Kabanata 7

85 1 0
                                    

Kabanata 7

"Mas okay 'to kesa sa pinili ni Fantine diba?" Inayos niya ang laylayan ng dress Kong maroon. May criss-cross siyang laces sa bandang dibdib ko. It's is really revealing.

"I'd rather choose Fantine's choice," utas ko.

Her choice is a boyfriend jeans, three-fourth checkered long sleeves and timberlands.

I covered my boobs. "It's too revealing Ramon!" Angal ko.

Napatingin siya sa akin at umirap. "Casual wear ba yun? Hindi ka mananalo for sure!" Pagsesermon niya. "Huwag mong ibababa ha? Masisira," tukoy niya sa laylayan ng dress ko na kanina ko pa binababa.

Sumimangot ako. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Smokey eyes make-up daw ang style ko ngayon at nakapusod naman ang kinulot niyang buhok ko.

"Alam mo, ang dami mong rekalmo. Ang laki ng boobs mo, ang liit ng bewang mo at ang puti mo pa. All girls will pay dollars just to get those," Aniya at nangalumbaba habang pinapanood ang reaksiyon ko.

I heard few knocks on the door. "Come in!" Sigaw ko.

Sumilip sa pintuan ang isang babae, mukhang organizer ng event na ito. "Mags-start na po ang casual wear portion," sabi niya at agad na isinara ang pintuan.

Sinuot ko na ang strappy heels ko na bigay ni Ate Zoe, isa sa mga pinsan ko na malapit Kay Mona.

Nagdasal muna ako bago ako rumampa papuntang stage. I immediately smiled as the crowd roared into life. I can see Toni holding a banner sa harap, with her is Ross' friends. There's no Ross to be seen.

I didn't let it affect me. Instead I smiled wider. "Josephine Loraine Mallari, Nursing Department," pagpapakilala ko.

Pagbalik ko sa backstage ay tumungo agad ako Kay Mona. He was giving me two thumbs up and a smile.

Talent portion na kaya pinagbihis ulit ako ni Mona. He decided to put a sleeveless shirt as my top and entwined the checkered long sleeves on my waist. Pinagshorts din niya ako ng denim at pinasuot ng isaang black combat boots.

He smiled, "Rocker na rocker ang datingan ah?" Pang-uuyam niya.

Pinaikot ko ang aking mga mata, "I trust you that much Ramon Carlo," pang-uuyam ko din.

He doesn't want anyone calling him by his birth name. Kasi sobrang old-fashioned daw at sobrang panlalaki. Ramon Carlo Arellano is his full name but Toni named him Mona.

"Kanina ka pa diyan sa pangalan ko ha? Tantanan mo na ako diyan," Aniya at kinurot ang balikat ko.

Napabalikwas ako at umiwas. Pagkatapos namin ay bumalik kami sa backstage para magformation na. Nanonood kami ni Mona sa mga monitors kung ano ang nangyayari sa harapan. Nab-broadcast kasi yan all over gymnasium.

I saw some contestants danced, sang and do poi dancing. Ako na ang susunod since number 4 ako. I grabbed my guitar and went on stage.

I cleared my throat and breathed out before singing the first line.

Habang ako'y kumakanta, I noticed everyone's attention is on me. Walang maingay and walang boses na maririnig bukod sa akin.

It was a song of Ed Sheeran na sobra Kong favorite. Nagbow na ako after Kong kumanta at dumeretso sa backstage.

"2nd time ko na narinig yang boses mo," sabi ni Mona at parang kumislap ang kanyang mga mata.

Ngumiti lang ako nang pagbuksan niya ako. Evening gown na ang susunod so Mona showed her Tita Georgia's masterpiece. It is a stunning white serpentina gown with a slit up to the knees and flowery detailed top. Strappy din ang likod. May swarovski crystals din siya na kapag naiilawan ay kumikislap.

Unspoken LamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon