Human 7

8 0 0
                                    

Nagising ako sa clinic na kasama si Taro, Alexavier, at Emilio. Hula ko ay madilim na sa labas.

"Al! May ginawa ba sa'yo 'tong mokong na 'to?!", hysterical na tanong ni Taro habang tinuturo si Alexavier na naka poker face. Kawawang nilalang.

"Bukas pa kaya ang public library?", halata ang pagtataka nila sa tanong ko.

"It's way past six", sabi ni Alexavier at tumayo. Lumabas na siya, at sa tingin ko ay hinintay niya lang akong magising. Weird.

Lulan kami ng kotse ni Taro pauwi. Siya ang nagd-drive. Hindi naman malayo ang bahay namin mula sa school pero nagmumukhang matagal ang byahe dahil sa katahimikang bumabalot sa amin.

"I never thought you're friends with him", hinarap ko si Taro na nagmamaneho. Parang ayaw niya ang ideyang kaibigan ko si Alexavier.

"Hindi naman", tumawa bigla si Emilio. Narinig ata iyon ni Taro kaya napalingon siya sa likod.

"Kasama natin ang kaibigan mo?", tumango ako. Matagal bago siya umimik at hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"You know you're not allowed to go to the park, right?", napairap ako. Hindi lingid sa kaalaman ko na maraming pwedeng makakita sa amin papunta sa park. Hindi na bago iyon para sa akin. Sikat din kasi siya.

"May tinignan lang ako", hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

"These are rough times, Al. Simula ngayon ako ang maghahatid sa'yo papasok, at susunduin kita pauwi. I can't have you roaming around places you shouldn't be. No more after-school agendas", hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Sa lahat ng tao, siya ang hindi ko naisip na gawin ang bagay na ito.

"It's a one-time thing! Hindi pwede kuya!"

"Huwag kang makulit Aleka! I can't lose another--", parang biglang nag fade ang kapaligiran ko nang makakita ako ng usok. Ang natatandaan ko na lang ay kung paano sumigaw si Taro habang pinipilit na patigilin ang sasakyan.

Hindi ko na maintindihan kung anong ang sinasabi niya, hanggang sa makaramdam kami ng kung anong bumangga sa harap ng kotse at ang saglit na pag-angat ng kotse dahil sa nadaanan.

Nanlalaki ang mga mata naming dalawa. Malamig ang mga pawis ko. Lalo na nang mapansin kong may nakaupo sa tabi ni Emilio. Napansin lang ata ni Emilio na may iba akong tinitignan nang makita akong nakatingin sa gilid niya mula sa rear view mirror.

Sa taranta ko ay mabilis akong lumabas ng kotse habang nagmamadaling kunin ang cellphone ko. Tumakbo ako papunta sa nakita kong nakahiga sa kalsada. 

It's a girl. We ran over a girl. A fucking kid.

Lumuhod ako sa tabi niya. Habang tumatawag sa ambulansya, nanginginig man ang kamay ko, sinubukan kong tignan kung humihinga pa siya kahit kitang kita ko ang paghihirap niya dahil sa dugo niya sa katawan.

Ang hindi ko inaasahan ay hinawakan niya ang kamay ko, kaya napatingin ako sa mga mata niya. Diretso rin itong nakatingin sa akin. Napansin ko ang pagbuka ng bibig niya kaya inilapit ko ang tenga ko sa labi niya. 

"S-Salamat", nanatili pa rin akong nakayuko at nag-aabang sa susunod niyang sasabihin kaso wala na akong ibang narinig. Bigla akong napaupo ng ayos dahil sa paghatak ni Taro.

"ANONG GINAGAWA MO?!", hinablot niya ang hawak kong cellphone, na mukhang may nakasagot na mula sa kabilang linya. Mukha siyang at hindi alam ang dapat naming gawin.

"MAPAPAHAMAK TAYO!", ngayon ko lang siya nakitang ganito kabalisa.

