Chapter 18

718 28 3
                                    

Naglalakad si Travis patungo sa Practice room, walang masyadong estudyante ngayon dahil walang pasok ang mga nasa lower year, as usual, mukha na naman siyang modelo habang nag lalakad.

"Waah! Ang gwapo niya"

"Papicture tayo"

"Ang landi niyo"

Napatingin si Travis sa mga babaeng nasa paligid niya at kinindatan ang mga ito kaya naman ay nag wala na naman ang mga puso nila. Napasmirk nalang siya at tinungo na ang practice room, dahan dahan niyang pinihit ang door knob at tumambad sa paningin niya ang sumasayaw na si Francine.

She so d*mn hot

Tumigil ito sa pag sayaw at napatingin sa gawi niya, kumunot ang noo ng dalaga ng pumasok na si Travis, nakatitig parin kasi sa kanya ito na tila ba ay hinuhubaran na siya.

"Tigil tigilan mo nga ako Travis, hindi ka nakakatuwa" saad niya habang nag lalakad si Travis papunta sa kanya, paatras rin siya ng paatras hanggang sa wala na siyang mapapag-atrasan."Isa!"

"What about me courting you? Hindi ka parin ba payag?" ginamit ni Travis ang bedroom voice niya upang akitin si Francine pero sorry nalang siya dahil balewala lang iyon sa dalaga, man hater ito at alam na alam niya ang mga galawang ipinapakita ni Travis"So?"

"Alam ko na ang ugali niyong mga playboy, huwag mo akong itulad sa mga naging babae mo na nag pakatanga para sayo" sabi niya at itinulak si Travis, sumeryoso naman ang mukha ni Travis"Pwede ba? Busy ako" hinawakan ni Travis ang pulsuhan ni Francine kaya napatingin sa kanya ng masama ang dalaga

"Can you please atleast give me a chance to prove that I'm serious about what I'm saying? Oo, inaamin ko, Playboy ako pero Francine, may puso rin ako at kayang mag mahal...playboy have a heart too" binitawan na niya si Francine"Kahit na ayaw mo, liligawan parin kita" nanatili lang nakatingin sa kanya si Francine, hindi niya ineexpect na ganun mag salita si Travis, nag iba kasi, sumeryoso

"Sorry" sabi niya at nag tungo sa gilid kung saan naroroon ang bag niya, kinuha niya iyon at hinanap ang bimpo, nang mahanap na niya iyon ay pinunasan na niya ang kanyang mukha."Takot lang kasi akong masaktan ulit kaya pasensya na Travis, hindi ko parin kayang pagkatiwalaan ka"

"Okay lang, naiintindihan ko" lumapit si Travis sa kanya"Kumain ka na ba? Tara, libre kita"

"Libre?" tumango siya"Sige ba!"

***

Mag-isang kumakain si Jhanica, wala siyang pasok kaya buong mag hapon siyang nakahiga sa kwarto niya, iniisip parin niya kung paano nga ba matutulungan ang Dace na mahanap yung BL na iyon.

"Wala ka bang plano ngayon?" tanong ni Jasmine habang nakahawak ng maliit na salamin.

"Wala"

"Boring naman" saad niya at binuksan ang tv, sakto namang kdrama ang panood kaya hindi na muling nag reklamo si Jasmine."Ang gwapo niya talaga" nag dedaydream na saad niya habang nakatitig kay Lee min ho.

"sino ba 'yan?" inosenteng tanong ni Jhanica sabay subo sa kinakain niyang Ice cream

"Tao ka ba talaga? Sikat na artista yan hindi mo kilala?" Jhanica just rolled her eyes, magsasalita pa sana si Jasmine pero biglang tumunog yung phone ni Jhanica"Palibhasa masyado kang nakatutok kay Prince mo kaya ka laging walang alam sa mundo"

"Sshh!" nag act naman si Jasmine na izinipper ang bunganga niya

[Hello? Bakit ang bagal mong sagutin?]

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon