Human 6

12 1 0
                                    

Napagkasunduan namin na walang magbabanggit sa iba ng nangyari kahapon. Hindi na ako kinulit pa ni Mary. Ang alam ko ay pinagsabihan na siya ni Emilio, at mukhang naintindihan niya rin naman ang kapahamakang dala noon. Sinabi ko kay Emilio na hindi na ako babalik sa amusement park na iyon.

"Maligayang kaarawan, Aleka!"

Palaging si Emilio ang unang bumabati sa akin at siya lang naman ang nakakaalala noon, dahil maski ako ay wala sa kalendaryo ang isip. Katulad ng nakagawian, bumangon ako sa kama at kinuha ang papel sa bed side. Hawak ang phone ko, itinutok ko ito sa salamin, habang nakabukas ang camera nito. Tumabi si Emilio sa akin at hinawakan ang kabilang dulo ng papel.

9th year with Emilio

Ika-8 kaarawan ko nang dumating sa buhay ko si Emilio. I mean, iyon ang unang beses nang makita ko siya, at makita rin ang iba pang kaluluwa. Matapos ang unang taon naming magkakilala, tuwang tuwa akong may kaibigan ako at pinakitaan ko siya ng kakayanan kong mag-Ingles. Hindi pa ganoon kaganda ang sulat ko pero naintindihan niya naman. Ngayon, siya na ang nagsusulat sa bond paper. 

Pagbukas ko ng cellphone, bumungad sa akin ang mga text na galing sa mga kaibigan ko. May missed call din sila kaya lalong nakakabahala. Nang basahin ko ang text ni Minea, pinapapunta niya ako sa Takas kaya nang tawagin ako ni Taro, nagmadali na ako. Ang kakaiba ngayong araw ay kasama ko si Emilio pumasok.

20 minutes before class ay kumpleto na kami sa Takas. Sinusubukan kong huwag sumulyap sa fountain para tignan kung nakatambay doon si Alexavier. 

"Ako lang ba?", may nilabas si Minea na card at noong ipinakita niya sa amin ay mukha itong tarot card ngunit kasing liit lang ng barahang pangsugal. May kulay itim na border ang puting card, at sa gitna nito ay may naka itim na hood ang nakasakay sa itim na kabayo. Ang nakahood ay may hawak na scythe.

Mabilis na nilabas ng iba ang kaparehong card. Lahat sila, maliban sa akin. Kaya naman ganoon na lang ang pagtataka sa mga mata nila.

"Wala ka?", tanong ni Jhaz. Hindi ako nakasagot. 

"Isang babala", sabi ni Emilio. Napakagat ako sa labi.

"Hindi para sa kanila, Aleka. Para sa iyo", naguluhan ako. Sila ang may card ni kamatayan, pero bakit para sa akin ang pananakot.

"Dahil masmasakit ang makitang nasasaktan ang iba dahil sa iyo, kaysa ikaw mismo"

"Who called the meeting?", sabay-sabay kaming napalingon kay Alexavier, na mukhang bagong dating. Napabaling ang tingin niya sa mga kamay nilang nakalahad. Saglit siyang napatahimik at lumingon sa akin.

"That's settled. No one is going back there, ok?", doon ko napagtanto ang lahat. Nadawit lang ang mga kaibigan ko dahil sa akin.

"Gusto ko pang mabuhay", nakatulala si Creed nang sabihin niya iyon. 

"Ano bang napasok natin", parang naiiyak na si Minea. Napalunok ako. Parang ayaw ko munang marinig ang mga sasabihin nila.

Mabuti na lang ay biglang tumunog ang bell kaya nagsipuntahan na kami sa kanya- kanyang klase. Tahimik si Loren ngayon kaya hindi ko muna kinausap. Habang ang dalawa naman, si Emilio at Alexavier, ay parang may galit sa mundo.

Pagpasok namin sa klase ay busy ang lahat sa cellphones. Mukhang may pinapanood sila. Isa sa mga kaklase ko ay tinuro ako kaya lumingon ang iba tapos nagsitawanan sila. Tahimik akong umupo.

Buong klase ay lutang ako at hindi napapansin ang nangyayari sa paligid. Tatlong araw pa lamang ang lumipas magmula noong concert pero andami nang nangyari. Hindi na bago sa akin ang mga multong nanghihingi ng tulong, ngunit ngayon lang may lumapit sa aking kaklase ko. 

AudaciousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon