Chapter 8

442 4 0
                                    

**8**

I've loaded more than enough, tumira pa ako ng dalawang baso ng Milo kanina... oo, I'm here for a go. Sabi nga ni Wella, walang mawawala sakin at sabi naman ng konsensya ko, ang weak ko raw.. so I think, it's time to be strong and face everything, kahit paunti-unti lang... 

before ko kayo dalhin kung saan, may ieexplain naman ako...

today is DJ's Wednesday. Meaning eh singing DJs day ngayon, at since maraming nag-aabang dun, walang klase sa buong morning, ibigsabihin rin ay free time ko. It's really a big deal sa buong campus. Mantakin mo naman kasing pinapaliban pa ang klase para lang dito. Every Wednesday ay nagbibigay ng tribute ang mga school jock sa mga students, bawat isang DJ ay kakanta ng isang requested song mula sa texters. It's quite exciting kasi may prize rin yung texter ng napiling song. And this singing DJ thing ay SOG(sign of gratitude) na rin nila para sa mga listeners.

I know all these stuff because I used to work with them, and yes, I'd been one.

ngayon, andito ako sa parehong room na tambayan ko less than a month ago. Nagresign na kasi ako last sembreak.For some sensitive but unreasonable reason. 

pagpasok ko palang sa station, parang biglang lumungkot yung aura ko, una akong dumating, so ako palang ang tao, and later on, I'll be sitting again on the very same seat I had before.Looking around the place makes me weaker. For a fact lang naman kasi na yung lugar na yun ay yung mismong lugar kung saan ko unang nakilala si Nikko...  

*flashback*

It's first year! bagong environment nga pero wooh! masasanay rin ako, at ngayon naman ay nasa TLE subject ako. Optional nga yung sasalihan mo, can either be HE, Journalism, Broadcasting or IT. I chose Broadcasting. Wala lang. Yun kasi yung feel ko.. yung friend ko nga na si Wella ay hindi sumama, magjojourn daw sya...

Sa section namin, dalawa lang ata kami ni Mr. Crisostomo na nagbroadcasting.. yung nakasama ko pa talaga ay yung hindi ko kaclose. Ayos!

"hi"

"hello" oha! nagsasalita nga yan sya! "I-A ka rin ba? pamilyar ka eh"   don't tell me hindi mo ako nakikilala?

"ah, oo.. kaklase mo nga ako"

"aa, sabi na eh" so hindi ka pala sigurado. Saang earth ka napadpad?   "Nikko nga pala" tapos nagsmile sya.. uy! gwapo!    

"ah, kaizen" tapos nagshake hands naman kami...

"nice name!" at mula nun eh naging close na kami... sa aming magkakaklase, sya lang at si Wella yung talagang kasama ko...

***

Second year high school...

naging magkapartner kami ni Nikko at nakakuha kami ng 15 mins. slot na airing tuwing Tuesday at Wednesday... naiintriga pa nga kami pero wala lang yun samin... yun ang akala ko..  

"hindi ba may sinabi ako sa inyo kanina?" sabi nya on air, nagtaka naman ako.. 

"ano naman yon partner huh?" tapos tumawa sya..

"something surprise partner.. sabi ko nga abangan nila.."

"ah, yung pinag uusapan pala ng mga babae sa hagdan.. sige fire! ano yang surprise na yan?"

"let me.." tapos nilayo nya yung bibig nya sa mic.. "paki patay po kuya yung mic.." tapos pinatay naman ni kuya then nagpatugtog sya ng commercial..

"uy wala pang break!"

"kaizen, I'm in love!"   nagulat naman ako at natuwa! excited pa yung itsura nya..

"WOW! nice! Sino? sino? dali!"  

"I LOVE YOU KAIZEN!" tapos may narinig naman akong feedback ng mic then hiyawan sa audio cubicle.. OMG!    

bakit naman nakabukas yung mic? bakit naman yun on air? 

*end of flashback*

and that's why ayoko rito.. dito nya nga unang sinabi yun... kaya naman kahit papaano at kahit sinabi ko nang kakayanin ko ay hindi ko pa rin napigilan, for the Nth time, I cried.. para kasing pelikulang automatic nalang na nagplay lahat. ASAR!  

baka sabihin nyo naman sadista ako kasi pupunta punta ako rito tapos iiyak rin ako, honestly, naisip ko na yan, nagready na ako pero hindi ko pa rin napigilin, wala akong nagawa. In the end, bagsh! talo pa rin ako, ng sarili ko..  

pero ok na rin ito, para tigilan na nila ako, nung mga makukulit na tao at pilit na binubulabog ako sa isang bagay na ayaw ko nang gawin.. para end na, gagawin ko na.

dumating naman na sila after lang din ng ilang minuto, nagulat pa sila at napasigaw nung makita ako.. natuwa naman ako at napatawa rin..  namiss ko rin ang mga ito... at since 30 mins. pa before ng airing, ayun! parang may rally sa station at ang ingay ingay nila..

"buti naman! alam mo bang everyday ka naming hinihintay?"

“wow! natouch naman ako"

"ikaw naman kasi, bakit ka nagresign? ang alam ko ito talaga ang hobby mo tapos ganun nalang kung iwan mo?"

"sorry.. hindi man lang ako nakapaalam"

"forgiven.. so ano? Is this the come back?" umiling naman ako..

"no, the cut is still deep but healing and will completely be, SOON"  

"oww" sabi naman nila..

Stay Away Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon