Chapter 30

409 3 0
                                    

**30**

JVSIUDBGWPIBZIUVNAODFJNVMZXLIOSDJKERMNFGUIODCUIJHA!!!

Tapos na yung periodic namin!! Pwede nang mamatay! Joke lang.. 

“wa!! Shake tayo! Libre ko!”   

“waw! Galante ngayong araw, anong meron?”

“wala! wala na, wala nang review review!! Enebe! Masaya lang talaga”   

“haha! Sana lagi ka nalang ganyan no, samahan mo muna ako sa oval, para masaya tayo”

“anong meron sa oval?”  

“surprise sayo ni Nikko, tatanungin ka na nya kung pwede ka na nyang maging girlfriend”  

*STUNNED*  

“o tara na!”

*STUNNED*  

“oi!”

“TUMAHIMIK KA NGA WELLA!!”  

“ay over!” tapos tumawa sya ng malakas.. “JOKE! Waaa!! Feeler ka! Hindi no, pupuntahan ko lang si Ma’am MAPEH para magpapirma ng clearance.. masayang feeler!.. umaasa?”   

“totoo?”   

“hahahah! Tamo itsura mo! ang pula mo! joke lang nga! Bakit disappointed ka?” 

“BUENAS KA! Sabi bang pagtrip-an ako??” hay.. hindi ako nakahinga nun eh.. matatapos nalang yung araw, akala ko babangungutin pa ako.. waa!   

“hahaha!! Tara na kasi.. mamaya wala na yun dun.. mamaya nanigas na yun sa sobrang kaba..”

May naaninag yung pandinig ko pero pakiramdam ko ay epekto lang yung ng afterschock so ito nanaman tayo, nevermind..  

Kumakanta kanta lang si Wella habang ang bilis bilis maglakad.. nakakahingal ngang sabayan eh

“hoy! May moonwalker ka pong kasabay”

“whatever.. gusto ko na ng shake e!” tapos tumakbo pa sya.. bahala ka sa buhay mo, maglalakad lang ako..  

Nung nasa bandang paliko na ako papunta sa oval, nakarinig naman ako ng tugtog, as usual, exercise ng mga CAT.. mga kabaliwan lang.. buti nga last week pa kami pinaganyan eh..wahaha!!

Waw! Gusto ko yung song.. I will survive.. napatakbo naman ako bigla, parang ansarap kasing panuorin yung mga CAT na sumasayaw nun.. haha!!



Kaso lang nung makarating nalang ako dun.. *click for soundtrip*

SHEET!!   
 













CROP!!    









Bakla si Nikko??  













Joke!! Hindi yun..














h-harana??  







Itutuloy...   






































Joke ulit!   










Waaaaaaaaaaa!!! Ano ito?!? WELLA? LAYA?? THE HECK!  


“Bright cold silver moon
Tonight alone in my room
You were here just yesterday
Slight turn of the head
Eyes down when you said
I guess I need my life to change
Seems like something's just not the same
What could I say?

I need a little more luck than a little bit
Cuz every time I get stuck the words won't fit
And every time that I try I get tongue tied
I'll need a little good luck to get me by

I need a little more help than a little bit
Like the perfect one word no one's heard yet
Cuz every time that I try I get tongue tied
I need a little good luck to get me by this time” then music stops…

Lumalapit sya.. palapit ng palapit.. natatakot ako! Kukunin nya ako!! Waaa!!  

Joke ulit.. hindi ko lang talaga maintindihan yung nararamdaman ko ngayon.. ngayon na ba? As in now na??


Luntiang berde yan! Bakit ba kinakailangan ganito lagi yung ending ng mga story??  

Lumapit sya kung san ako nakatayo, ako naman ay napako na dito sa kinatatayuan ko, gustong gusto kong tumakbo pero parang bigla nalang akong hindi makagalaw.. siete naman o!


“kaizen” nagsimula na syang magsalita “alam kong masyado pang maaga, pero gusto kong mas makasama ka ng matagal.. gagraduate na tayo eh.. sa dami ng napagdaanan natin, napatunayan ko kung gaano ka kahalaga sakin, kung gaano ako nagiging masaya tuwing nakikita kita, at kung paano nakukumpleto yung araw ko kahit minsan ay nagsusungit ka..”natawa naman ako dun.. 

“pero ayos lang, tulad nga ng sabi ko, kaya ko naman eh. Ayokong sabihing ikaw ang lakas ko kasi alam kong ayaw mong nakadepende ako sayo, ayaw kong sabihin na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka kasi baka sapakin mo ako tulad nung unang beses na sinabi ko yun.” 

“hindi naman ako magpopropose ng kasal sayo eh, kaya ayoko nang pahabain pa.. Kaizen, will you be my girlfriend?” 

Nanlambot bigla yung tuhod ko.. saka ko naalala yung sinabi ni mama kagabi..

Quote

“anak. Nanggaling ka na dyan, at alam kong alam mo na ang dapat sa hindi. Kung sakaling dumating man yung araw na tanungin ka nya, alalahanin mo lang yung pakiramdam na naramdaman mo nung oras na tinanong ka ng parehong tanong, then that’s how you’ll get to know what’s the right answer to say..” 

Naghihintay lang sya sa sagot ko, nagconcentrate ako tapos inalala ko yung nafeel ko that time, when he was smiling at me, and me smiling back, blushing.. 

Pakiramdam ko nun, wala nang sasaya pa sakin. Pakiramdam ko nun, ako na yung pinakamaswerte.. pakiramdam ko halos malunod na ako sa sobrang inlove.. a long lost feeling that I’ve been searching for quite sometime now..

Lahat yun narealize ko until namalayan ko nalang na may lumabas nang mga salita sa bibig ko..

you deserve a huge A for your effort Nikko” with a smiling face.. tapos he smiled back.. the biggest smile…  

Stay Away Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon