Human 5

18 1 0
                                    

Ang una kong nakita pagmulat ng mga mata ay si Emilio. Nakita ko kung paano nagbago ang emosyon ng kanyang mga mata.

"She's awake", nilingon ko ang nagsalita. Si Alexavier. Tinignan ko ang orasan. Magtatanghali na.

"Al!", sinalubong ako ni Minea ng mahigpit na yakap. Nakasunod sa kanya sina Creed, Jhaz at Loren. 

"Nag-alala kami sa'yo", sabi ni Jhaz. Pamilyar ang kwarto. Kwarto ito ni Minea, ang pangalawang kwarto sa ikalawang palapag. Bumalik ulit ang tingin ko kay Alexavier. 

"Binantayan ka niya", nagtataka akong lumingon kay Creed. May itinuro si Alexavier sa sulok ng kwarto kaya tinignan ko ito. Nakangiti ang babaeng laman ng panaginip ko.

"Takot siya doon sa lalaki", sabi ni Emilio.

"Ang sabi niya, nakikita niya rin daw ang babae. Mahirap paniwalaan pero iyon ang sinasabi mo kahit tulog ka", hiyang hiya ako. Ngayon ko lang nalaman na nagsasalita ako habang tulog. 

Biglang bumaliktad ang sikmura ko. Napatakbo ako papunta sa CR. Matapos kong maghilamos ay mukha ng babae ang bumungad sa akin sa salamin. 

"Aleka?"

"Nakita mo", sabi nung babae. Ang tinutukoy niya ay ang dahilan ng pagkamatay niya.

Biglang may kumatok sa pinto. 

"Eos!", si Alexavier iyon.

"Maaari ba akong pumasok, Aleka?", nasa usapan kasi namin ni Emilio na bawal niya akong sundan sa banyo.

"That girl is inside!", inis na sabi ni Alexavier at biglang kinalampag ang pinto.

"Please"

Paglabas ko ng banyo, hindi maipinta ang mga mukha nila. Parang takot na takot sila.

"What the hell did you--", inawat ko si Alexavier. Pinag-isipan ko ang sinabi nung babae, si Mary. Alam ko ang gusto niyang gawin ko.

"Kailangan mong magpahinga, Aleka. Dalawang beses sa isang araw!"

Para kaming may meeting na umupo sa salas nila Minea. Sa kanan ko si Alexavier, sa likod ko ay nanatiling nakatayo si Emilio habang nakatingin sa katabi ni Alexavier, si Mary.

Katapat ko ang mga kaibigan ko na naghihintay ng paliwanag.

"Ngayon ko lang nalaman na close kayo", sinulyapan ni Loren si Alexavier. Nanatili namang walang reaksyon si Alexavier.

"Long story", sagot ko. Pero kumunot ang mga noo nila.

"Mahaba ang oras natin", sagot ni Jhaz. Mamaya pang hapon ang balik nina Tita at Nanay Cora. Nilingon ko si Alexavier, parang malalim ang iniisip niya.

"We're not close", sabi niya bigla kaya napabaling ang tingin nila sa kanya kaso lumingon naman siya sa akin.

"I didn't even know she can see ghosts", napakagat ako sa labi. Bakit ko naman sasabihin sa kanya iyon? Saka nabigyan ko naman na siya ng clue noong activity ni Sister Nadia.

"Hindi ko rin alam na kaya mo", balik ko sa kanya. Ang mas nakakatakot na realisasyon ay kung paano niya nahahawakan ang isang multo, hindi katulad ko na tumatagos lamang sa kanila.

"Ngayon ko lang din nalaman", natahimik kaming lahat sa sinabi niya.

"Nakita kong may parang tangang tumatakbo sa kalsada kaya lumapit ako. Naghihilahan sila habang nakapasan sa'yo yung babae kaya naisip kong tumulong sa lalaki", proud pa niyang sabi. Halos pandilatan ko siya ng mata nang sabihin niyang mukha akong tangang tumatakbo.

AudaciousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon