Weekend. Bali-balita na ang pagkamatay na ni Dianne, at hindi pa rin namin alam kung nasaan si Dominic, o ang katawan niya. Hindi ko na inisip pang banggitin kay Alexavier ang nakita ko sa concert, kahit alam kong narinig niya ang pinag-usapan namin ni Emilio.
Ngayon namin balak subukan na tignan ang dahilan ng pagkamatay ni Dianne. Wala akong kasama ngayon sa bahay bukod sa kanilang dalawa. Tinuturuan ni Daddy si Taro sa trabaho, at si mommy naman ay nasa trabaho rin.
"Ready?", tahimik kaming tatlo sa kwarto. Nagpapakiramdaman. Sa totoo lang, tutol si Emilio sa gagawin namin dahil hindi raw pwedeng pinakikialaman ang linyang naghihiwalay sa patay at buhay. Lagi niyang pinapaalala iyon.
Nagtanguan kami ni Dianne. Bago siya makalapit ay naramdaman ko ang panlalamig, ang pakiramdam na malapit na ako mamatay. Napapikit ako habang patuloy siyang humakbang papalapit sa akin hanggang tumagos siya sa katawan ko.
Naglalakad ako sa isang pamilyar na eskinita. Ang sakit ng sikmura ko at naghahabol ng hininga. Pakiramdam ko ay sobrang init ng katawan ko pero pinagpapawisan ako ng malamig. Nasusuka rin ako. Saglit kong inilibot ang paningin at may nilabas sa bag. Kitang kita ko kung paano bumaon sa balat ko ang karayom ng syringe.
Sumandal ako sandali sa pader. Hindi tumigil ang sakit sa sikmura ko. Pilit kong nilalabanan ang kadilimang humihila sa akin ngunit nabigo ako. Wala nang pag-asa.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko at bumagsak sa kung anong maaligasgas na bagay. May naaamoy rin akong mabaho. Pilit kong binubuksan ang mga mata ko, ngunit naaninag ko lang ang paggalaw ng sa tingin ko ay bulto ng isang tao.
Nabalik ako sa reyalidad. Dumiretso ako sa banyo. Bumaliktad ang sikmura ko, at ganoon pa rin ang nararamdaman ko-- parang nilalagnat. Sumunod ang dalawa sa akin. Halata ang pag-aalala sa mga mata nila. Hanggang sa makabalik ako sa higaan, walang umimik sa kanila.
"Kumusta ang pakiramdam mo?", halata ang pagkadismaya sa mukha ni Emilio. Nag-aalangan siya kung hahawakan niya ako. Gusto niya rin akong pangaralan, dahil sa tigas ng ulo ko at alam naming dalawa na ganito ang mangyayari.
"Mag-usap tayo mamaya. Magpahinga ka muna", hinayaan na lang din ako ni Dianne na mukhang maraming gustong itanong. Ramdam ko ang panghihina ko at wala na akong ibang magawa kung hindi hayaan akong lamunin ng kadiliman. Baka sakaling sa pagtulog ko, mapagkabit kabit ko ang lahat at may mapagtanto. Baka sakaling may sagot sa ala-alang iyon ni Dianne.
Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Mukhang hindi pa rin bumabalik ang lakas ko. May dumagdag lang na bigat sa puso ko. Bakit naman dito pa?
"Al! Hinatid ka ni Taro dito. Hindi daw sila makakauwi ngayon. Dadating din sila Loren mamaya", alangan akong ngumiti kay Minea. Nasa bahay nila ako. Hinanap ko ang dalawa kong kasama pero mas nauna kong napansin ang mga ilaw sa labas at ang tunog ng mga barya. Gabi na.
"Nilalagnat ka kanina kaya hindi ka na namin ginising", sabi ni Minea. Naghuhugas siya ng mga pinggan. Mula nang makilala ko si Minea, ganito na ang routine sa bahay nila. Sa veranda nila ay may mga nagsusugal. Ang bahay nila Minea ang game place nila. Ang sabi sa akin ni Minea, magkakaibigan naman silang lahat at kapag pupunta sila dito ay may kanya kanyang dalang ulam na lutong bahay, kaya palaging may pagkain dito. Kaya madalas din dito ang mga kaibigan ko.
"Eyang! Bumili ka muna ng yelo", nagkatinginan kami ni Minea. Alam niyang ayaw kong naiiwan dito.
"Saglit lang ako", at umalis na nga siya. Doon ko lang napansin si Emilio na tahimik na nakatingin sa akin.
"Kumusta?", ngumiti lang ako.
"Nararamdaman mo rin ba?", tumango ako. Matagal na akong nakakaramdam ng hindi maganda sa bahay na ito.
Sabay kaming napalingon ni Emilio nang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa sa Nanay Cora, ang lola ni Minea. Nagmamadali siyang lumabas pero nilingon niya rin ako. Narinig ko ang mga tawag sa kanya ng mga nasa labas.
"Ah, hija, pwede makisuyong gisingin mo na si Cris para kumain", tumango ako. Saktong napansin ko ang pagbukas ng ilaw mula sa ikalawang palapag, kita sa pader. Nakalabas na rin si Nanay.
"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito, Aleka", alam ko. Ako rin. Tumayo na ako at naglakad papunta sa hagdanan pero pinigilan ako ni Emilio. Titignan niya daw muna kung nasa taas si tito Cris.
Saglit lang ako naghintay kay Emilio sa ibaba ng hagdan. Paglabas niya sa unang kwarto, umiling siya. Papasok na siya sa pangalawa nang biglang magpatay sindi ang ilaw galing sa unang kwarto. Napabalik siya doon, at pumasok. Noong sandaling iyon ay nanatiling nakapatay ang ilaw doon. Naghintay pa ako ng ilang saglit kay Emilio, pero hindi pa rin siya lumalabas.
"Takbo" , kasunod no'n ay ang nakakapanindig balahibo na bungisngis. Pinilit kong huwag lumingon sa tabi ko, o gumalaw kahit kaunti. Nakatingin lang ako sa itaas ng hagdan, nananalangin na lumabas na si Emilio.
"Look, Iris", bulong ng katabi ko. Pakiramdam ko ay punong puno ako ng galit at naiiyak na ako sa inis. Nahihirapan akong huminga at hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
"Dejar!", biglang nawala ang katabi ko sa sinabi ni Emilio. Napaupo ako. Naririnig pa rin anmin ang bungisngis niya. Nagmadali si Emilio sa pagbaba, at naglakad ako pagbalik sa sofa.
"Kailangan na nating umalis dito, Aleka", hindi ko na kailangan pang pagsabihan ulit ngunit biglang nagpatay sindi ang mga ilaw sa loob ng bahay.
"Huwag kang gagalaw", ramdam ko ang inis ni Emilio bago siya nawala. Biglang tumigil ang pagpatay sindi ng ilaw. Nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan nang mapansin kong parang bumigat ang balikat ko.
Paglabas ko, hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Nanay Cora. Nahihilo ako. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng kaluluwa nang makita ko ang anino ko. May nakapatong sa akin, sa mga balikat ko nakaupo. Naiiyak na ako sa sobrang inis. Hindi ko pwedeng hawakan ang nasa likod ko.
"Bakit ka tumatakbo?", narinig kong muli ang bungisngis. Ginawa ko ang lahat para mahulog siya. Hindi nagtagal ay nasa tabi ko na si Emilio at pilit niyang inaabot ang nakapasan sa akin. Nang hawakan ni Emilio ang babae ay umiyak ito at sinabunutan ako. Doon ko na hindi napigilan. Nakikiabot na rin ako, at sa bawat pagtagos ng kamay ko sa katawan niya ay nakakabinging iyak ang naririnig ko.
Napaluhod na ako sa sakit ng sikmura at ulo ko. Naghihilahan si Emilio at ang babaeng nakapasan sa akin. Ang lakas ng iyak ng babaw sa pagkakahawak ni Emilio, umaaray din siya at parang napapaso.
Ilang saglit pa ay naradaman ko ang paggaan ng pakiramdam ko. Wala na ang babaeng nakapasan sa akin. Nanlalabo pa rin ang mga mata kong ngayon ko lang napansin na umiiyak. Sa harap ko ay ang mga kaibigan ko, at si Alexavier na masama ang tingin sa babaeng multo. Inalalayan ako ni Emilio tumayo.
Nahahawakan niya na naman ako.
"Ang sabi ni Nanay bigla ka raw nagt-takbo palabas", noon ko lang napagtanto ang sinabi ni Minea. Ang layo ng itinakbo ko mula sa bahay nila.
Tinignan ko si Alexavier, na nakatingin din pala sa akin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap niya kay Emilio. Napakurap ako nang mawala bigla ang babae sa tabi niya. Mabilis na nakalapit sa akin si Alexavier. Naramdaman ko ang tensyon sa mga katabi ko ngayon.
"Uhm, anong nangyayari?", tanong ni Minea.
"Do they know?", bulong ni Alexavier. Tumango lang ako.
"I saw the girl again, Minea", nagkatinginan ang apat kong kaibigan.
"Baka hinahanap na tayo nila tita", biglang sabi ni Creed. Ayaw ko nang bumalik doon. Malungkot na tumingin ang apat sa akin. Alam nilang hindi nila ako mapapabalik doon.
"Magpaalam ka na lang muna kay mama", nakangiting sabi ni Minea. Naglakad kami pabalik sa kanila. Malapit na kami nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Bago ako matumba, nakita ko ang mga mukha nilang nag-aalala at ang galit na mukha ni Alexavier.
"Stay awake, Eos", as if.
BINABASA MO ANG
Audacious
General Fictionau·da·cious \ȯ-ˈdā-shəs\ adjective : very confident and daring : very bold and surprising or shocking 'one could be mysterious yet amazing'