The Final Test 5

3.5K 42 1
                                    

"I've been in love.Its painful,pointless and overrated."

-Damon Salvatore

~~~~

Tingin sa kaliwa.

Tingin sa kanan.

Sa likod.

At sa harap.

Alam kong para akong kriminal,engot,praning at kung anu-ano pa sa ginagawa ko pero wala akong pakialam.Binilisan ko pa ang lakad ko para kung sakaling makita nya ako makaiwas agad ako.Ilang araw ko ng iniiwasan si Hunter.

Bakit?

Hindi ko sure.Siguro hindi pa lang ako ready na makaharap sya pagkatapos ng nangyari samin.O siguro nahihiya ako kasi ganoon ko na lang binigay sa kanya ang v-card ko.Haish.>.<

Hindi ako 'to.Hindi ko gawain ang magtago.Kinukumpronta ko ang mga problema ko.Pero pagdating kay Hunter para akong dagang nagtatago sa pusa.

Napahinto ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng sakit from down there.

Sheet!!

Ang sakit ng ano ko.Langya!No choice.Sabi nga nila natuto kang maglandi,magtiis ka sa hapdi.Tsk.

Nilakad ko ang daan papunta sa ladies restroom.Ang sakit talaga eh.Ang laki naman kasi non tapos bigla nya ba namang pinasok ng walang preliminaries.

Uggghh.T_T

Bakit ko ba iniisip kong paano nya 'yun pinasok?

Kadiri ka brain cells.Tigilan mo 'yang imagination mo.Ayoko ng maalala kung ano ang itsura ng ano ni Hunter.Arrgghh!!

Pagdating ko sa CR ng mga babae ay humarap ako sa salamin.I look at myself in the mirror.Wala naman sigurong sign na hindi na ako virgin?Totoo kaya 'yung sinasabi nila na nakikita 'yun sa shape ng butt?

Haish.

Napapraning na ako.

Ginawa ko na ang business ko sa CR saka naghanda na para umuwi.Hindi ako sa apartment ko umuwi kundi kila Mama Tess,ang ina ni Tammy.

"Cee!!"sinalubong ako ni Mama Tess pagkababa ko pa lang sa tricycle."Buti naman naisipan mong umuwi ngayon."

"Namiss ko po kayo eh."humalik ako sa pisngi nya."Si Tammy po?"

"Wala pa sya eh.Mamaya pa siguro 'yun."

Tumango lang ako sa sinabi ni Mama.Magkaakbay kaming pumasok sa loob ng bahay.Medyo malaki din ang bahay nila Mama.4 ang kwarto,may kusina,sala at 2 banyo.Teacher si Mama Tess habang si Papa Mio ay nagtatrabaho sa isang malaking food company.Kaya nga hindi na nasundan pa si Tammy dahil pareho silang busy.

Nong mga bata kami ni Tammy may yaya na nag-aasikaso samin dahil nga madalas na wala sila Mama.Pero every saturday ng gabi at buong araw ng sunday nagba-bonding kami.Never nilang pinaramdam sakin na hindi sila ang mga magulang ko.Sabi nga ni Mama Tess kulang na lang daw ay sya ang magluwal sakin.

"Magpalit ka na muna ng damit mo pagkatapos ay tulungan mo ako sa kusina.Malapit na din dumating ang Papa Mio mo."

"Opo,Ma."

Nasa 2nd.floor ng bahay ang kwarto namin ni Tammy habang 'yung kila Mama ang sa baba.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay napangiti ako.Malinis ang lahat pero walang binabago sa pagkakayos.Almost a month na din since last akong umuwi dito.Ipinatong ko ang bag na dala ko sa study table ko at humiga sa kama.

Ipinikit ko ang mga mata ko and savored the silence of home.

I sigh.

Ngayon ko lang narealize kung gaano ko namiss 'tong bahay na 'to.

The Final TestWhere stories live. Discover now