Human 2

25 1 3
                                    

"Manatili ka na lang, paki-usap"

Parang kahapon lang, kinukulit niya akong pumasok. Ngayong naiwan na ako ni Taro, hindi pa rin niya ako pinapaalis. Hindi ko rin naman siya mahawakan dahil baka may makita ako sa nakaraan niya.

"Nakakasira man ng ulo, wala namang magbabago sa nangyari kagabi. Ako lang makakaalam. Wala rin namang maniniwala  sa akin lalo na kung sasabihin kong ang madre sa school namin ay sangkot sa isang krimen"

Kailangan kong malaman.

"Hindi mo ba nararamdaman ang ihip ng hangin?"

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Magmula kahapon, may bumabagabag na sa akin at hindi ko malaman kung ano iyon. At sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng bumagsak na ilaw, at wala man lang ni mahinang tunog o impact mula sa pinagbagsakan.

Hinarap ko si Emilio. Halata ang pag-aalala sa mga mata niya. Hindi ko siya masisisi. Hindi araw araw ay nakakakita ka ng pinapatay, at kakilala mo pa ang mga sangkot.

"Kailangan kong umalis, Emilio. Pareho tayong walang alam sa mga nangyayari", hinaharangan niya ang dapat na dadaanan ko at hindi ko kayang makipagsapalaran kung mahahawakan ko siya.

"Aleka"

"Sumama ka na lang kung gusto mo", natahimik siya. Hindi niya na ako pinigilan nang tawagan ako ni Loren at tinatanong kung nasaan ako dahil wala daw naman ang unang professor namin kaya pwede pa akong humabol.

"Kahit gaano kaliit na senyales ng panganib ang makita ko, Aleka, pasensya pero iuuwi kita"

Inirapan ko siya. 

"Paano mo iyon gagawin, aber? Ni hindi mo nga ako mahawakan", takang taka ang driver ng taxi sa akin. Nginitian ko na lang siya. 

"Nagawa ko kagabi"

Isa pa iyon sa iniintindi ko. Bukod sa mga multong nakikita kong may masamang intensyon, gamit lamang ang kayang pagalawin ni Emilio. Sigurado akong wala namang gustong gawing masama si Emilio noong oras na iyon.

"Aleka!", tumatakbo si Minea papunta sa akin. Hindi kami magkaklase kaya nakakapagtakang wala siya sa klase niya ngayon. Wala rin silang prof?

"Huwag ka nang pumasok", takang taka ako sa asta ni Minea. Nagkatinginan pa kami ni Emilio. Hindi si Minea ang tipo ng kaibigang mag-aayo sa'yong mag-cutting. Isinukbit ni Minea ang braso sa akin at pursigido siya sa akin sa paghatak sa akin palabas pero lalo akong nagtataka sa inaasta niya. Anong meron?

"Bakit?", hindi niya ako mahila palabas kaya para kaming ewan na nakatayo lang sa hallway. Parang pinag-isipan muna niya kung sasabihin ba sa akin pero sa huli ay alam niyang kukulitin ko lang din naman siya.

"Someone from your class died", bigla akong kinabahan. Alam na nila? Paano? Sino nakakita? Nanlalalaki pa ang mga mata ni Emilio. Umiiling siya sa akin na para bang sinasabing huwag na ako tumuloy.

Napansin ko rin sa likod ni Emilio si Dianne. Humahagulgol sa iyak at dinig na dinig ko. Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong tinawag ni Loren. Sinabi niya ring huwag na ako pumasok. Tinanong ko kung bakit, ang sabi niya lang ay suspended ang klase naming Class X.

Hindi nagtagal ay may dumating na mga pulis. 

"Calling Class X, Please proceed to the gymnasium", kinakabahan ako. Hindi ko alam kung para saan.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito, Aleka"

Sang-ayon ako kay Emilio. Wala na ring nagawa si Loren at Minea dahil may mga pulis na rin sa entrance ng school.

AudaciousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon