The Final Test 9

2.1K 55 6
                                    

"Salamat."kinuha ko ang order kong Java Chip Frappuccino.

"Hindi ka ba mabubuhay ng walang caffeine sa katawan?"tanong ni Tammy ng makalapit na ako sa kanya.

"Aahh..Siguro."i shrugged my shoulders.

Nagpasama kasi ako kay Tammy sa Starbucks.Normally kasi si Tom ang kasama ko dahil pareho kaming mahilig magkape.Ito kasing si Tammy juice ang iniinom palagi.Kaya lang busy sya dahil may early meeting sya sa isang client daw.

Ngumiti ako sa guard ng pagbuksan nya kami ng pinto.

See?I could be nice.^_^

Magkasabay kaming pumasok ni Tammy ngayon dahil iniiwasan ko si Hunter.I was sure pupuntahan nya ako sa apartment after what happened noong Initiation Night.Kaya sa bahay nila Tammy muna ako umuuwi.

*Flashback*

Tinitigan ko muna si Hunter ng ilang segundo.Is he serious?

Nakatingin lang din sa akin si Hunter.Hinihintay ang sagot ko.

"You're joking,right?"hindi ko na napigilang itanong.

Kumunot ang noo ni Hunter.

"Mukha ba akong nagbibiro?"tanong nya.

I shrugged my shoulders.

"I'm serious,Cee."

So seryoso talaga sya?Hah!

Itinulak ko palayo si Hunter para makatayo na ako.Bumaba ako ng kama to create some distance between us.Nakatalikod ako sa kanya dahil baka gamitan nya ako ng charm nya at magbago pa ang isasagot ko.

"Celena?"pagtawag nya sakin.

"No."

"Huh?Anong no?"

"No,as in I don't want to be your girl."

Hindi nagsalita si Hunter.Nanatili din akong nakatalikod.Ayokong makita ang expression ng mukha nya.

"Aalis na ako.I'll see you around."i went to the door and open it.

"You're mine,Celena.And i'm not gonna stop till I get you."shivers travel down my body with the deep tone of his voice and determination.

"Whatever,Hunter."sabi ko then tuluyan ng lumabas.

**

Pagparada ni Tammy ng kotse nya ay bumaba na agad ako.I slung my bag in my shoulder and started to walk.

"Pwede maghintay alam mo 'yun?"sabi ni Tammy ng makahabol na sya sakin.

Nginitian ko lang sya.Malapit na kami sa building namin ng may madaanan kaming 3students na nagtsi-tsismisan.

"Is that her?"narinig kong sabi ng isang student na nadaanan namin.

Hindi ako mahilig makinig sa usapan ng ibang pathetic students na 'to pero nakuha ng sinabi nya ang atensyon ko.Una,dahil nakatingin sya sakin.Pangalawa,dahil nakaturo ang index finger nya sakin.And pangatlo,dahil halos lahat ng madaanan kong student napapalingon sakin.Akala ko dahil sa kagandahan ko pero now I know may ibang dahilan.

"Sya nga 'yun."sagot ng kasama nya.

"Eh hindi naman pala maganda.Akala mo kung sino."napahinto ako sa paglalakad at pagsipsip sa inumin ko sa sinabi nya.

I turned to look at the girl.Pagkatapos ay tinignan ko sya mula ulo hanggang paa then smirked.

"What are you smiling at?"mataray na tanong nya.

"Oh nothing."casual na sagot ko then sumipsip sa hawak kong inumin at lumapit sa kanya.

Napaatras sya ng kunti.Ang lakas ng loob takot naman pala.

I took the lid off my Java Chip Frapp and spill the rest of the content on the head of the stupid girl.Napasinghap halos lahat ng nakakita sa ginawa ko lalo na syempre ang binuhusan ko.

"There,my improvement na sa itsura mo.You look...tasty."i give her a close mouthed smile then walk off.

Sayang 'yung Java Chip.Badtrip naman kasing babae 'yun.Tsismosa na panget pa,hindi lang ng mukha pati ugali.

"Hindi mo na lang sana pinatulan,best."bulong ni Tammy sa tabi ko.

Hindi ko sya sinagot.Diretso lang ang tingin ko sa daan.

Naglalakad na kami papunta sa room namin.I was so mad.Hindi ko alam kung anong meron at pinagtitinginan ako pero aalamin ko 'yun.And there's only one way to find out.

Pero bago ko pa matuloy ang plano kung alamin ang tungkol sa sinabi ng babaeng echusera ay nakuha ko na ang sagot ko.Sa may pinto ng classroom na papasukan ko ay nandoon si Hunter.And surprise,may hawak syang isang bouquet ng iba't ibang kulay ng Rose.

Huminto ako mga sampung hakbang sa harap ni Hunter.

"Hey babe."nakangiting sabi nya bago lumapit sakin at hinapit ako sa bewang."For you."itinaas nya ang hawak ng bouquet ng roses.

"Anong pakulo 'to,Hunter?"gigil na bulong ko.

"Wala."inosente ang mukhang sabi nya pero may pilyong kinang sa mata."Masamang maglambing sa girlfriend ko?"

"WHAT?!?!!"malakas na sabi ko at itinulak sya.

Ang natatandaan ko hindi ang isinagot ko sa kanya.Ano bang pinagsasabi nito?

"Anong what?Your my girlfriend."may pinalidad na sabi nya.

Masama ang tinging ibinigay ko sa kanya.

"Y-You.."nanggigil na sabi ko."Arrrghhh!!!"

Pakshet talagang lalaki 'to.Ang sarap patayin eh.Kunti na lang talaga,kunting-kunti na lang.Ano bang meron sya at tuwing nandyan sya nag-iinit ang ulo ko?

Napansin kong nakatingin samin ang ibang student.Tinignan ko din sila ng masama at parang mga nakakita ng multong nagmamadaling umalis sila.

"Oh,I need to go."parang walang nangyayaring sabi ni Hunter."Puntahan mo ako mamaya sa office sabay tayong maglunch."

Hinalikan nya ako sa pisngi at umalis na.

"Humanda ka sakin mamayang lalaki ka."nagpupuyos sa inis na naisip ko.

Kahit na ayaw ko ng makita pa si Hunter kailangan ko syang harapin mamaya.Then maybe mapapalinaw ko sa kanya ang kaibahan ng Yes sa No.

A/N:

Lalalalala..!!!!

Bitin ba?'Yan lang kinaya ng brain cells ko ngayon.Sooorrrryyyy.Medyo nasa pagbabasa kasi ang isip ko.Di ko kasi nabasa 'yung sequel ng My Life With The Walter Boys.Try nyo din basahin,maganda.

Naghahanap din ako ng mababasa,preferably teen fiction and english.Any suggestion?

Also i picked a character na for my imagination of Cee and Hunter..Watcha think?

HAPPY 10K reads satin!!

Thank you all sa support.

Please continue to VOTE and COMMENT.

I love you guys!!!

Love,

Arra

#luvyahpeeps

The Final TestWhere stories live. Discover now