The Final Test 8

2.7K 49 7
                                    

Initiation Night

This is it!

Ngayong gabi magiging member na ako ng sorrority.One step up na naman ako sa mga plano ko.Nawala man sakin ang isang mahalagang parte ng pagkatao ko malaki naman ang kaipalit non.

"Welcome,sisters!"we all looked up to Mitchie.

Dito ginanap sa mansion nila Mitchie ang initiation night.Ang laki ng bahay este mansion pala nila.Nandito kami sa pool area,may pool party after ng ceremony to welcome the new members.Nasa isang mini stage si Mitchie sa dulo ng pool.Nasa left side kami ng pool while ang mga dati ng members nasa right side.

"Tonight we welcome the birth of our new sisters.They who have face and successfully overcome every test to be a part of our sisterhood."she gestured for a sorrority sister na lumapit sa kanya.

May hawak na isang jewelry box 'yung lumapit na sorrority sister.Mitchie took the box and open it.

"This necklace,"kinuha ni Mitchie ang laman ng jewelry box na kwintas pala,"will symbolize your ties with us.Wear it,always."

May mga babaeng di ko alam kung sino na lumapit samin.May dala silang parang tray na may cushion at doon nakalagay ang mga kwintas,same sa hawak ni Mitchie.Bumaba si Mitchie ng stage at kumuha ng isang kwintas sa tray.Lumapit sya kay Bettina,katulad kong bagong member ng sorrority,at sinuot ang kwintas dito.

"Welcome,sister."ngumiti si Mitchie kay Bettina at hinalikan ito sa pisngi.Then lumapit sya sa kasunod ni Bettina.

Paulit-ulit ang gawa ni Mitchie hanggang sa matapos kaming lahat.I was at the very back kaya ako ang pinakahuling nilapitan ni Mitchie.The necklace is silver.Ang pendant nya ay tatlo,a crescent moon,a book,and the first letter of my name,C.Paano nya kaya namemorize lahat ng first letter ng name namin?There's like 30 of us.

"Welcome.."nagpause si Mitchie and smiled at me."Celena,sister."then magkabilang pisngi ko ang hinalikan nya.

Nang umalis na siya sa harap ko saka ko lang napansin na nakatingin halos lahat sakin.They were all looking at me with curiousity.I don't blame them.I was the only one sa lahat ng binigyan ng necklace ang binanggit ang pangalan at hinalikan sa magkabilang pisngi.Hindi ko alam kung bakit ginawa 'yun ni Mitchie but i don't feel good about it.

"Now that you have all accepted the symbol of our sisterhood."sabi ni Mitchie ng makabalik sya sa mini stage."Let us celebrate!!"she shouted and took of the coat she's wearing to reveal a hot body in a skimpy red bikini.

Nagsigawan din lahat as a sign that they're agreeing.Napakunot ang noo ko ng mula sa loob ng mansion lumabas ang member ng fraternity nila Hunter.

"Oh shit!" i cursed in my mind.Seriously?Invited sila dito sa party namin?

I watch as their members and our members mix and mingle.Kumuha ako ng juice sa table kung saan nakalagay ang mga pagkain.I don't want to drink,actually scratch I don't drink at all.Ayoko ng nagugulo ang utak ko.Gusto ko palaging malinaw ang isip ko.I need to be ready for anything.

That time na nag-inuman kami ni Hunter pinilit ko lang ang sarili ko.Kaya nga ang bilis kong tinamaan non.

"Enjoying the party?"i stiffened when I heard his voice behind me.

Naramdaman ko ang hininga nya sa may punong tenga ko.I can feel every hair in my body rise.Napalunok ako.

"What do you need?"tanong ko kay Hunter while still facing the table.I fought to keep my voice even because just his presence is making me feel so..ah basta.Ginugulo nya ang sistema ko.

"Nakita ko kasing parang bored ka.Kaya I decided na paligayahin ka."hindi nakaligtas sa akin ang double meaning behind his words.

Humarap ako kay Hunter.I looked him up and down.Sheeemay!!Bakit ba ang gwapo ng lalaking 'to?He's wearing a blue board short and white sando.Bakat na bakat ang muscled chest and abs nya sa suot nyang sando.Pero syempre hindi ko 'yun sasabihin sa kanya.

The Final TestWhere stories live. Discover now