"Buhay pa siya, Taro!", mabilis kong hinablot ang cellphone ko sa kanya nang matulala siya. Habang nagsasalita ako ay naramdaman ko ang marahang pagdiin ng hawak sa kamay ko noong batang babae. Noon ko lang napansin ang isang bagay na namamagitan sa mga palad namin. 

Tatanggalin ko na sana ang kamay ko ngunit umiling siya. Nahihirapan man ay sinubukan niyang itulak ang kamay ko at umubo ng dugo. Napagtanto kong iniwan niya ang gamit na iyon sa kamay ko. Sinubukan kong tignan ngunit hinawakan niya ulit ang kamay ko. 

Hindi nagtagal ay dumating ang ambulansya, kasama na rin ang mga pulis. Kabilang sa dumating ay si Detective Cams. Una niyang kinausap si Taro, dahil nang lumapit ang lulan ng ambulansya, mahiigpit pa rin ang hawak sa akin noong batang babae. Saka lamang siya bumitaw nang mai-angat na siya sa ambulansya.

"You're her savior", kinilabutan ako sa boses ni Kamatayan. Lalo lang nagpagulo sa isip ko ang sinabi niya, at ang katotohanang nandito pa rin siya ngayon.

Tinignan ko ang bagay na binigay sa akin noong bata.

A coin. 

Ngunit hindi ito simpleng coin. Iba ang nakaembed dito. Pamilyar ang hitsura nito.

"Al?", ngayon ko lang napansin si Emilio sa tabi ko. Biglang nagkagulo ang mga tao sa ambulansya. Mabilis gumalaw ang mga first respondents. Hindi ako makalapit dahil pinipigilan ako ni Emilio.

"Time of death: 8:24 pm", bigla akong napatigil sa narinig ko. Kitang kita ko kung paano sumulpot sa tabi ng van si Kamatayan, at ang malabong pigura ng babaeng kanina lang ay nag-aagaw buhay.

Nang mapansin kong hindi ko na makita ang kalahati ng katawan nila ay pinilit ko nang makalapit sa kanila. Naramdaman ko rin ang hawak sa akin ni Emilio, bago ko maramdaman ang matinding kalungkutan sa pagkakahawag doon sa babae.

Matapos noon, sobrang hapdi ng katawan ko. Wala akong ibang makita kung hindi kadiliman. Nakikita ko ba ang alaala ng babae?

"Al?", natauhan ako sa boses ni Emilio. Kumakapa ako sa dilim, umaasang mahawakan siya.

"You shouldn't be here", natunugan ko ang boses ng nagsalita. Si Kamatayan.

Nag-iba ang hitsura ng paligid. Hindi maproseso ng isipan ko kung paano kami napunta dito. Isang lugar na hindi ko na binalak balikan.

"Aleka", hindi katulad dati na parang sa isipan ko lang nagsasalita si Emilio, malinaw ko siyang naririnig. Hindi rin tulad dati na medyo malabo siya sa aking paningin. Halos mukha na siyang normal na tao.

"Emilio", halos walang pinagbago ang lugar mula noong huli kong kita dito. Mukhang takang taka rin si Emilio kung paano kami nandito.

"Naisama mo ba ako sa alaala ng bata?", hindi ako masagot dahil hindi ko rin alam. Ngayon lang ito nangyari.

Nakasukbit ang braso ko sa kanya, hila-hila ko siya habang naglalakad. Pamilyar ang mga naglalarong bata sa malawak na bakuran ng ampunan. 

"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito, Aleka", hindi ako makatanggi sa sinabi niya. May kung anong nakakakaba sa panahon ngayong araw.

Maybe I'm dreaming?

"Aleka!", nahinto kami ni Emilio. Tinuro niya ang isang babaeng nagbabadyang umakyat ng puno. Sa sanga nito ay may nakataling tali, na paikot ang dulo na nakalaylay mula sa sanga.

Nanlamig ako bigla.

Pamilyar ang senaryong ito.

Nananaginip nga ata ako.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AudaciousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon