The Final Test 10

1.6K 51 9
                                    

"Ito pa,babe."nilagyan ni Hunter ng alimango ang plato ko."Masarap 'yan pero mas masarap ka pa din."bulong nya sa may tenga ko.

Tinignan ko sya ng masama.Nandito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa campus at nagla-lunch.

Kanina ng pinuntahan ko sya sa office nila ay agad nya akong niyayang maglunch.Hindi pa nga ako nakakapagsalita nahila nya na ako.

"Ano bang gusto mo,Hunter?"mahina pero madiin na tanong ko.Wala akong planong mag-eskandalo dito.Lalo na mukhang anak ng mayayaman ang mga kumakain dito.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo,babe."nakangiting sabi nya at patuloy sa paghimay at paglagay sa plato ko ng alimango.

"Wala akong planong makipaglaro sa'yo,Hunter.Nagawa mo na ang misyon mo sakin at ganoon din ako sa'yo kaya pwede ba layuan mo na ako."tumayo na ako.

"Celena."napahinto ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nagsalita.

May ngiti sa mga labi nya pero halatang pilit lang iyun at hindi umaabot sa mata nya.I felt my jaw clench and my teeth grind dahil sa pinipigil kong emosyon.

"Uncle."pagbati ko sa taong sinasabi nilang kamag-anak ko pero hindi ko naman kilala.

"It's been long,my dear niece."pinasadahan nya ako ng tingin mo ulo hanggang paa."At ang laki na ng pinagbago mo."

Gusto kong magsalita.Ang dami kong gustong sabihin sa taong sumira ng buhay ko.Pero parang na-freeze yata ang dila ko at hindi ko sya magawang igalaw.

Flashes of what happened to me pops in my mind.I could feel blood roaring in my ears.Tears starting to pool in my eyes.

*Flashback*

Mahapdi na ang mga mata ko sa kaiiyak.Ang bata ko pa pero ulila na ako.Alam kong dapat anak ang naglilibing sa magulang.Pero di ba dapat masaksihan muna ng mgulang na lumaki ang anak?

Hindi na makikita nila Mommy at Daddy ang graduation ko this March.

Hindi na nila makikita ang first day ko sa highschool.

Hindi na nila makikitang matapos ko ang college.

Ang dami naming pangarap pero lahat 'yun nawala.

Dahan-dahan akong bumaba para kumuha ng pagkain sa kitchen.Malalim na ang gabi at mukhang tulog na sila Yaya.Ayoko sana kumain pero magagalit si Mommy kapag nagpagutom ako.Kahit naman wala na sila alam ko binabantayan nila ako ni Daddy.

"Cheers!!"narinig kong masayang sabi ng boses ni Uncle Patrick."Sa wakas,wala na akong kaagaw sa lahat ng kayamanan."tumawa pa si Uncle.

"Paano 'yung bata?"tanong ng isa pang boses na hindi ko kilala.

"Hindi pa naman sya problema.Bata pa 'yun.Hindi pa makakaisip ng tungkol sa mga ganitong bagay."

"Eh paano pagtanda nyan?"

"Kung nagawa kong idispatsa ang kapatid ko.Makakaya ko ding idispatsa ang batang 'yan."

**

Hindi ko pa naintindihan ang mga narinig ko ng gabing 'yun dahil sa murang isip ko.Pero ng lumaki na ako saka lang pumasok sakin lahat ng meaning ng usapan ni Uncle at ng lalaki.

Wala na ako sa bahay namin at naibenta na iyun ni Uncle.Bumalik ako sa bahay na iyun at sinumpa kong babawiin ko lahat ng kinuha sakin.Pagbabayarin ko si Uncle.

Cliché right?Parang pangteleserye.Ganyan din ang naiisip ko dati.

Napalingon ako sa tabi ko ng maramdaman ko ang kamay ni Hunter sa waist ko.

"Do you know him,baby?"seryosong tanong nya sakin.Sa tingin ni Hunter alam kong sinusukat nya si Uncle Pat.

"Won't you introduce me,Celena?"he was looking at me as if challenging me.

Ipinaikot ko ang isang braso ko kay Hunter bago ko sinagot si Uncle.

"This is Patricio David,my father's younger brother."hindi ko sya pinakilalang Uncle ko dahil matagal ko ng ibinaon sa limot na may natitira pa akong kadugo.Para sa akin sila Mama Tess na ang pamilya ko.

"Her Uncle."i balled my fist and bite my tongue to prevent myself to lash out at this monster in front of me.

"Hunter Olivarez,sir,her boyfriend."pormal ang mukha ni Hunter ng iabot nya ang kamay kay Uncle for handshake.Kung kanina panay ang ngiti nya sa akin ngayon wala ng mababakas na emosyon sa mukha nya.

"Olivarez?Are you related to Herminio Olivarez,the owner of HO,inc.?"sparks of interest and greed in his eyes.

"Yes,sir."

Bumalik ang tingin ni Uncle Patrick sakin.

"Nagmana ka din pala sa ina mo.Magaling ka ding pumili."hindi nakaligtas sakin ang double meaning sa sinabi nya.

Humigpit din ang hawak ni Hunter sa waist ko.

"I think ako ang nakapili ng maganda,sir.Youre niece is a treasure and I think i'm really lucky to have her."tumaas ang tingin ko kay Hunter.

My heart clench with the way his looking at me.His eyes was full of tenderness and warmth.And something else na hindi ko kayang ipaliwanag kung ano.

Hindi ko napigilan ang sarili ko.I put my hands on Hunter's nape and pulled him down to me.I close my eyes and savor the taste of his lips on mine.

I don't know what got into me.I know people are looking at us but all that mattered now is this guy in my arms.The feel of his soft warm lips against mine.The electricty running from our lips to my toes.

"Eherm."i barely heard someone clearing his throat.Ayokong lumayo kay Hunter.Maybe na-gets nya 'yun kaya sya na ang unang humiwalay sakin.

"I think i'll get going.It was nice seeing you both."wala na ang ngiti sa mukha ni Uncle Patrick ng magpaalam sya.

We watch him leave the restaurant.

"Let's get out of here.Hindi ko na gusto ang tingin na binibigay ng mga lalaki dito sa'yo."bulong ni Hunter sa may tenga ko.

Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko ngang halos hubadan na ako ng ibang lalaking estudyante sa tingin pa lang.And as far as I know Hunter,malamang bigla syang maghamon.

"Fine,pero sa campus tayo."nag-umpisa na akong maglakad palayo.

I heard Hunter groaned in protest.

Maybe hindi naman masama ang pagbigyan ko ang gusto ni Hunter na maging kami.Maybe,just maybe,magwo-work kaming dalawa.

A/N:

Tantantaaaaannnnnnnn!!!!

Oh my ghaaaaddd!!Nag-UD si Ms. Author.ahaha

It's not as long as I promise pero sana pwede na sya people.Sorry ulit for the long wait.

Please VOTE and COMMENT.

Thank you sa patuloy na pagsupport.

Love,

Arra

#luvyahpeeps

The Final TestWhere stories live. Discover now