Chapter 11

398 3 0
                                    

**11**

Ang saya ng buhay nya no? nag eenjoy syang ipamukha sakin ang mga bagay bagay. Don't worry mag papaparty ako! 

Lunch time na. Inaya pa nga ako ng grupo na magshakey's kaso lang kasama si Nikko, ayokong makapatay.. joke. Si Wella naman kinongrats lang ako then sabi nyang kakain na sya, inaya nya rin ako kaso lang tumanggi ako. Ewan, nawala na yung gutom ko.Ssayang kasi talaga yung tubig namin pati yung sabon, idagdag mo pa yung kuryente dahil pinalantsa ko pa ito. Buenas!

"ATE AIZEN!!!!" tapos hinug naman nya ako.. 

"wow! kumusta na Angel?" namiss ko itong batang 'to.. oo nga pala, baka magtaka kayo, andito ako sa playground

"I'm alright!" tapos umupo naman ako para maging kasing tangkad ko na sya..

"very good! nakalunch ka na?" umiling naman sya..

"hinihintay ko kayo ni kuya" nekew! napakamot ako ng di oras..

"talaga? kumain na si kuya eh"

"opo, sabi nya dadalhan nya ako ng pizza" pizza for lunch? anong klaseng kuya naman yan! 

"pizza? mabubusog ka ng pizza? no.. no.. tara, we'll eat rice" tapos kinarga ko naman sya..

"sabi ni kuya dito lang ako" ano ba naman yan! Nikko ginugutom mo ang kapatid mo!!  

"no, we'll eat rice"

"isama natin si kuya"

"busog na yun" tapos naglakad na ako habang karga ko si Angel

"matutuwa yun! lab ka nun eh!" 

"hehe"  sabi ko ng walang feelings.. hindi kasi alam ni Angel yung nangyari... ewan ko kung bakit hanggang ngayon hindi nya pa rin sinasabi..

"natuwa si ATE!!" tapos pumalakpak sya.. "pero sabi ni kuya galit ka raw sa kanya" ako pa? ako pa ang galit? ang sama!  hindi na ako umimik nun..

"inaway ka ni kuya?" oo angel! oo!

"ang ingay mo, hindi ka pa ba gutom?"

"SI KUYA! KUYA!" tapos bumaba naman sya.. 

"ba't ka umalis dun?"

"sabi ni ate kakain kami ng kanin kasi hindi naman nakakabusog yung pizza" tumingin naman sakin si Nikko

"kuya, inaway mo si ate! bad ka!" wala akong sinabi ha..  

"ha?" tapos tumingin ulit sya sakin.. tinaasan ko lang sya ng kilay.. hinila naman sya ni Angel papunta sakin..

"shake hands" natatawa ako kay Angel kasi para syang teacher na nakapameywang pa.. "papaluin ko kayo pag hindi kayo nagshake hands!!" sana nga pwedeng maayos ang lahat ng isang shake hands lang no?  

nag shakes hands naman kami then saka ako nagsalita..

"sige pala, aalis na ako" pero pinigilan ako ni Angel

"kakain tayo ng rice kasi nga hindi ako mabubusog sa pizza ni kuya diba?" huminga naman ako ng malalim.. napasubo ako!

"kayo nalang"

"matapos mong sabihing kakain kayo ng rice aalis ka?" sarcastic! teka, anong sarcastic dun? hmp!

"k fine.. tara" nagfake naman ako ng smile tapos tumingin ako sa kanya ng masama. ENJOY! 

alam nyo na rin naman siguro yung ginagawa pag kakain ng lunch. ang kaibahan lang nga, si Angel yung natuwa at kami namang dalawa ay speechless.. ang saya!!

nung sandaling nag cr naman si Angel, bigla nalang akong nilapitan ni Nikko

"ano naman yun?"

"alin" 

"you're trying to get my sister's attention? at nagsusumbong ka? para san? para maging mabait ka at may kumampi sayo? please kaizen! sa mga palabas lang yan nagwowork, not in real life. So dream on! alam mo, tama si Bianca, dapat kong isecure si Angel away from you, baka kasi maimpluwensyahan mo sya"nakatingin lang ako sa kanya nun.. ano bang sinasabi nya?

"ano? parewind daw?" tapos tumawa naman ako.. "ganyan na ba talaga kalaki ang galit mo ha? ganyan na ba talaga ako kasama ngayon? wow! hindi ako desperado nikko, I am doing what I am doing not to please anybody especially you, I don't care about what you are thinking, atleast I know I'm normal, and  know what? you're just paranoid!"  tapos tumayo na ako, dumating naman na ni Angel, kiniss ko lang sya sa forehead then umalis na ako.. grr..  

Stay Away Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon