Human 1

33 2 1
                                    

"Ang dilim"

Ilang beses ko nang narinig ang katagang iyan galing sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung bakit siya nagrereklamo kung alam niyang mas gusto ko ng ganito.

"Mahuhuli ka na sa klase mo"

Tinitigan ko siya ng masama. Ang swerte nito. Walang inaalalang problema sa buhay.

"Aleka"

Inirapan ko siya. Palibhasa kasi hindi niya alam kung gaano kahirap mabuhay sa mundo ngayon. Hindi ko gustong makita ang mga mukha ng mga kaklase kong walang ibang sinabi kung hindi puro insulto.

"Nariyan na si Taro. Maghanda ka na"

Malayo siya sa akin pero parang bulong lang sa tenga ko ang sinabi niya. Bulong sa isip. Nananatili sa isip ko ang boses niya.

"Wala ka bang ibang magawa, Emilio? Sa iba ka na lang mangulit", simula bata ako, hindi niya na ako tinantanan. Ngayong mag lalabimpitong gulang na ako, mas madalas na siyang dumalaw sa akin. Minsan ay buong araw ko siyang kasama, lalo na kung walang pasok.

"Mabuti nga sana kung ganoon kadali"

"Al!", nangangatok sa pinto ang kapatid kong si Taro, tanda na kailangan na naming umalis. 

"Hindi ko maintindihan bakit ayaw mong mag-aral. Noong panahon namin--"

"Magkaiba na ngayon. Behave. Huwag mo nang paglaruan ang TV", tumayo na ako at isinukbit ang bad sa balikat ko. Lumapit siya sa akin at itinaas ang kamay niya kaya napaiwas ako.

"Iwan mo na lamang ang phone mo"

Ngiting ngiti siya noong sinabi niya iyon at nakalahad pa ang mga kamay niya sa akin. Para sa isang binatang napaglipasan na ng panahon, ang bilis niyang maka-adapt.

Bumagsak ang ngiti niya nang umiling ako kaya naman nginitian ko siya.

"Sumama ka na lang kaya?", aya ko sa kanya. Pinilit kong maging nakakaawa sa paningin niya pero umiling siya at lumayo.

"May pagsusulit ka, ano? Hindi mo ako madadala sa mga tingin mo, binibini"

Inirapan ko siya. Lagi niyang kinakatuwiran iyon ngunit hindi ako naniniwala. Palagi ko siyang kasama dati kahit saan ako pumunta. Magmula noong lumipat ako ng school, ayaw niya na akong samahan.

"Tsk, huwag kang magpasaway dito at baka hindi makatiis ang mommy at pabendisyunan itong kwarto ko", natawa naman siya sa sinabi ko.

"Aleka Eos! Wala na bang mas ibibilis diyan?", atat na ang aking kuya kaya nagpaalam na ako kay Emilio.


Pagdating namin sa school, hindi na kami nagulat sa panibagong mukhang bumungad sa amin. Noong nakaraang linggo kasi, napuno na ang guro namin sa katekesis at nag walk-out na sa section. Mula noon ay hindi na siya bumalik.

Isa ako sa estudyante ng pinakamababang section. Hindi dahil kami ang pinakahuling section ay kami ang pinaka walang silbing estudyante sa paaralan. Wala namang ranking dito, nagkataon lang na iilan sa mga kaklase ko ay hindi maipagkakailang pasaway.

Sister Nadia

Isinulat ng madre ang pangalan niya sa white board at humarap sa amin. Sinusuyod niya ang buong klase at parang kahit anong oras, handa siyang mangagat. Doon pa lang, masasabi ko nang kakaiba siya sa lahat ng madreng naging alay para sa klaseng ito. May nararamdaman din akong kakaiba mula sa kanya.

"Good afternoon Class X", pinaiikot niya ang ballpen sa mga daliri niya. Para sa tindig ng isang madre, masasabi kong hindi siya yung karaniwang mahinhin. Bigla siyang ngumiti. Hindi tulad ko na nasa kanya lang ang buong atensyon, halos lahat ng mga kaklase ko ay may sari-sariling ginagawa. Bigla niyang hinampas ng pagkalakas lakas ang teacher's table kaya saglit na natigilan ang lahat at lumingon sa kanya.

AudaciousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon