Habang nanonood si Ayu sa sala nila ay napapatingin siya kay Gray na nasa tabi niya, pansin niya kasing hindi ito mapakali at kanina pa nakatunganga na tila ba ay may malaking problema. Kumuha siya ng tinapay sa lamesang nasa harapan niya at inilahad kay Gray, sa halip na kunin iyon ni Gray ay tinitigan niya ito.
"Anong gagawin ko diyan?" Ayu rolled her eyes.
"Duh! Malamang kakainin mo, lutang ka kanina pa, may problema ka ba?"
"Wala" tumayo na si Gray at tumungo sa mag hagdanan, paakyat na sana siya sa taas pero may bigla siyang naalala."Ayu"
"Bakit?"
"May klase ba kayo sa lunes?" napaisip naman si Ayu
"Wala na, ano ka ba? Retreat natin noh kaya wala ng klase that time, ang weird mo ngayon kuya, mas weird ka pa kay Khalil" napailing iling nalang si Gray at tuluyan ng umakyat sa kwarto niya.
Kinuha niya ang phone niya sa tapat ng bed niya at agad na hinanap ang number ni Ace at tinawagan ito, nakailang ring ito bago niya sagutin.
[What?]
"We have to meet somewhere, I have something to tell you in regarding our target"
[ok]
"I will text you the address"
[K]
*toot toot toot*
Nag palit lang siya ng damit at bumaba narin, rinig pa niyang tinawag siya ni Ayu pero hindi na niya ito pinansin at ng dahil doon ay mas lalong nag taka si Ayu, pag kalabas na pag kalabas ni Gray ay agad na sumunod si Ayu, hindi na niya na isara ang gate dahil sa kamamadali, pumara siya ng taxi at agad na sumakay doon.
"Kuya pakisundan nalang yang kotseng itim" tumango lang ang driver, napahawak nalang ng mahigpit si Ayu sa shirt niya, hindi niya kasi maintindihan ang nararadaman niya, kinakabahan siya sa kung ano man ang mangyayari, lalo na't iba ang kutob ni Ayu kay Gray."Kuya pakibilisan"
Lumiko ang sinasakyan ni Gray kaya lumiko rin sila, sinusundan lang nila si Gray hanggang sa makarating sila sa isang lugar na ngayon lang napuntahan ni Ayu, ito ay isang building na mukhang may kalumaan pero hindi naman siya sobrang luma, kumpara sakto lang. Nag bayad na siya sa taxi driver at lumabas narin, nakita niyang pumasok si Gray kaya sumunod rin siya, isang malawak na hallway ang sumalubong kay Ayu.
Papasok na sana siya sa isang kwarto pero agad na may tumakip sa ilong niya, she tried to let go but she failed, may naamoy siyang something na nag pawala sa ulirat niya."I'm sorry"
***
Dirediretso lang si Gray hanggang sa makarating siya sa room 256 kung saan doon siya makikipag kita kay Ace, nang makapasok na siya ay naabutan niya si Francis na hawak-hawak ang isang lalakeng pinaniniwalaang kasabwat ni Bl.
Nakipag fist bump sila at nag sindi ulit ng isang sigarilyo si Francis pero ng isusubo na niya ay inagaw iyon ni Ace na kararating lang.
"Jasmine already told you to not take a cigarette like this" itinapon niya sa isang sulok ang sigarilyo at inapakan iyon."So? Who is this guy?"
"Kasabwat siya ni Bl, siya ang nag papadala ng death threat—" hindi na natapos ang sinasabi ni Francis ng bigla nalang suntukin ni Ace yung lalake.
"fck you!" agad na pinigilan ni Gray si Ace at inilayo ito sa lalakeng bugbog sarado na kay Francis kanina."Let.go. sht! Take him out of here" Tinawag ni Francis ang butler niya at sila na mismo ang bahala sa lalake.
BINABASA MO ANG
Seven Jerks and Me
Teen Fiction"Although my mind forgot about you, I still never forgot the love that I feels about you" -Ezekiel Ace Montefalco