Human 3

21 1 0
                                    

Dapit hapon nang dumaan ako sa presinto. Base sa mukha ni Detective Cams, inaasahan niya nang pumunta ako, pero mukhang sa ibang dahilan.

"Confession?", may hawak hawak siyang bagong bukas na chocolate bar. 

"Gusto ko lang po sana malaman ang dahilan ng pagkamatay ni Dianne", ngumiti siya sa akin at kumagat sa hawak niya. Pinasunod niya ako sa kanya para maupo sa office niya. Medyo malaki ito. Ngayon lang din ako nakapasok sa presinto.

"It would be too risky if you're the culprit, right?", hindi ko siya masisisi. Sa tingin ko, natural lang na magduda siya sa mga bagay dahil sa kanyang trabaho.

"Paano niyo po nasabing may pumatay sa kanya?", tinignan niya ako na parang nagbibiro ako.

"Hija, kung nagpakamatay siya, bakit niya naman pipiliing sa loob ng basurahan makita? Ibig sabihin lang noon, may nagtangkang i-dispose ang katawan niya", tumango ako. Kanina ay napilit ko si Emilio na tulungan si Dianne. Hindi pa rin kasi nagpapakita si Dianne magmula noong nakauwi ako. Ang sabi ni Emilio, hahanapin niya na lang daw si Dianne at kung may mangyari mang masama sa akin, isigaw ko lang daw ang pangalan niya.

Ang lakas maka drama movie, ano? Pero hindi ko alam kung darating talaga siya kapag umabot sa puntong iyon.

"May naghahanap sa'yo Cams", may pumasok palang pulis. Pinauna niya ang sinasabi niyang naghahanap kay Detective. Pinilit kong hindi mag react nang makita ko siya.

"Alex, anong kailangan mo sa akin?", itinaas ni Detective Cams ang paa sa lamesa at kumain ng chocolate. Hindi ako pinansin ni Alexavier at umupo sa tapat kong upuan. Parang hindi niya nararamdaman ang presensya ko.

"May nakalimutan po akong ibigay sa inyo. Kinuha ko ito dahil baka maisipang bumalik ng salarin", bago niya ilabas ang nasa bulsa niya ay tinignan niya ako. Kumurap lang siya, at parang nagtatanong ang mga mata niya kung kailan pa ako nakaupo doon.

"Akin na. Hayaan mo, mukhang hindi naman siya, at kung siya naman malalaman natin", nginisian ako ni Detective Cams. 

"Hindi po ba prime suspect ang taong unang nakakita sa bangkay?", nanlilitis pa rin ang mga mata ni Alexavier sa akin.

"That's for me to know", mabilis na kinuha ni Detective Cams ang iniaabot ni Alexavier. Ngiting ngiti siya sa nakuha niya. Isang syringe. Hindi ba siya nagtataka? Bakit ngayon lang naisipan ni Alexavier ibigay ang syringe, marami nang oras ang nakalipas.

"I found out it contained Paracetamol", lalong napangiti si Detective Cams nang sabihin iyon ni Alexavier. Parang wala lang sa kanyang pinakialaman ni Alexavier ang ebidensya.

Nakangiti siyang lumingon sa amin. 

"Dianne died from overdose, and guess what drug?", pinitik pitik ni Detective Cams ang syringe na nasa loob ng air tight plastic. Hindi niya na kailangan pang sabihin dahil alam na namin ang sagot.

"Anong sabi mong relasyon mo sa kanya?", baling niya sa akin.

"Classmate lang po", bukod kay Loren, wala naman nang kumakausap sa akin sa classroom.

"I think she's taking those for weeks", sabi bigla ni Alexavier. Nagtaka si Detective sa sinabi niya.

"What? I'm observant. She wasn't feeling fine and I've seen her take some meds", I find it creepy. Madaming ayaw o takot lumapit kay Alexavier dahil ang sabi nila ay mamalasin sila. What if may kinalaman talaga si Alexavier sa kamalasan ng iba?

"Okay. That's enough for now, umuwi na kayo. Tyron! Get this checked for fingerprints!", may pumasok na pulis sa office, at sumabay na kami sa paglabas. Bago iyon ay binalaan niya kami na huwag nang makialam sa kaso.

AudaciousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon