Chapter 21

611 19 2
                                    

Nag lalaro mag-isa si Jasmine ng basketball malapit sa subdivision nila Gray, wala siyang magawa kaya siya naglalaro doon, para narin makapag bawas siya ng timbang, pansin niya kasing tumataba na siya.

Nakailang shoot na siya pero ni isa ay hindi niya pa na papasok sa ring, medyo naiinis narin siya dahil doon.

"Nakakainis naman" saad niya at binalibag ang bola tumalbong iyon hanggang sa pintuan, pumasok naman si Francis at pinulot yung bola"Francis? Anong ginagawa mo dito?"

"Mag swiswimming siguro" sarkastikong saad ni Francis kaya napa'pout siya, mula sa kinatatayuan ni Francis ay ibinato niya ang bola at na ishoot nga iyon sa ring

"Waah!! Ang galing mo talaga" lumapit siya at pinulot ang bola, ibinigay niya iyon kay Jasmine"Anong gagawin ko dito?"

"Kainin mo baka sakaling tumaba ka lalo" napairap nalang si Jasmine at sinubukang ishoot iyon pero failed

"Hindi ko alam"

"Tsk! I will teach you" natunganga si Jasmine ng bigla siya nitong hawakan sa kamay, ipinahawak ni Francis ang bola sa kanya at itinuro kung paano ang gagawin niya, kung titignan ang posisyon nila, parang naka back hug si Francis sa kanya kaya sobra nalang silang kinakabahan, ni wala siyang naintindihan sa itinuro ni Francis dahil nakatitig lang siya sa kanya"Try to shoot"  sinubukan niya ngang ishoot iyon at naishoot nga sa ring, nanlaki ang mga mata niya dahil doon

"Waah!! Ang galing!! Thank you!!" tumango lang si Francis at ngumiti"Teka! Ngumiti ka? Naku napapadalas na ang pag ngiti mo, okay na ba talaga kayo ni Brienica" napatitig lang sa kanya si Francis, iniisip nito kung bakit nga ba siya masaya kapag nakikita niya ang dalaga

"no we're not, mahal ko parin siya at mamahalin ko siya mag pakailanman" nawala ang ngiti ni Jasmine ng marinig iyon mula kay Francis, naramdaman niyang nangingiligid na ang mga luha niya sa mata kaya tumalikod na siya at agad na pinunasan iyon.

"Mag laro ka na muna diyan, mag papahinga lang ako" umupo siya sa bleachers at pinunasan ang tumutulong pawis, pinag masdan pa niya si Francis habang nag lalaro.

'Mahal na siguro kita Francis pero gaya nga ng sinabi ni Jhanica, imposibleng magustuhan mo ako kasi nga nasa puso mo parin si Brienica' bulong niya at ngumiti ng pilit.

Pinanood lang niya si Francis hanggang sa mapagod ito at umupo sa tabi niya, pawisan na siya kaya kinuha niya ang malinis na bimpo at pinunasan ang mukha nito.

"Mag kakasakit ka kapag natuyuan ka ng pawis" napatitig si Francis sa kanya.

"Why do you always cared about me?" nakakunot ang noo nito.

"Because you are my friend"

***

Katatapos lang mag linis ni Ayu ng bahay, pagod na pagod na siya kaya napag desisyunan niyang kumain muna. Walang nag paparamdam na Dace sa kanya ngayon dahil nga may kanya-kanyang lakad, si Khalil ayun nasa probinsya na naman kasama niya si Dexter, ganun din si Travis at Angelo na nag eensayo ng sayaw, si Gray? Hindi niya alam kung nasaan at mas lalong hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo nag punta si Ace.

"Nasaan kaya yung Ilongo na yun?" tanong niya ng maubos na niya ang pancit canton niya, napailing nalang siya at tinungo ang kwarto niya para maligo na.

Nang magawa na niya lahat na dapat gawin ay bumaba narin siya, suot niya ang cap niya, nakashort rin siya at t-shirt na para bang nag mukha siyang lalake sa itsura niya. Kinuha niya ang bike at sumakay na siya doon.

Habang nag babike siya ay nakasalubong niya si Jeremy na ngayon ay nag babasa ng libro habang nag lalakad, hindi nga siya napansin nito kaya sinundan niya nalang.

Seven Jerks and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon