Chapter 26

532 23 0
                                    

Papunta ngayon ang Dace sa probinsya, masaya ang mga ito habang nasa byahe dahil nga makikita na nila ang matagal na nilang hindi na kikita.

"Bibigyan ko siya ng maraming jokes pagkarating natin dun, I'm sure the he already miss it" excited na sabi ni Angelo

"Huwag mo ng planuhin yan Baba baka mamatay lang siya sa kakornihan mo" saad naman ni Travis na nag pawala sa ngiti ni Angelo

"Gustong gusto niya yung jokes ko palibhasa pandak"

"Tumahimik nga kayo" pag sita ni Francis sa dalawa

"Yan galit na si Francis de gilagid pft" sabi ni Dexter na pinipigilan lang ang tawa"Anyway, dalawin narin natin si Khaila pareha lang naman sila ng ospital ni Calvin"

"Sige sige!" excited na sabi nilang lahat maliban kay Francis na natutulog,kay Gray na hindi umiimik at kay Ayu na nakatunganga lang.

"Bakit ba hindi sumama si Ace?" tanong ni Gray sa tatlo

"Ewan, may importante daw siyang gagawin pero susunod nalang daw siya" si Travis na ang sumagot sa tanong ni Gray"Pwede bang makipag palit sayo Gray?"

"Okay" nag palit sila ni Gray ng upuan kaya ngayon ay katabi na niya si Ayu

"Ayu" tinapik niya ang dalaga dahil wala ito sa kanyang sarili"Are you sure that it's okay with you?" tanong niya, tinutukoy niya ay ang pag punta ng Dace sa kuya niya, noon kasi ay ayaw ni Ayu na makita nila ito kaya nakakapanibago lang na hindi tumututol ang dalaga.

"Oo naman"

"Thank you Ayu"

"Walang anuman Travis"

"Babe nalang tawag mo sa akin"

"Mukha mo"

"Gwapo"

Nang makarating na sila ay dumiretso na agad sila sa kwarto ni Calvin, si Denise na ang nag bukas ng pintuan para sa kanila, sakto namang gising na si Calvin ng pumasok ang mga ito.

"Kuya" agad na niyakap ni Ayu si Calvin, hindi narin niya napigilan ang luha niya at kusa nalang iyon pumatak sa pisnge niya"I missed you kuya, buti nalang gising ka na"

"Ah Ayu" panimula ni Dexter at nagkatinginan pa sila ni Dennise"Calvin is suffering" agad na humiwalay sa yakap si Ayu

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi siya makapag salita, kumbaga loading" bumagsak ang balikat niya ng marinig iyon.

"Ayu tutulungan naman natin siyang gumaling di ba?" pag chicheer up ni Angelo"Hoy Francis, tulog ka na nga buong byahe matutulog ka pa diyan" agad namang bumangon si Francis at nilapitan si Calvin

"Bro" tinapik niya ang braso nito pero walang response si Calvin, nakakunot lang ang noo nito na nakatingin sa kanila

"Kailan pwedeng ilabas si Calvin?" tanong ni Gray kay Denise

"I think next week" napabuntong hininga sila"Dexter pwede mo ba akong samahan?"

"Saan?"

"Basta tara na" hinatak na siya ni Denise kaya wala na siyang nagawa.

Tumahimik ang buong paligid, tanging pag hikbi lang ni Ayu ang naririnig nila. Hinawakan ni Ayu ang kamay ni Calvin.

"Kuya come back to me now, mag pagaling ka na please" mas lalo siyang naiyak ng hawakan no Calvin ang buhok ni Ayu na tila ba ay may gustong sabihin si Calvin..

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon