Epilogue

801 34 13
                                    

Graduation day na nila at kasalukuyang umaakyat ngayon ng stage ang mga estudyante upang kunin ang kanilang mga medalya, ang buong Dace ay nag tabi-tabi maging si Ayu, Beatrice, Jeremy, Jasmine at Francine ay nag tabi naman sa dulo.

Lahat sila ang excited dahil ngayon narin mismo ang kabuwanan ni Michelle, kay tagal rin nilang hinintay ang araw na ito, at kapag matapos na ang seremonya ay didiretso narin sila sa ospital kung saan nakaconfine ngayon ang dalaga.

Napag alaman nila na anak nga talaga ni Gray ang ipinagbubuntis niya dahil hindi alam ni Gray na may nangyari pala sa kanila noong pareha silang nalasing, masaya ang mga ito dahil doon.

"Sayang si Jc, naku! Ililibre ko pa mandin siya" saad ni Jeremy na naka'pout sa tabi ni Ayu

"Tumahimik ka nga diyan! Hindi pa nakakamove on si Ayu" pag sita naman ni Beatrice kaya mas lalo itong napasimangot

"Matagal na akong naka move on noh, at saka kung nasaan man siya ngayon, paniguradong masaya na siya at nasa payapang lugar na ngayon" nakangiting sabi ni Ayu, mag sasalita sana si Francine ngunit rinig niyang tinawag ni Travis ang kanyang pangalan.

Napako ang tingin niya sa may stage, hawak-hawak ni Travis ang mic at nakangiti kay Francine. Agad naman siyang tinusok tusok sa tagiliran ng dalawang nasa pagitan niya, si Ayu at si Jasmine

"Tumigil—"

"Unang una sa lahat, Magandang hapon ss inyo...Francine" napalunok si Francine ng mapansin niyang nakatingin sa kanya ang halos lahat ng tao ngayon

'Mamaya ka lang Travis' banta niya habang nakatingin kay Travin ng sobrang sama ngunit hindi iyon ininda ni Travis.

"I would like to announce to all of you that Francine and I are now in a relationship, gusto niyo bang malaman kung paano ko siya niligawan?" napafacepalm nalang sila Ayu ng sumagot ang mga estudyante ng 'oo'"Well, ginamit ko lang naman ang charms ko, at saka sa kagwapuhan kong ito? Hindi niya ako sasagutin? Nah! Imposible—aray! Aww!! Masakit" sinugod na siya ni Francine at piningot ang tenga nito pabalik sa kinauupuan kanina ni Travis

"Pinapaalala ko, graduation ito at hindi oras ng pag aannounce ng walang kabuluhang bagay" napangiti lang ng nakakaloko si Travis

"Kinilig ka lang" ayun naka tanggap na naman ng malakas na batok ang binata.

Padabog na bumalik si Francine sa kanyang dating pwesto at nag cross arms pa, buti nalang ay tinawag na siya ng Emcee para kunin ang diploma niya.

Napansin naman ni Ayu na nagiging haggard na ang mukha niya kaya naman ay nag tanong siya sa mga babaeng kaibigan kung may polbo ba sila ngunit ni isa ay walang nag dala.

"Foundation lang meron ako at lipstick, gusto mo?" nag tatakang napatingin siya kay Jeremy, iniisip nito kung bakit nga ba may ganoon siya eh sa kalalake niyang tao, feeling niya may ibang kasarian ito na tinatago lang niya"Anong tingin yan sis? Naku! Mag tatapat na nga ako, baklesh ako!"

"Huh? Kailan ka pa naging bakla?" hindi makapaniwalang tanong niya, napatingin tuloy sa kanila ang iba.

"Sinong bakla?" singit ni Jasmine

"Akesh, alam niyo, matagal na talaga ito, simula nung nakita ko si Papa Angelo ayun, crush ko na siya—"

"Gaga! Huwag kang malandi" saad ni Beatrice, halatang nag seselos ito dahil boyfriend niya ang tinutukoy nito.

Inilahad nalang ni Ayu ang kanyang kamay at iniabot nga ni Jeremy ang make up kit niya.

"Akala ko ba lipstick lang at foundation ang meron ka" hindi makapaniwalang sabi niya habang hinahalungkat ang maliit na bag, nag lalaman lang naman kasi ito ng iba't ibang uri ng lipstick, may eyeliner pa.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon