Napalingon ako sa cellphone ko na nakapatong sa may bedside table.Tumunog kasi ang message alert tone habang busy ako sa harap ng vanity mirror.Katatapos ko lang kasi magshower at matutulog na sana ako.Nakastress naman kasi mag-aral kaya syempre i need my beauty rest.
Tumayo ako at dinampot ang cellphone ko para basahin ang text.
From: Hunter
'Good evening,beautiful..'
I caught my breath as my heart started beating faster.
"Okay,breath in,breath out.Just relax,Cee.Text lang 'yan."huminga ulit ako ng malalim bago ako nag-type ng reply.
To: Hunter
'Good evening to you too..
:-)'Nakangiting inilapag ko ulit ang cellphone ko sa bedside table.
It has been a few weeks since that incident with Uncle Patrick.Pagkaalis namin sa restaurant dumiretso kami ni Hunter sa university.Hindi nya na ako tinanong kung bakit ganoon ang samahan namin ng kapatid ni Daddy and i'm thankful for that.I don't think ready na akong magpaliwanag sa kanya or mag-open up.Besides telling him that is like revealing my plans.
Hindi ko alam kung ano na ang meron kami ngayon.Pero mas madalas kaming magkasama sa university.Madalas din kaming lumabas after school or kapag weekends.
Katulad noong nakaraang sabado,akala ko magpapakaburo ako sa loob ng apartment at gagawa lang ng school works pero mali ako.Hunter surprised me.Arriving that Saturday night with a bunch of DVD's and some snacks.
Nagmovie marathon kami hanggang sa makatulog na ako.Pag-gising ko kinabukasan nakahiga na ako sa kama ko at wala na si Hunter.
Remembering that night brought a smile to me.Hindi ko kasi naisip na sweet pala si Hunter.
"It started out as a feeling
Which then grew into a hope
Which then turned into a quiet thought
Which then turned into a quiet wordAnd then that word grew louder and louder
Til it was a battle cryI'll come back
When you call me
No need to say goodbye"Kinuha ko ulit ang cellphone ko ng tumunog ang ringing tone ko para kay Hunter.Hindi ko alam pero kapag naririnig ko ang 'The Call' ni Regina Spektor naaalala ko si Hunter.
I swipe my finger on the screen to answer the call.
"Hello."bungad ko kay Hunter pagkasagot ko sa tawag.
Napatingin ako sa screen ng walang magsalita.
"Hunter?Hello?"sabi ko sa cellphone.
"Hey.."mahinang sabi nya.
"Hey,okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ko.Ang tahimik kasi nya,hindi ako sanay.
"Wala naman.Bakit mo natanong?"
"Wala."simpleng sagot ko.Masyado lang yata akong nag-iisip.Baka wala talaga syang problema.
Natahimik na naman si Hunter.
"Nagising ba kita?"maya-maya ay tanong nya ng di na ako nagsalita.
"Hindi naman.Hindi pa naman kasi ako natutulog."umayos ako ng upo sa kama ko.
"Ganon ba."
"Hmmm.."
Ilang sandali na namang katahimikan.Ano bang meron?Bakit ang tahimik ni Hunter ngayon?
"Celena..Can I..Can I see you now?"hindi agad ako nakasagot dahil sa tono nya.He sound so sad.Anong nangyari?Bakit malungkot sya.
"It's okay kung ayaw mo.Naiintindihan ko na--"
"Yes.."mahinang sabi ko.
"Huh?"
"Yes,you can see me now."napangiti ako."Hihintayin kita."then pinatay ko na ang tawag.
Mahirap tumanggi sa isang taong nangangailangan ng kausap.Alam ko kasi kung ano ang pakiramdam ng walang masasandalan.Kung gaano kahirap ang pakiramdam mo wala ka ng kakampi sa mundo.
Pinatungan ko ng robe ang suot kong nighties.Kahit naman nakita na ni Hunter lahat di naman ibig sabihin non kailangan ko ng maghubad sa harap nya.
Come to think of it,halos araw-araw kaming magkasama ni Hunter pero hindi na ulit sya nag-initiate na gusto nyang may mangyari samin.The thought na nag-ienjoy kami sa company lang ng isa't isa without sex is making me happy.Kahit pala hindi si Tom ang kasama kong lalaki mag-ienjoy ako.
After almost half an hour narinig kong may kumatok sa pinto namin.Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko para buksan ang pinto.The moment I opened the door and see Hunter's expression parang gusto ko syang yakapin.
"Hi.."bati nya sakin na may tipid na ngiti.
"Hey.."pinilit ko ding ngumiti para sa kanya."Halika,anong gusto mong inumin?"
Tumaas ang kilay ni Hunter sa tanong ko.
"What?"nagtatakang sabi ko.May nasabi ba akong masama?
"May himala ba?Ang bait mo kasi ngayon eh."amused na sabi nya.
I just smirked at that.I guess hindi naman talaga ganoon kalungkot si Hunter dahil nakakapagbiro pa sya.
"Fine.Nagbago na ang isip ko,hindi na kita igagawa ng maiinom."tumalikod na ako at iniwan sya sa may pinto.
"Don't leave me."napahinto ako ng mula sa likod ay niyakap ako ni Hunter.Ibinaon ni Hunter ang mukha nya sa buhok ko at hinayaan ko lang sya.Ipinatong ko ang mga kamay ko sa mga braso ni Hunter na nakayakap sa bewang ko.
Maya-maya pa ay tinanggal ko ang kamay nyang nakayakap sa akin at hinarap ko sya.I cupped his face with my hands.
"Whatever happened with my funny man?"pagbibiro ko.
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Hunter.Kinuha ni Hunter ang kamay ko sa may pisngi nya at hinalikan ang mga palad nyon.
"Wala lang 'to.I just wanna hold you."this time umabot na sa mga nya ang ngiti sa kanyang labi.
"Ang corny mo."tumatawang sabi ko at pabirong tinulak pa sya.Natawa din naman sya."Hintayin mo ako dyan.Kukuha lang ako ng maiinum at 'yung tira naming kakanin ni Tammy.Kumakain ka naman ng kakanin diba?"kunot-noong tanong ko.Syempre baka mamaya maghain ako di naman pala sya kumakain non.Sayang lang.
"Yeah.Pinapakain ako ni Grandma."inilipag nya ang suot nyang jacket sa isa sa sofa at umupo.
Hindi ko maiwasang sundan ng tingin ang paggalaw ng mga muscle sa suot nyang t-shirt.Bakat na bakat kasi sa suot nya.
Naman!!
Makatulo laway,lalag panty,luwa mata at kung anu-ano pa ang kamachuhan ng lalaking 'to!!To the highest level..!!
"Baka naman matunaw na ako nyan,David."he smirked at me.
"Dream on,Olivarez!!"I rolled my eyes and started walking to the kitchen.
Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Hunter.Kaya napangiti na lang din ako habang hinahanda ko ang pagkain namin.
Ngayon ko lang naisip,sexy pala kapag ang tawagan ay surname.hehehe
A/N:
Good evening madla!!!!!
Na-miss nyo ba ako?Sana naman oo.hehe
So ayan na nag UD ko sana magustuhan nyo.Medyo wala lang sya dahil i'm trying to get my writing on track pa lang.Tagal ko din hindi nag-UD diba?
Thank you sa support!!
Sa lahat ng followers!!
Good Night na po!! Hinabol ko lang 'to.
Love,
ArRa#sweetestEVER
