya ng fourth floor ng may mapansin siya, kinuha niya ito at tinignan ang loob. Bag nga iyon ni Ayu, nakaramdam siya ng kakaiba kaya agad siyang bumalik sa third floor at inisa-isa ang mga classrooms hanggang sa marating niya ang storage room.
"Hello!! Ayu!! Nandiyan ka ba?" no reponse, I tried to kick it but he failed"Fck!"
Tumakbo siya patungo sa may fire estiguisher at agad na bumalik, ginamit niya iyon para masira ang lock ng nasabing kwarto, nang mabuksan na niya ay tumambad sa kanya ang walang malay na si Ayu.
Agad niya itong binuhat na pang bridal style at dinala sa clinic, buti nalang ay nag kataong nandoon ang school nurse nila, ewan niya ba pero sobra ang naramdaman niyang pag aalala kay Ayu.
"How is she nurse?"
"She's fine, kailangan lang niyang mag pahinga" napahilamos sa mukha si Ace at pumasok sa loob, wala paring malay si Ayu.
Umupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang natutulog nitong mukha, she reminds him of the past.
"Sino ka ba kasi Ayu?" bulong niya at inilapit pa ang kanyang sarili sa dalaga, hinawakan niya ang kamay ni Ayu at napadukdok siya sa bed"Wake up, may gagawin pa tayo"
BINABASA MO ANG
Seven Jerks and Me
Teen Fiction"Although my mind forgot about you, I still never forgot the love that I feels about you" -Ezekiel Ace Montefalco